mga naligaw ng landas

Miyerkules, Nobyembre 28, 2012

hi, hello at hanggang sa susunod

eh eh, di ko alam kung bakit parang mas nakaka pagod at nakaka stress sa trabaho ngayong mag ki-krismas season, di ko alam kung dahil ba mas maraming papeles ngayon na dumadaan sa opisinang pinag ta-trabahuan ko o dahil mas nagiging mabigat lang talaga ang pakiramdam ng tao pag nangingilid ngilid lang sa tabi-tabi ang bakasyon season --uy! hehe, pero watdahel kulangot na sutel, kinakaya ko pa rin naman, kaso dahil sa isa akong likas na reklamador eh inilalabas ko nalang dito, minsan kasi hindi naiiwasan na mapag iisipan ka ng masama dahil akala nung iba nagiging tamad ka -pwede namang baka marami lang inaasikaso at nagkataon lang na nawaglit ang pansin dun sa iba pang asikasuhin... well anyway holiday (hehe holiday talaga eh) puslit lang ulit muna ako, napasaglit lang ako, medyo busy-busy-han nanaman ako eh, baka ma-promote to assistant to the assistant of the assisstant of the laborer na ko soon :p

salamat sa pagbisita, hanggang sa susunod!

eto nga pala yung huling litratong ko na kinuha nung nasa trabaho ako: 

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Tinta Mode (Part 3)

Ang tindi na talaga ng muka ko kung inakala ko na magiging masaya ang mga mambabasa ng blog na ito dahil sa pagkatagal tagal kong hindi nakapag-update eh ang ibubungad ko lang sa aking pagbabalik eh ang panibagong tinta lang pala sa katawan ko? ......... sa maniwala po kayo't sa hindi... eh... ganun na nga ehehe, pasensya na kayo kasi super duper mega busy talaga ako, ang katotohanan nga nun eh akala ko mawawala na talaga ng tuluyan itong mumunting blog na ito na ang tanging ginawa lang eh puro "pag so-sorry sa matagal na pag-po-post lang ang alam na gawin"...pero pero...hmmm.. anyway holiday (sabay kambyo eh)  mabalik ako sa pagpapalapat ko ng bagong tinta, nakasanayan ko na rin kasi ang pagpopost dito sa kwentokoto pag nakakapagpalapat ako, kaya eto na nga po..


Hind pa po talaga tapos iyan, kulang pa sa kaunting shading at kung anu-anu pa, ang kaso nga lang eh baka yan na po ang huling tinta na lalapat sa katawan ko dahil sabi nga po ng mapag mahal kong misis "pag nadagdagan pa yan eh mag-aaway na tayo" :) 

Salamat po sa pag bisita,,, at ang masasabi ko lang.... tuloy nanaman ang kwentuhan dahil kwentokoto eh (ang korni ng huling linya eh, parang nag po-promtoe ng talkshow hehe)