mga naligaw ng landas

Sabado, Mayo 21, 2011

anak ka ng jueteng

minsan napapataya na rin ako sa STL or Small Town Lottery / (Legal na Jueteng) pag may napapadaan na nagpapataya dun sa opisina namin,,,, madalas ang naitatanong ko pag dumadaan yung nagpapataya ay "anu po ba ang tumama?" tapos syempre sasabihin yung numero "onse bente uno" tapos makakahinga ako ng maluwag....bakit? kasi minsan nga lang kasi ako tumaya at masarap sa pakiramdam pag nalaman ko na hindi yung numero ko yung lumabas kasi nga eh wala akong taya,,,, oo nga, kahit sobrang bihira kong tumaya sa mga ganan eh parang gusto ko updated parin ako, parang hindi na yung pag-tama o pagka-panalo ang inaabangan ko kundi yung hindi pag labas ng numero ko hehe labo ko talaga ano?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento