mga naligaw ng landas

Martes, Mayo 24, 2011

wag basahin,,GAGANDA ka o 'di kaya ay PO-POGI ka

nauto ba kita? sorry ha desperado na ko para magkaroon ng mambabasa,, tutal andito ka narin naman ay magbasa ka na rin ha,, hehe (sino ba namang tanga ang mauuto ko sa ganto,,,,,, ah shyet! napindot ko yung sarili kong title!).


mahilig narin naman ako sa "enumeration" eh malamang pangagatawanan ko na talaga ang paggawa ng mga "bullets" or in tagalog ay maliliit na "toro"..bullets......maliit na toro ,, gets ba? ahehehe.....hangkorni ano? ehehe bayaan mo na.... anyway subway,, ang naisip ko namang ibahagi ngayon ay ang mga pangyayari nitong nakaraang mga araw,, bakit naman hindi? eh kwentokoto... (ang tanga eh...blog ko na nga to eh nagppromote parin ako,,, ang tigas ng muka anu po?)



  • Mag enjoy sa isang inuman na masarap ang pulutan, masaya ang usapan at kapaligiran, pero sa di sinasadyang pagkakataon ay NAKATULOG ako,,, waw.......
  • Birthday ng pinaka super duper sa pagiging mabait, maganda, at syempre shekshi kong GF/Asawa (super good shot nako nito ahehe) pero wala naman akong pera..., nag feeling na lang ako na "ako" yung bumili ng cake na ibinigay nung ka-tropa ko sa kanya,,, 
  • na kumain nung "bistek" nung lunchtime namin tapos sasabihin sayo ng katrabaho mo na naisauli na nila yung bistek nila kasi luma na daw yung karne,,, ang masakit nito eh nalunok ko na lahat bago nya sabihin sakin iyon,, "waw" na nga lang ang sabi ko,, sabay dighay..
  • na sumakay sa jip (nanaman..... daming ko talagang nararanasan sa jip,,,) sasakay ka tapos kitang kita mo pa na may mga espasyo pa sa magkabila pero ayaw umayos nung mga nakaupo at halos 15 seconds ako na parang tanga na naka- "pause" lang sa gitna na parang nagkaroon ng "back ache" sa pagkakayuko ko,,, tapos nung maka-upo ako eh may sasakay na pasahero na may napakalaking "backpack" sabay sasalampak sa tabihan ko,,,,, waw, parang sya pa nga ang galit kahit ako pa yung nasalampakan ng bag nya,, sa asar ko hindi ako umisod kahit magkandalaglag na siya sa upuan nya hehe,, buti nga't hindi kami nagpanuntok,, nagkaka-tinginan na nga kami ng masama,,, yun lang... ako kasi GALIT na,, baka xa type ako,, babaklain ang mga style eh, ayaw kumilos ng walang mapeperwisyo eh,, 
  • na manood ng "Pinoy Blockbuster Channel" ng halos isang buong araw, nahihiya kasi akong magpalipat ng TV hehehe nanonood mga tropa ko eh... wala naman akong masamang tinapay sa panonood sa channel na yun,, pero waw naman,,,maghapong sila robin padilla, sharon cuneta, aga muhlach. john loyd cruz at claudine barreto ang makikita mo eh,,, mas gusto ko pang manood ng "cartoon network".
  • na mag-ayos ng blog ko....... kahit walang kwenta to at wala pang gaanong nagbabasa eh,, inaayos ayos ko pa naman ito kahit konti,,, kung nababasa mo to eh winner ka, yes you men, why? kasi nauubos ang panahon mo kakabasa nito,, nabawasan ang oras mo sa pagpe-facebook,, edi "winner" ka,,,parang nakapag pigil ka na ring mag facebook kahit adik na adik ka hehe, (pwera na lng kung sinundan mo ang link ko na nagmula sa facebook,,,, wag mo nalang intindihin lahat ng sinabi ko hehe)

daming nangyari sakin anu po? ANIM lang? ahaha,,, pero siyempre,, yung mga pinakanaiisip ko lang na nangyari ang inilagay ko,,, alangan naman pati yung ipis na nanggugulo sakin nung tumatae ako nung isang araw eh ikwento ko pa.......(ang tange ko talaga,,,, nasabi ko din...)

4 (na) komento:

  1. Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;)

    For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    TumugonBurahin
  2. funny naman to..hehe..kaka enjoy so let me read some of your posts..ayt?

    TumugonBurahin
  3. geh lang,, walang bayad,, read lang ng read

    TumugonBurahin