mga naligaw ng landas

Martes, Mayo 24, 2011

wag basahin,,GAGANDA ka o 'di kaya ay PO-POGI ka

nauto ba kita? sorry ha desperado na ko para magkaroon ng mambabasa,, tutal andito ka narin naman ay magbasa ka na rin ha,, hehe (sino ba namang tanga ang mauuto ko sa ganto,,,,,, ah shyet! napindot ko yung sarili kong title!).


mahilig narin naman ako sa "enumeration" eh malamang pangagatawanan ko na talaga ang paggawa ng mga "bullets" or in tagalog ay maliliit na "toro"..bullets......maliit na toro ,, gets ba? ahehehe.....hangkorni ano? ehehe bayaan mo na.... anyway subway,, ang naisip ko namang ibahagi ngayon ay ang mga pangyayari nitong nakaraang mga araw,, bakit naman hindi? eh kwentokoto... (ang tanga eh...blog ko na nga to eh nagppromote parin ako,,, ang tigas ng muka anu po?)



  • Mag enjoy sa isang inuman na masarap ang pulutan, masaya ang usapan at kapaligiran, pero sa di sinasadyang pagkakataon ay NAKATULOG ako,,, waw.......
  • Birthday ng pinaka super duper sa pagiging mabait, maganda, at syempre shekshi kong GF/Asawa (super good shot nako nito ahehe) pero wala naman akong pera..., nag feeling na lang ako na "ako" yung bumili ng cake na ibinigay nung ka-tropa ko sa kanya,,, 
  • na kumain nung "bistek" nung lunchtime namin tapos sasabihin sayo ng katrabaho mo na naisauli na nila yung bistek nila kasi luma na daw yung karne,,, ang masakit nito eh nalunok ko na lahat bago nya sabihin sakin iyon,, "waw" na nga lang ang sabi ko,, sabay dighay..
  • na sumakay sa jip (nanaman..... daming ko talagang nararanasan sa jip,,,) sasakay ka tapos kitang kita mo pa na may mga espasyo pa sa magkabila pero ayaw umayos nung mga nakaupo at halos 15 seconds ako na parang tanga na naka- "pause" lang sa gitna na parang nagkaroon ng "back ache" sa pagkakayuko ko,,, tapos nung maka-upo ako eh may sasakay na pasahero na may napakalaking "backpack" sabay sasalampak sa tabihan ko,,,,, waw, parang sya pa nga ang galit kahit ako pa yung nasalampakan ng bag nya,, sa asar ko hindi ako umisod kahit magkandalaglag na siya sa upuan nya hehe,, buti nga't hindi kami nagpanuntok,, nagkaka-tinginan na nga kami ng masama,,, yun lang... ako kasi GALIT na,, baka xa type ako,, babaklain ang mga style eh, ayaw kumilos ng walang mapeperwisyo eh,, 
  • na manood ng "Pinoy Blockbuster Channel" ng halos isang buong araw, nahihiya kasi akong magpalipat ng TV hehehe nanonood mga tropa ko eh... wala naman akong masamang tinapay sa panonood sa channel na yun,, pero waw naman,,,maghapong sila robin padilla, sharon cuneta, aga muhlach. john loyd cruz at claudine barreto ang makikita mo eh,,, mas gusto ko pang manood ng "cartoon network".
  • na mag-ayos ng blog ko....... kahit walang kwenta to at wala pang gaanong nagbabasa eh,, inaayos ayos ko pa naman ito kahit konti,,, kung nababasa mo to eh winner ka, yes you men, why? kasi nauubos ang panahon mo kakabasa nito,, nabawasan ang oras mo sa pagpe-facebook,, edi "winner" ka,,,parang nakapag pigil ka na ring mag facebook kahit adik na adik ka hehe, (pwera na lng kung sinundan mo ang link ko na nagmula sa facebook,,,, wag mo nalang intindihin lahat ng sinabi ko hehe)

daming nangyari sakin anu po? ANIM lang? ahaha,,, pero siyempre,, yung mga pinakanaiisip ko lang na nangyari ang inilagay ko,,, alangan naman pati yung ipis na nanggugulo sakin nung tumatae ako nung isang araw eh ikwento ko pa.......(ang tange ko talaga,,,, nasabi ko din...)

Sabado, Mayo 21, 2011

anak ka ng jueteng

minsan napapataya na rin ako sa STL or Small Town Lottery / (Legal na Jueteng) pag may napapadaan na nagpapataya dun sa opisina namin,,,, madalas ang naitatanong ko pag dumadaan yung nagpapataya ay "anu po ba ang tumama?" tapos syempre sasabihin yung numero "onse bente uno" tapos makakahinga ako ng maluwag....bakit? kasi minsan nga lang kasi ako tumaya at masarap sa pakiramdam pag nalaman ko na hindi yung numero ko yung lumabas kasi nga eh wala akong taya,,,, oo nga, kahit sobrang bihira kong tumaya sa mga ganan eh parang gusto ko updated parin ako, parang hindi na yung pag-tama o pagka-panalo ang inaabangan ko kundi yung hindi pag labas ng numero ko hehe labo ko talaga ano?

Huwebes, Mayo 19, 2011

paulit-ulit-ulit-ulit-ulit

medyo masusurprise ka pa ba pag sinabi sau na "pre paulit ulit nalang ang ginagawa natin araw-araw" ..bangon sa umaga, ligo, kain,,,, ahh teka mali yata pagkakasunod sunod ko,,, ganto pala... magmu-mulat ng mata,,, hikab, mag-iinat, punta sa may dulo ng kama,, tapos tatayo,,,,, tatayo,, un lang yun... tatayo ka,, hindi "yun" yung iniisip mo na tatayo ha, tapos lakad papuntang kubeta, yung iba magbe-breakfast muna, yung iba tatae na tapos sunod sunod na yun hanggang makabihis at makaalis ng bahay, sa medyo nagtatatrabahong uri ng mamamayan po na "routine" yan.. isama ko na rin po yung sa mga tambay/batugers nating kalahi..ganto yun.. magmumulat ng mata (malamang, alangan naman kung ilong ang imumulat, ako lang may kaya nun),,,,tapos pikit ulit,,,,, tapos mulat,,,, tatayo at kakain,, tapos balik sa kama tapos pikit ulit,,, medyo simple lang nung cycle nila kaya hindi na komplikado ang step by step na ginagawa nila araw-araw. Nabanggit ko lang po ito kasi pag medyo napag muni-munihan ko itong bagay na ito eh..... parang....parang ano eh... paulit ulit.. pag naiisip ko na ganun eh ganto ang pumapalo sa utak ko,,,,,

anu kaya......hmmmm....
















- 'langya maliligo nanaman,,,bakit hindi nalang 2 days ang duration para maligo ulit (pamantayan po iyan ng mga "normal" na Pilipino, malamang amoy tuta ka na pag 2 days ka ng hindi naligo)

- kata-tae ko lng kahapon eh,, tatae nanaman ako,, di ba pwedeng lingguhan nalang? (edi nabulok?)

- hay...trabaho nanaman, di ba pwede na nasa bahay nalang ako tapos kasama parin ako sa payroll? maiba lang..

- di ba pwede na makuha ko na yung diploma ko? installment nalang yung aral...maiba lang

- makapagbakasyon sa Iraq, Afghanistan or sa ibang magulong parte ng mundo,, lagi nalang pag "bakasyon" ang pinaguusapan eh, USA, Japan, Hongkong at Boracay nalang ang lagi kong naririnig eh.

- mag ice skating sa swimming pool pag summer (huh? ibang iba na talaga to)

- na malasing nalang muna bago mag-inom ng mga nakakalasing na inumin, para pwede mong "balihin" yung hang-over.

- na labasan muna bago makipag sex para mas matagal ang performance,,,(ay churi po bashtush ko,, ahehe.. maiba lang din naman ang usapan eh,, ehe ehe ehe *singhot)

- na mag swimming ako sa napakalalim na swimming pool pero di ako mamamatay (di nyo naitatanong .... attached na attached ako sa pagiging "land dweller" kaya pag ibinato mo ko sa pool eh wala ng lutangan except pag dedo na)

- na pagtunog ng bell sa opisina eh automatic na nasa bahay ka na kagad, (langya kasi trapik eh)

AT ANG PINAKANAIISIP KO......

- na dumami ang readers ko,,,,,(ang unti kasi eh,,wawa ako) ...... maiba lang......

Miyerkules, Mayo 11, 2011

pangangati

etong temporary na gamot sa pangangati,,,
SCRATCH it baby! brekitdawn yow
wag nyo nalang po masyadong pansinin yung title ko,,,, nangangati talaga ako,, pero kung yung medyo "green" ang iniisip nyo mga pre eh,,, makati talaga ako dun hoho,,, anywey kamotey, ang nangangati talaga sakin eh yung kaisa isa kong sugat na kinaaasaran ko bukod dun sa araw na may sugat ako pagkatapos akong tinuli,, nakakapagtaka nga tong chugat na to dahil "kinamot" ko lang to, ganun na ba ka-dumi ang kulangot ko? (gets?) (wag slow ang pick-up pls hehe joke) eh ayun na nga, pagka-kamot ko (medyo malupit na pagkamot ang ginawa ko kasi kaya medyo nagasgas),,, oo nga pala, yung sugat ko ay nasa may kalagitnaan halos nung sakong at nung "joint" sa paa kaya mas mahirap ang kalagayan ko, di naman pede na nakatsinelas ako sa trabaho kasi nga sapatos na nga lang ang nakakapagpalimot sa akin na bobo at mangmang ako,  (undergrad nga kasi, baka maalala ko na dapat eh kargador dapat ako sa pier,o kaya macho dancer sa isang pipichuging gay bar o kaya tagapag tabas ng imbisibol na damo),,, o sya balik ako sa kwento------tapos ayun,, medyo humapdi at namaga yung sugat, tapos nun inom si gago ng antibiotic (ako yun) tapos akala ko magiging ok na,, medyo indication na nga ng pag galing "daw" pag medyo nangangati na yung sugat, pero watdapak, SOBRA naman sa pagkakati tong nararansan ko, malamang magsugat ulit tong kumag na to kasi malamang kakamutin nanaman to eh,, (sinong may mittens jan? penge.. hehe naging baby eh hehe) ,, kaasar lang talaga yung mga gantong klase ng chugat kasi pagagalingin mo para hindi na masakit tapos pag pagaling na kakamutin mo tapos pag kinamot mo magsusugat, waw men, mas magulo pa sa utak ko nuh, waw...... 

Martes, Mayo 10, 2011

listahan ng kabwisitan sa loob ng jip


malamang halos lahat naman sa atin ay nakasakay na ng jip, napakaraming mararanasan sa simpleng pagsakay mo lng kahit mapa short distance pa yan o di kaya ay oras pa man ang abutin, may nakakairita, may nakakatawa at meron din syempre entertaining na mangyayari.

sa sarili kong karanasan sa loob ng 18 yrs ko dito sa mundo,, (hehe nagpapabata ako nuh?) eh may mga expreience nako na masasabi ko..... puro nakakairita,,,,,


  •  Pag sasakay ka tapos medyo sikip na pero may bakante pa eh hindi parin uusod ang mga ilan sa may kagaguhang kababayan natin..



  •  pag sasakay ka eh imbis na i-iwas ang mga naglawitang tuhod at paa... parang wala lang,, kahit matalisod  ka pa o magpatumbling tumbling ka na eh hindi sila gagalaw



  • yung mga naguusap ng pagkalakas lakas tapos puro chismisan ang maririnig mo, minsan mga hindi na dapat marinig ng iba yung pinaguusapan kasi medyo personal (may nababanggit ng pangalan, anu yung mga ginawa nung taong yun,,, etc.) pero sige parin.



  • yung mga nagpapaabot ng bayad na parang utang na loob mo pa at kulang na lang ay lumuhod ka pa dahil inabot mo yung nga bayad nila? minsan kasi, may naramdaman akong dumudutdot sa braso ko,, idinudutdot na pala sakin nung katabi ko yung bayad nya, napatingin ako...tapos parang ganto yung ginagawa nya eh, dutdot sa akin ng pera sabay nguso sa direksyon nung driver,, walangya nuh? pero siyempre mabait ako,, inabot ko nalang sabay "tiger look" na may halong pag-iling nalang ang isinukli ko sa kanya hehe.



  • meron pa jan eh matutuwa ka sa asar eh,, magpapatugtog gamit ang mga cellphone, mp3, mp4 at kung anu-anu pang empi,,, buti hindi natunog ang empi-light haha,,, pero siyempre maiirita ka, ayaw mo naman marinig yung pinaptugtog nila pero parang naka todo pa volume nila, baka siguro pinagyayabang na may mga gadget sila,,, pero mga pre,,, remember,,, hindi na sikat ang may kung anu-anung gadget ngayun,, yung magbobote samin mas maganda pa cellphone sakin,, parang may nakita nrin akong pulubi na naka ipod shuffle ehehe, kaya di na status symbol yan, lagay nyo nalang sa bulsa nyo o di kaya ay bumili nalang kayo nung isang malupit na imbensyon na tinatawag na headphones or earphones, ok? naimbento na po yung mga yun.



  • etong isang to eh may kaugnayan din dun sa mga lumulikha ng kakaibang ingay sa jip,,, medyo tanggap ko pa yung ingay na lumalabas sa cellphone at music player nung iba,, pero "ito" ,,, tsk,, nakow,, sobra,, naknampota,,, yung KUMAKANTA,,,, tangna,,,, ok lang po na-kumanta,,, pero my gad naman men.... naman, wala po tau sa videoke bar,,, hindi ba yan makakaintay hanggang sa pagbaba nyo? mas mabbwisit ka dun sa iba eh,, na-hum nga lang pero wag ka,, malakas na hum yung ginagawa, hhhhhhhoooooo,, ang genius!



  • Eto naman po para sa mga babae: ipipilit tumagilid (medyo naka side yung pagkakaupo) alam na ngang siksikan eh gumaganon pa, di ko malaman ang reason sa likod ng pag-upo ng "ilan" sa mga dalagang pilipina natin pero naknampucha naman,.....napansin ko puro mga may edad na babae ang gumagawa nito (senior citizen na yata) or medyo bata ng konti sa ganun.

'

  •  Eto sa mga lalake: mapa-gurang, mapa-angasing kabataan pa man na lalake eh ganto naman ang ginagawa,,, siksikan na, siyempre medyo aayos ka ng pagkakaupo medyo maglalapat dapat diba ang mga hita natin para mas makagawa ng space para dun sa ibang uupo? yung ibang mga ungas nating "macho man" eh pilit paring ibunubukaka yung mga binti, tuhod at hita nila, para ba astiging tingnan? baket mga pre? naiipit ba mga itlog nyo kaya kau gumaganan? pa opera nyo para mabawasan ang laki at taba ng mga itlog nyo para matuto kayong umupo ng ayos at di kayo makaabala sa iba....

marami pa sana akong mailalagay dito sa listahan ng kabwisitan pag nasa jip pero,,, siyempre,, ma-re-recall ko nalang siguro yung iba pag sumakay nanaman ulit ako sa jip (yung tipong mararanasan ko nanaman) at maalalang, syet men,, di ko to naisama sa listahan ah! ahehehe,,, basta isa lang po maipapayo sa mga pasaway na mga pasahero,,,, bumili nalang po kayo ng kotse!

nakabalik din sa wakas

Sa tinagal tagal ko pong nawala dito sa blogger.com eh sa wakas ay naka balik din ako (parang namang may nag-ke-care eh)., andito na ulit para mangulit at mambwisit at the same time 'ika nga.

Pinagmamalaki ko itong comeback ko na ito dahil i am proud to say mga pre na nag mature na ako, (teka asan ung gatas ko? tsk,, andito lang yun sa tabi ko kanina eh! buti may baon akong pacifier!)

mapapansin nyo nga po pala na maraming na edit at na bura na mga post ko, medyo inayos ayos ko lang tong blog na to, medyo nabubulok na kasi, pati yung ibang mga kwento ko na matagal ng nangyari eh medyo bulok narin, medyo sasabay naman tau sa panahon ng pagka high-tech diba? (anong konek?)

dito ko na muna tatapusin ung introduction ko sa muling pagkabuhay ng "kwentokoto", basta read lang kau ng read mga pre para lalo akong ganahan sa pag iisip ng mga ipaglalagay ko dito, salamat at sana ay basahin nyo narin muna yung mga old posts ko, paki na ha, umayos ka,,,, cge na pls :

magandang araw sau at sa lahat pa ng magiging mambabasa ko, pagpalain sana kayo at sana ay dumami pa ang lahi nyo basta wag lang kamuka nito......