mga naligaw ng landas

Miyerkules, Mayo 30, 2012

ang sintensyado at ang gago


"di bali na walang pera basta may pag-ibig"--- eh  eh! hindi bali na, kung ganto naman ang korte ng pera  edi meron ka ng pera, may pag-ibig pa

tamad na tamad ako nung usong usong pag usapan ang isyu tungkol sa impeachment nitong nakaraang ilang linggo, kaya wala narin akong nagawa kundi magpatangay sa usapan at naging resulta tuloy di umano ng aking pasundot sundot na pakikinig at pahapyaw hapyaw na pakikisawsaw, pero isa lang yung nasabi ko sa mga kausap ko, "walangya, magmumura ba ang presyo nitong iniinom kong beer kung maa-acquit o macoconvict yang damuhong iyan?" well anyway shokey, may naririnig naman akong usapan sa mga istasyon ng radyo na puro balitaan ang tema na habang nagtatalo-talo ang prosekyusyon at ang depensa tungkol sa hindi pag dedeklara sa SALN ng foreign accounts at kung anu-ano pang yaman eh meron palang di umano na kongresistang super henyo ang palihim na nagsusulong ng isang bill na magsasa-pribado ng mga impormasyon tungkol sa mga pag mamay-ari o mga ari-arian ng mga government officials, di pa masyadong putok ang balitang ito pero may pangalan ng lumulutang tungkol sa "mastermind" (ahehe parang kriminal lang talaga e) o sa taong  may pakana ng naturang batas na ito, ayos din tyumempo ang luko, nagsisimula na nga ang hakbang para mabawasan ang kalokohan dahil sa pag batikos sa mga hindi idineklara na pag-aari nung ibang mga opisyal at para na rin matakot na yung mga gagawa ng kalokohan eh eto naman siya at gustong gumawa ng batas para hindi mapakelaman yung mga detalye tungkol sa mga foreign kwarta accounts at kung anu-ano pang accounts (account nalang siguro sa peysbook ang maaari na lamang buksan pag nagkataon), only in the philippines nga lang 'ika nga ng mga lelong natin, abang-abangan nyo nalang po at malamang eh mabalita  yun sa evening news, ahehe ang galing talaga nung lokong yun, idol! "Lord" Vahala ka na sa kanya.

Linggo, Mayo 27, 2012

....wala na

tamang tama po ang aking title dahil walang wala na talaga.., wala na talagang sumasagi sa isip ko para maisulat dito sa blog ko sa nakalipas na ilang buwan, kumbaga sa isang halaman eh tuyot na, kumbaga sa ulam eh panis na, kumbaga sa bote ay taob na, at kumbaga sa utak ay nasupsop na ang lahat... well anyway hi-way, sa maniwala po kayo o sa hindi....(singhot..hikbi...tulo ang sipon,... este ang luha........) AY HINDI pa po patay at hindi ko parin po iiwan ang blog na ito (yehey! palakpakan! tambling!),sino pa nga bang sira-ulo ang magtitiyaga dito kundi ako..(ako gumawa nito e,,malamang ako nga) dahil kung tutuusin eh yung mga usaping may kwenta nga at may katuturan eh hindi naman gaanong karami pero ang daming nalalathala eh pano pa kaya yung mga non-sense (waw english) at walang kakwenta kwentang usapin na hindi hamak na napakarami na inihahatid at ibinabahagi po sa inyo at sa buong mundo ng ng inyong napaka cute at napakawalang kenta at walang katuturang lingkod na walang iba kundi....AKO (tantararan!)

eheeeeeeeeem,.... wag po kayo mabibitin dahil puputulin ko po muna hanggang dito ang pang...hmm di ko na mabilang kung pang-ilang "come back" ko na ito pero basta, kahit anu ikekwento ko sa inyo kahit pag utot ng kasama ko sa trabaho ay ibabalita ko sa inyo in "REAL TIME" po at in High Definition pa! ok panu po? katulad ng aking madalas sabihin....Magandang araw po at madapa ka sana! :)