mga naligaw ng landas

Biyernes, Pebrero 22, 2013

tama nga ba?

"hay buhay, kung pwede lang tanggalin na parang istiker ang mga tama at mali sa buhay"

kung mapupunta ako sa usapang seryoso eh dadako na ako sa usapan tungkol sa salitang TAMA.. anu nga ba ang tama? sa pinaka ibuturan ng salitang iyon ay masasabi natin eh ang ibig sabihin nun ay yun ang pinaka mainam o pinaka angkop na sagot, solusyon o pinaka positibo na salita o pangangatwiran na ating sinasang-ayunan o ginagawang pamantayan ng pagiging mabuti at pamantayan para sa kaayusan, na sa tunay na buhay ay sa totoo lamang ay isang marungis o malagkit na opinion ng ilan sa mga tao sa mundo (nasabi ko yun ay dahil na rin sa mga tao na mahilig gawing tama ang kanilang sarili kahit baluktot ang mga pangangatwiran),.. yun ba ang basihan ng tama?,,, ngunit pag pinag tama ang basihan,, (ginamit ko nanaman yung salita) eh "tama" nga ba? maraming mga tao na masasabi na "tama" ang isang kasagutan sa tanong ngunit mali ang pangangatwiran,,,,, katulad ng mga bagay na tama nga ang basihan ngunit pang sariling pag-unlad lamang pala ang hangad katulad ng bakit ka makikialam sa mga mali eh matuwid ka naman,,, na sa isang banda ay may "mali" pa din dahil ang hindi pakikialam sa mali ay isang tanda ng kamalian,,, at isa pang ehemplo pa ay ang pagsasabi na tama ang paghamak sa isang lahi o pang etnikong katayuan dahil sa kaalaman na ang kani-kanilang sariling lahi lamang ang mas angat sa iba... nakakalungkot isipin (dahil malamang sa dadalawang halimbawa ko ay naisip na ninyo ang punto ko) ....anu ba talaga ang basihan ng tama? "right" nga hindi ba? yun ang sabi ng mga inglisero diyan, dapat "left=kaliwa".... "left=napag-iwanan?",,....pero pag piniga mo eh diyan na papasok ang mga isyu tungkol sa "tama dahil sa sitwasyon", "tama dahil sa paniniwala", "tama dahil sa kinagisnan", tama dahil pinaniniwalaang "tama dahil sarado ang utak".

marami pang pag uungkat ang kinakailangan para sa usaping ito, tama ba naman na itigil ko na ito? hindi ko alam, malay ko ba kung tama ako....sinabi ko lang ang mga naisip/opinyon ko na hindi nagpapatunay na tama ang mga palagay ko..pero dahil nga na may pang "sarili" akong paniniwala ay malamang na may sarili din kayo nun, at may sarili kayong pag papasya, na sana sa huli ay kahit anu pang impakto ang ibig sabihin ng salitang tama ay pumares iyon para sa "ikakaganda" ng kapakanan ng inyong kapwa,.... baw!

kahit anu pa ang paniniwala  mo tungkol sa pagiging "tama" ay maari parin na mabigo iyon kung ang pag tatalunan ay ang pagiging tama,,, (pwera nalang siguro sa sarili mo...paniniwala mo nga eh, dahil hindi lahat ng tao ay kaparehas mo)... hindi ko nga pala sinasabi na tama ako (ang kulit ko ehehe), nag bigay lang ako ng palagay, marami pang mas magandang paliwanag kumpara sa aking mga nasabi.. na kung mayroon din ang makakabasa ng post kong ito eh malugod ko rin namang tatanggapin para sa kapakanan ng usaping ito,,

salamat sa pag bisita at maraming salamat

--salama sa sponsor ko na empi-lights at nai-sulat ko ito para sa post na ito--

Biyernes, Pebrero 1, 2013

Mabangis na Hayop

mas lumalabnaw pa sa sabaw ng sinigang without the "miso" ang utak ko, wala akong maisip na isulat at wala pa ring "bright" idea ang naikakabit sa bukilya ko, ....dahil diyan ipo-post ko nalang, ang nakakapangilabot, nakakasindak at nakaka-bangungot na mga litrato ng aking mabangis na alagang hayop... isang breed ito na kayang kumitil at pumatay ng walang pag-aalinlangan eto siya....

GRAAAAWR!
huwaaaaaAAAARRRRRRKKK!!!!! (kumakanta yan ng songs ng SLIPKNOT!)

...si "khasey" nga pala ito, ang aso namin d2 sa bahay....natatakot na ko dahil hilig nya ang pumatay ....ng ipis at kitilin at gusutin ang bagong plantsa kong pantalon, mixed shih-tzu at jap. spitz, pero pag gusto daw paiklin yung tawag eh "bullshit" na lang daw ang itawag sabi nung vet nya.. ahehe halatang wala na kong masabi, cge hanggang sa susunod ulit, mas magiging "random" pa ko sa tatay mong kalbo! (...anung konek...nun...?) ah basta!