mga naligaw ng landas

Huwebes, Agosto 25, 2011

ka-puta-putahe

"Evolution ni Donald Duck"

hmm, nagugutom nanaman ako,,, anong ibig sabihin nun? malamang tungkol sa pagkain nanaman ang iku-kwento ko ngayon, pagbigyan nyo nako, wag na kayo mag reklamo, katulad ng lagi kong sinasabi, "wala na rin naman kayong magagawa dahil blog ko nga ito" :) ehehe...

maraming masarap na pag kain na masarap nga tingnan pero parang medyo nakakatawa ang pangalan katulad ng....
     -nilasing na hipon (masamang eksampol ang hipon na ito, laging lasing)
     -pina-upong manok (baka naman naglilimlim lang)
     -lechong kuwali (tangina, edi ikaw ang kumain ng kawali)
   
ilan lang mga eksampol yan sa mga nakakatuwang mga pangalan ng ilan sa mga putaheng kinagigilwan nating mga Pilipino...pero... kung ikaw ang gagawa ng sarili mong pagkain at ikaw ang magbibigay ng pangalan o kung may mga lutong pinoy tayo na hindi mo gusto ang mga pangalan?... anu kaya ang ibabansag mong pangalan para sa mga ito? ako eto....

(halo-halo na to, eksotik at hindi eksotik)

- Winalangyang Aso  - asong ginawang adobo o caldereta, kaya ito ang ipinangalan ko ay hindi naman dapat kinakain ang mga aso kaya nilagyan ko ng "winalangya"

- Sisig ng Kadiliman - diba madalas ang sisig pag ulo ng baboy eh ulo ng baboy lang, pag naman karne at atay, karne at atay, kapag tenga eh tenga lang o kaya pag rarambolin lang,, ako ang gagawin ko paghahalu-haluin ko lahat to, ewan ko nalang kundi ka ma-high blood, malamang magdidilim ang paningin mo sa lutong ito.

- Naglalawang Tinola - ito ang ipapangalan ko sa tinola na halos puro sabaw lang at papaya/sayote ang lahok, mapapansin mo kasi ang mga plato ng mga kumakain nitong putaheng ito na parang mga ilog na dahil sa wala nga masyadong lahok eh puro sabaw nalang ang nilagay sa kanin

- Naghihinagpis na Baboy -  ang lutong ito ay simpleng prito lang,,, hindi kita bibigyan ng ketchap o ng kahit na anong sawsawan para parehas kayo nung babaoy na naghihinagpis.

- Saan Ka Man Naroroon  - ito ay ang kahit na anong luto sa manok na panabong na naging talunan at kinatay nalang.

- Garfield - eto alam mo na to, wag mo ng itanong.. basta isipin mo "siopao"

- Now You See, Now You Don't  - eto ay "mga" putaheng inihahanda sa isang inuman o pyestahan,, picturan mo nalang yung mga pagkain na iyon dahil hindi mo na sila makikita,

- Tinarantadong Palaka -  ang pagkain na to ay pwedeng maging prito, adobo, inihaw, o kung anupaman ang gusto mong gawin sa palaka,, kaya naging "tinarantado" eh dahil kung anu anu na ang ginagawa sa palaka, ginagawang specimen sa lab, ginagawang pagkain o di kaya ay ginagawang alaga.

- Balbas Saradong Kambing -  lutong "Papaitan" din ito pero dahil sa pangit ang salitang "mapait" ay iniba ko ang pangalan,,

- Abortion - Balot lang po ito

marami pa sanang magandang pangalan ang naiisip ko pero,, alam nyo naman,, hindi lang po ito ang buhay ko,, kelangan ko pa rin magtrabaho,,, hanggang sa muli po at maraming salamat,, ehehe

Martes, Agosto 23, 2011

basahin mo nalang, wala akong maisip na title (ayokong title ang "Destiny")

"hmmm nahulaan kaya ng manghuhulang ito na magiging manghuhula siya?"

napakahiwaga talaga ng buhay ng tao, iba't ibang klaseng mga sangkap ang bumubuo dito... parang magic... parang "magic sarap" (all-in-one kasi eh)... pero sa paglalakbay natin sa buhay nating ito (kaya nasabi kong napakahiwaga ng buhay) ay maraming mga bagay na nangyari, nangyayari, at mangyayari palang na di natin lubos na maunawaan (ang kulit ko,,, kaya nga mahiwaga eh,,diba?),,, siguro may mga tao kasi ang na napapaisip na katulad ng iniisip ko minsan, "ano na ba mangyayari sa buhay ko?, anu bang tadhana ang naghihintay para sa akin? kelan ba magkakaroon ng world peace?" (pwera na yung huli siguro) di naman ako mayaman, di naman ako matalino, ang pinanghahawakan ko na lang ay ang pagiging gwapo" (biro lang po) ,,, tapos bigla akong nagulat na nakapasok ako sa isang trabaho (kahit undregrad pa ako) na hindi ko naman masasabi na malaki ang sweldo pero maipagmamalaki kong okey sa olrayt kahit saktuhan lang, nabanggit ko ito dahil ang akala ko talaga ay habambuhay nalang akong walang trabaho o tambay at wala ng pag-asa,,,, tapos medyo nagkabalu-baluktot ang buhay pag-ibig ko na di ko ikekwento sa inyo (akin na lang yun ha) yun na nga.. nung mangyari nga na nagkandaleche leche ako sa aspeto ng pag-ibig ay biglang may pumasok na tao sa buhay ko na piraso pala nung nawawalang kabaak ng puso ko (huwaw syet matalinhagang kornix ang kinalabasan ko nyehehe) na di ko rin inakalang mangyayari pa sa akin,... alam ko minsan masakit din mag biro ang tadhana,,, pero siyempre may masaya din na dala ito sa atin..di ba nakakabatrip pag ginugulat ka? nananahimik ka at nagmumuni muni sa isang tabi sabay may mang gugulat sayo,,, di bat ang sarap sapaken sa muka tapos pitik-pitikin ang "eyeballs" nung gumawa sayo nun? pero bakit pag tadhana ang nanggulat tapos masaya ang hatid nitong balita eh halos magpatumbling tumbling tayo sa tuwa,, oo alam ko meron mag iisip na "tao ang gumuguhit ng sarili niyang tadhana".... oo tama rin naman yun pero kung napaniwala nga tayo ng nanay o tatay natin na Pogi o di kaya ay Maganda ang isa't isa sa atin, mas madaling maniwala siguro na
                                                                     
                "malamang isang araw ako naman yung gugulatin"

salamat po ulit sa pag babasa at hanggang sa muli, at wag nyo pong kalimutang huminga baka kayo mamatay

Biyernes, Agosto 19, 2011

puyatola

"hindi na siguro halata na tulog ako pag idinikit ko tong mug na to sa kamay ko"

iba rin talaga ang pakiramdam kapag pumapasok ka ng puyat,, kahit muka akong katutubo at super sa pagkatagalog ang itchura ko eh nagmumuka akong singkit, kahit anung klaseng pagka-akitbo ang gawin ko eh nagmumuka parin akong gulay at kahit anong tindi ng gawin kong effort para mag isip eh lumalabas parin akong bobo, ganyan ang araw sa trabaho kapag puyat, hindi man maranasan palagi eh malamang mangyayari yun paminsan minsan... isang beses nga kinausap ako ng boss ko tungkol sa isang bagay, pero dahil nga sa puyat ako nung araw na yun eh halos di ko na maituloy ngayon ang kwento ko tungkol dun sa pinagusapan namin nun mga pangahong iyun, parang ang na-aalala ko lang eh yung sunod sunod na pagtango ko sa kanya na kunwari ay naiintindihan ko yung mga instructions nya sa akin,,, ganung katindi ang mga nagaganap na "short term memory loss" sakin dahil sa puyat,, wala naman akong reklamo,, masarap lang talagang ikwento, sa totoo nga mas ok sakin na mapuyat ako basta ba lagi akong mapupuyat na katabi ko ang gf/chix/asawa ng buhay ko gabi gabi (minsan lang ako maging cheesy kaya pag bigyan nyo na ako ehehe), so anyway skyway,.. isang short post lang po sa ngayon ang iniaalay ko sa inyong mga mambabasa ko, kinukudisyon ko lang muna ang mga daliri ko para sa pagta-type, ang utak ko para sa pag-iisip at ang mata ko para sa pagbabasa,,, bahala na yung pribadong parte ng katawan ko kung paraan siya,, hehe lam nyu na yun kung saan yun,, oh eh paano po,, salamat po sa pagbabasa,, hanggang sa muli,, at madapa ka sana.. 

Martes, Agosto 16, 2011

lamokskito

"hindi po ako lamok,,,, ako'y isa lamang butterfly na nasunog dahil sa init ng araw,, may lahi rin po kasi akong German kaya ganto ang ilong ko,,, naging adik lang po ako dati kaya ganto ang mata ko,,, at kung nagtataka po kaya dahil apat ang kamay ko eh dahil yan sa nanay ko,, nanood po kasi siya ng X-MEN habang pinaglilihi ako noon"
                                       

alam naman po nating lahat na ummatake nanaman ang dengue ngayon,, madalas ko ngang mapanood sa TV (hindi naman siguro pwedeng manood sa Radyo) na marami nga ang tinatamaan ng sakit na ito, lalo na yung mga bata, tsk tsk,,, kawawa naman.. pero "personally" eh bad trip talaga ako jan sa mga lamok na yan (sino bang hindi? pwera nalang siguro kung "palaka" ka) bakit ba kamo ako asar sa mga lamok? ganto yan.... minsan pag naiiwiang bukas ang pinto namin dito sa opisina eh nagpapasukan ang mga lamok na yan tapos siyempre ako busy-busy-han sa trabaho tapos mararamdaman ko na aaligid aligid sa tenga ko,, di ko alam kung anung gusto nila sa tenga ko? masarap ba tutuli ko? di ko lang maitanong sa kanila dahil malamang ay hindi sila maalam mag tagalog, kasi parang kahit anong gawin kong bugaw,, mga mahigit sampung bugaw na ko eh balik ng balik parin sa may butas ng tenga ko,, naaasar tuloy ako lalo.. napapaisip din tuloy ako,,, may "stagnant water" o imburnal ba sa loob ng tenga ko? kahit maglinis pa ko ng tenga wala rin eh basta may pag kakataon silang tumambay sa "area of responsibility" ng tenga ko eh go parin sila,,,  pero sa isang banda,,, napaisip ulit ako,,, magiging kapakipakinabang pa kaya ang mga lamok na ito? anu kaya? pwede kaya yung mga ideya ko na ..........,,, ito ang ilan sa mga naisip ko....

1. para makatipid ang gobyerno at medyo lumawak ang mga kulungan natin dito sa bansa natin eh piliin nila yung mga bilanggong mga halang talaga ang mga kaluluwa at ilagay sa isang saradong kwarto na may mga nakalagay na sangkatutak na lamok,, kahit sabihin nyong walang death penalty dito sa pilipinas eh pwede ito,, immune system nalang nila ang magsasagip sa kanila hindi ba? di naman sila ni-lethal injection ng kung sinong tao.... injection lang ng mga lamok hehe

2. kung kelangan mong mag overtime or kung may kelangan kang tapusing trabaho sa bahay,,,, mag pakawala ka ng isang katutak na lamok sa kwarto mo (kung ayaw mo naman pinagtutu-tusok ka ng mga lamok eh tanggalan mo muna sila one by one ng pang turok nila hehe) malamang di ka na aantukin sa trabaho mo dahil m'yat maya ay may bumubulong sa tenga mo na parang tunog ng cellphone na nagvivibrate habang nakapatong sa la mesa,..

3. kung wala kayong pulutan...... (ahehe alam kong iniisip mo,, hindi ko naman sasabihin na "ipulutan" yung lamok)  edi bumili na lang kayo... 

4. kung gagawa ang pilipinas ng "biological weapon" eh wag ng mag isip isip pa ng kung anu-anong klase, meron naman tayong lamok,.. anong sinabi ng anthrax? 

5. umuunlad ba ang industriya ng katol pag dumadami ang cases ng dengue? hmmm....

6. bakit hindi kaya gumawa ng breed ng lamok na kulay dilaw or kulay green,.. para hindi ka talaga mag mimintis pag papaluin mo yung lamok na kumagat sayo.. hindi sya makakapagtago agad dahil sa matingkad nyang kulay at makakaganti ka pa sa lamok na yun...

7. anu kaya kung mag breed din ng lamok na medyo pag lumalapit sayo ay hindi puro "bzzzzzzz!! bzzz!" ang maririnig mo? maganda siguro kung ang maririnig mo eh mga music na pang mp3 ang dating or parang "ringback" tone ang maririnig mo,,, hehe ayus yun

8. eto matagal ko ng naiisip eh,, bakit ba "lamok" ang ipinangalan sa lamok at hindi yung "tutubing karayom"
   ahehe,,,

ang mga ilan sa nabasa nyo ay hango lang sa walang kakwenta kwenta kong utak,, ganan lang talaga tong utak ko, pag pasensyahan nyo nalang po,, salamat po ulit sa inyong pagbabasa, sana wag po kayong ma-dengue.... malaria nalang po,, hehe jok jok lang po :)

Linggo, Agosto 14, 2011

asar sa balita

"pisngi ko nalang ang tatakpan ko tutal wala naman akong
tenga eh!"
ang dami dami mo talagang mapupuna ngayon pag bukas mo ng telebisyon, sari-sari at kung anu-anong mga ka etchasanan at walang kakwenta kwentang mga bagay ang mga laman ng balita, mga talkshow at ng kung anu-anu pa (katulad nitong blog ko, hehe) anu ba yung mga nakakairitang mga "bagay" ang sinasabi ko.

- bakit ba pag kumakain na ko ng hapunan eh sabay magbabalita ng mga pugot-ulo, mga binaril, mga sinaksak, mga naaksidente at mga nag sisiritan ang mga ketchap sa katawan? magpapasintabi nga yung nagbabalita pero anu bang magagawa nun? alangan namang itigil ko ang pag subo ko sa kinakain ko para lang magbigay daan sa pagbabalita nung news anchor? (malamang may magtatanong sakin.. "eh bakit hindi mo ilipat ang channel? tanga ka pala eh) eto sagot ko... "pano ko ililipat yung channel eh malayo yung remote control?" hek hek...

- na aaning ako pag may naririnig akong "balitang showbiz" kapag weekends.... (minsan kasi kahit ayaw mong manood eh mapapakinggan mo pa rin yung tunog na nagmumula sa TV ng kapitbahay mo eh) bakit ba kamo? nag buntis daw si ganto .... eh ano? di naman ako mag ni-ninong eh.... magpapakasal na daw si ano... eh ano? di naman ako magiging asawa eh..... nanganak daw si ano.... eh ano? hindi naman ako ang tumira dun eh.... naaksidente daw si ano?.... eh ano? ako ba bumangga? :D

- etong mga pang healthy living at mga pampaganda ng pang labas na kaanyuan na mga show... nakaka asar din tong mga show na ito... baket? maalala mong ampanget panget na ng itsura mu :(

- at ang pinakahuli... weather report,,,, baket? di mo alam? sang planeta ka ba galing? hehe 

salamat po sa inyong pagbabasa at hanggang sa muli......... pis pis pis pis 

Lunes, Agosto 8, 2011

kung ikaw ay masaya tumambling ka

  "hindi nyo kita na may hawak akong grenade launcher sa likod ko,, kahit marami akong chu-chugiin mamaya ay di parin ako malulungkot dahil masaya parin ako ngayon weeee!"
walang kaugnayan sa pag tambling ang blog post ko ngayon pero malamang sa pagiging masaya ay meron,,,iba  talaga pag masaya ka,, alam mo naman yung pakiramdam ng masaya hindi ba? sobrang bait mo sa lahat ng tao, kahit sa mga hindi mo kakilala,,, kahit nga sa aso natutuwa ka at napapa sabi ka ng.. "*tweetweew! (sipol) chooooo! chooo! come to papi, puppy! :)" (hindi po tren ang ginagaya ko at lalong hindi po iyun tunog ng huni ng ibon, tunog po iyan ng pang tawag sa isang aso ha,,,umayos ka) marami talaga tayong mga iba't ibang mga bagay na nagagawa na parang sa tingin natin ay hindi naman natin talaga mga ginagawa o talagang ayaw talaga nting gawin na dahil nga ay masaya tayo eh nagagawa natin ng wala ng pag iisip (otomatik kumbaga)

 - nanlibre ka ng yosi, kendi, o di kaya ay mag sasabi ka ng "keep the change",,, tingnan ko kung magawa mo yan kapag badtrip ka,, ahehe

 - napapakanta ka ng mga "lovesong" at mga "90's pop songs" na ayaw na ayaw mong marinig at kantahin pag kalmado kalmado ka lang o di kaya ay kapag badtrip ka..

 - mapapangiti ka sa bawat taong makakasalubong mo sa kalye (na malamang hindi mo naman mga kakilala)..

 - pag magbabayad ka ng pamasahe sa jip ... (parang ganto) "manong eto po ang bayad ko.." or "makikiabot nga po ng bayad" .... na kapag badtrip ka naman or normal ka lang eh ganto .... "bayad nga" or kukulbitin lang ang katabi sabay bigay ng pamasahe.... ahehe

 - na maging magalang sa mga magulang,,, gumagamit ng "po" at "opo" with matching (matsing?) smile pa, na kapag tipikal o "bad day" eh ganto....
Nanay: "anak bili ka nga ng suka sa tindahan...."
Ikaw: "kakaasar naman eh, ang layo layo tapos ang init-init!",, tinatamad ako! (sabay turo sa mas batang kapatid hehe...)

 - na maging galante,,, bunot ng bunot sa bulsa ng pera kapag may inuman (masaya kasi ang araw nya eh),,,,pero kapag badtrip naman eh sa brip o sa panty itatago yung pera....

madami pala talagang mga bagay ng nagagawa ang pagiging masaya,,, malamang pati rin ang pagiging galit or bad trip ay may mga epekto rin,,,,(ang tanga nung sinabi kong yun ah...) ... pero anyway oneway,,, malaki talaga ang epekto ng ibat ibang mga emosyon sa pang araw araw nating pamumuhay,,, kaya eto lang ang tatandaan nyo, ito lang ang maipapangaral ko sa inyo at sa lahat ng mga susunod pang heneresyon na mambabasa ng kwentokoto....


                    "habang may buhay, habang may buhay,
                      hanggat ang dugo ko ay dumadaloy,
                      sa'yo lamang.... i-aalay"   


      (ahehe wag ka ng mag-react, walang basagan ng trip)