mga naligaw ng landas

Lunes, Enero 14, 2013

Tinta Mode (Part 4)

ahmmm, akalain mo pinayagan ako ni misis wohoo! (drooling happy face), buti nalang, kasi gustong gusto ko na talaga ng "closure" kuno para sa last piece na matagal ko ng naiisip para sa likuran ko, salamat naman at nabigyan pa ko ng pagkakataon na maidagdag ito....

"aray..... aray..... aray....."
Kahit medyo patigas epek pa ko at kulang nalang eh madurog ang mga ngipin ko dahil sa gigil sa sakit eh pasalamat parin ako dahil nairaos ko,,,, pero talagang "aray" parin ang naiisip ko pag nakikita ko to, pero watdahel, eto na nga at ayos na sa wakas :) nai-share ko lang ho sa inyo, salamat sa pag silip, sa uulitin!

Sabado, Enero 12, 2013

Isipang Wasak

"hmmmm.... hmmmmm..... hmmmmmmmmmmm"
Nasubukan nyo na bang mag-isip at magtanong-tanong ng mga bagay na kakaiba at kadalasan ay hindi nyo naman maitanong dahil sa pagiging "weird" ng paksa o nilalaman ng mga katanungan na iyong naisip? (pwera ka-manyakan para sa kaibigan nating manyakis! maging wholesome naman tayo oh!) o kaya naman ay biglang susulpot ang mga hindi karaniwang tanong sa isip mo at basta-basta nalang itong mawawala hanggang sa malimutan na? kaya ko naitanong ang mga bagay na ito ay dahil syempre "as usual" ay meron akong mga ganyang mga katanungan na naitabi sa dingding ng malagit at ina-amag kong utak katulad ng:

- Napag-tanto ko na kawawa pala ang mga langgam... bakit? eh kung ilagay mo yung sarili mo sa pwesto nila? pano kung maya't maya ay nag aalala ka na baka may lumitaw na suwelas ng tsinelas o sapatos na bigla nalang yayapak sayo? mapapalagay ka ba na sa simpleng dura lang ng tao eh malulunod ka na? na makikipag sex ka sa pinaka reyna at aakalain mong jackpot ka na tapos mamamatay ka lang pala sa huli (saklap)? 

- Sabi nung ibang inventor eh para masolusyonan ang probelma sa gasolina eh gagamit nalang tayo ng "tubig" para paandarin ang sasakyan natin... hindi ko lang din mapag tanto na pano kung lahat ng tao sa mundo ay tubig ang gagamitin kapalit ng petrolyo? yung simpleng pag tu-toothbrush nga eh dapat daw eh patayin nating yung gripo habang ginagawa ang pagsisipilyo para makatipid nga daw dahil balang araw ay mawawala na daw ang supply ng tubig, pano yun? mas gusto ko na siguro na mahal ang gasolina kesa wala akong mainon pag nauuhaw ako.

- Pano kung walang internet? edi puro telegrama ang natatanggap nyong status update? kada isang linggo mo lang malalaman ang sagot ng mga nasa friendslist mo sa pinost mo na salitang "HI"? tapos ang isinagot sayo eh "eto ok lang" na ang sagot mo naman ay "ah ganun ba?" --- na inabot na ng tatlong linggo ang simpleng small talk.

- Pano kung walang inidoro? kumbaga... pag may bisita ka na sumasakit ang tiyan, anung sasabihin mo? "pare pwede bang maki TAE sa bakuran nyo?, wait lang, naTAE pa si misis eh, dun ka nalang sa tabing-bahay....

- Bwiset... baket? fast food daw tapos sasabihin sakin nung kahera, intay lang po kayo ng 15 minutes para dun sa "burger steak" nyo!

- Baket mas masaket yung "saludsod" kesa sa untog?

- Bakit tuwang tuwa ang mga kabute pag maulan, makidlat at pag kumukulog? (pati rin kabute ko ganun din eh)

- Yung kantang "Little Indians" taga-saan kaya talaga yung mga yun? sa India ba?

- Bakit pag walang pasok eh dun ka nagsisipag? bakit pag may pasok tamad na tamad?

- Nakain ko na ba lahat yung gulay sa kantang "bahay kubo"?

- Sa dinami-dami ng pagkain eh bakit baboy at manok nalang ang laging napapagtripan?

Hay nako....sobrang daming mga katanungan, sobrang unti ng "sipag" ko sa pag ta-type,, kung may gusto kayong idagdag na mga "weirdong" katanungan ay maaari nyo itong isulat sa komentaryo, salamat sa pag babasa at hanggang sa muli.