mga naligaw ng landas

Miyerkules, Abril 11, 2012

sub propesyonal


ako ito.... the day before... ng kahit anong exam
maikwento ko lang, nitong nakaraang linggo ay nagbukas nanaman ang pinto para sa mga katulad kong mangmang at hampaslupang indibidwal na nangangarap makapasa sa Civil Service Examination para maging isang "sub professional" ...para sa mga katulad ko na hindi gumradweyt at maagang tumalandi sa buhay ay ito yung isang uri ng exam na kahit papaano ay makakapagbigay samin ng konting laban at tibay ng mukha para sa pagkaregular sa trabaho (lalo na sa government service)..eh ano nga ba ang pagkakaiba ng subprofessional sa professional? --- (ayoko na palawigin pa dahil magkaiba naman talaga ang dalawa kong nabanggit, yung isa ay may "sub" at yung isa ay wala, aw ang korni) well moving on pancit canton, nag file ako sa kapitolyo ng laguna para sa inaasam asam kong exam na malamang ay ibabagsak ko rin naman, noong nakaraang Martes ng super nakaraang linggo pa (April 3, 2012) at ang last day of filing nito ay noong April 4, 2012, iba talaga ako sa timing, kumbaga sa gyera ay mas gusto ko munang ubos na yung mga kalaban o kaya ay konti nalang bago ako lumabas para mas masaya, mas naging masaya pa nga ito dahil kasama ko ang ilan sa aking mga pinsan at ang natatangi at nag-iisa kong gelpren/asawa, parang ekskarsyon (ipag-paumanhin nyo, mangmang ako kaya hindi ko alam ang ispeling ng Excursion,,*whew.. salamat! google!) lang ang nangyari, medyo late na kami sa filing, kaya minabuti na rin namin na ma-late sa mismong oras ng pag-pa-file, yung tipong nagkakalansingan pa yung mga kutsara nung mga empleyado ng opisina ng civil service dahil pag dating namin dun ay lunch break na nila, minabuti nalang tuloy naming tumambay sa labas ng kapitolyo (andun na rin kasi mismo yung CSC office).....ganun pala talaga pag wala kang magawa at nasa ibang lugar ka, isang oras pa halos ang inintay namin kaya halos lahat ng posibleng pagkaabalahan ay pinagkaabalahan na, may nanigarilyo, may naghanap ng wi-fi spot, may naghanap ng softdrinks, may naghanap ng mais con yelo, pati pagtaya sa lotto eh pinatulan na rin namin, ewwww..24 million jackpot? ... kung anu ano pa siguro ang pagchachagaan naming gawin pero sa kasawiang palad ay pumunta na pala sa ala-una ng hapon ang orasan, dahil dito ay mapipilitan  (ahehe) na kaming magpasa ng aming mga "form" doon sa opisina ng CSC, habang nagbabayad ako ng limang daan para sa eksaminasyon na iyon ay parang may impaktong bumubulong sa akin na "ilang taon ka kayang bubunot ng limang daan para jan sa pagsusulit na yan na hindi mo naman maipapasa EVER?" pero paglingon ko ay wala naman nagsasalita...nung una ay natakot at kinilabutan ako.. ngunit unti-unti ay nainis ako kasi kung nakita ko sana yung nagsasalita eh ang sasabihin ko "kalalaki mong tao eh bakit ka nag e-EVER sa huli ng sinasabi mo?!"...at ayun na nga, natapos na kami ng lahat sa pagbabayad at nakangiti na kami at kumakandirit habang nag-su-sway-sway pa ang mga kamay palabas ng kapitolyo, sabay tanong nung pinsan ko? san ba sakayan pa Sta.Cruz? yun lang.... (nasa Sta. Cruz kaya kami nun....)


nagpawala lang po ako ng antok, salamat sa pagbabasa!

Miyerkules, Abril 4, 2012

super random part 1

bakit kaya bumbilya ang simbolo ng "good idea"? amerkano diba ang nakaimbento ng light-bulb edi dapat amerkano lang ang nilalagyan sa mga ilustrasyon na nagpapakita ng magandang ideya, pagchinese dapat yung lighter na may flashlight. pag japanese dapat mga fireball o kaya ilaw na nanggagaling sa robot, pag pilipino ok siguro ang "gasera" o kaya yung garapon na may asin at mantika na may nakatusok na mitsa.

ilan lang po sa mga napuna ko nitong mga nakaraang araw ang laman ng post na ito,, matagal ko ng napapansin ang mga ito at malamang ay ganun din kayo... random po ang mga ito (random? nakakain ba yun?), basta isinulat ko nalang kung ano yung pumasok sa isip ko

mga namamatay dahil sa aksidente, pagpaslang at kung anu-ano pa

dito lang sa bansa natin ang pag may namatay ay tsaka lamang magkakaroon ng pag-iingat o mga "safety precautions" para dun sa sanhi ng pagkamatay nung namatay, halimbawa na may mamamatay dahil sa isang banggaan sa trapiko dahil madilim ang lansanangan, dun pa lamang mapapagdesisyunan ng mga awtoridad na lagyan ng mga babala o mga poste ng ilaw yung kalsadang iyon, tapos kung may namatay naman ng dahil sa krimen ay doon lamang magsisimulang mag pakalat ng pulis, pag may nalunod naman eh doon palang sasabihin na bawal magswimming.... sabagay panu nga naman natin malalaman na delikado ang isang bagay kung wala nga namang mamamatay na gagawa ng eksampol hindi ba, mas cool daw yata yung salitang "cure" kaysa sa salitang "prevention" {anu ba yung prevention? nakakain ba yun?},,,ang saya ano? it's more fun in the philippines kasi may thrill at suspense dito...

saklolo: PCSO... ah este,, sa media na lang pala 

dito sa atin ay natural na lahat ay nangangailangan ng tulong dahil sa totoo lang ay medyo mahirap talaga ang buhay dito, lalo na yung mga naghihikahos talaga at sa kasamaang palad ay tinamaan pa ng matinding karamdaman,, ang pag asa nalang talaga ay humingi ng tulong sa media pag hindi na kayang tulungan ng gobyerno... sabagay hindi na rin masama ang ma-broadcast sa buong buong bayan ang iyong karamdaman, mas marami nga naman ang makakaalam sa paghingi nung tulong at marami rin ang posibleng makatugon.

holy......WEEK!

(hindi ako nagmamalinis...kasama na ako) ang tuwang tuwa pag dadating ang mga santo santo days, lunes santo palang eh planado na ang mga lakad sa beach/resort, sa pagha-hiking o sa pag punta sa kung saan saan na medyo salungat sa totoong ibig-sabihin ng naturang bakasyon.

wow mali....siya (sabay turo)


isa sa mga kakatwang pag-uugali ng hindi naman lahat pero malamang ay karamihan sa atin ay ang pag ako o pag angkin sa mali (pagkakamali ng sarili at ng iba) ..napapansin ko ito lalo na sa trabaho, imbis na ayusin nalang ang isang mali na sitwasyon ay mas pinipili ng iba na humanap ng ibang tao na mapapasahan ng sisi para matanggal ang sisi sa kanyang sarili (sabagay kung sarili nga na pagkakamali ay hindi matanggap,, yung pag suporta o pag angkin pa kaya sa mali ng iba)

mahilig talaga sa videos...


yun na mismo ang gusto ko sabihin, mapa-scandal, humor, tricycle na humihila ng aso at kung anu-ano pa eh malamang maa-upload yan,

medyo magulo ang laman ng utak

eto normal na sa ating lahat, pero medyo nakakaasar na rin paminsan, gusto ng mangga eh ang sasabihin naman ay maasim daw, gusto ng maanghang tapos sasabihin "wooo ang anghang naman nito!" gusto ng aircon tapos sasabihin malamig daw, gusto mag summer vacation sa beach tapos magrereklamong nangitim daw siya, gusto ng bumabagyo para walang pasok tapos iiyak pag namatayan, gustong umasenso pero tamad naman,, hay ang gulo...

ilan lang po iyan sa mga bagay na sumagj sa isip ko nitong mga nakaraang araw habang ako'y nangungulangot o di naman ay jumejerbaks... kwento ko nlng yung iba sa susunod,, salamat po sa pagdalaw