"i was touched by belo" |
well anyway kokey,,, sa katatakutang dala ng november (lalo na sa araw ng mga patay) eh nakakaawa naman ang mga nag ce-celebrate ng birthday pag gantong buwan (lalo na yung mga novemeber 1st at 2nd),, sino ba naman ang matutuwa?,,, birthday mo tapos araw ng mga patay?,, ahehe,,, sa isang banda naman eh makaka-menos ang mga tao na may kaarawan sa mismong araw ng mga patay dahil sure na sure na hindi masyadong marami ang dadalo sa birthday nila,,, edi walang masyadong bisita na pakakainin at paiinumin.. o diba?
pero seyoso ako,, medyo nakaktakot nga talaga pag "takutan season" ......naging "requirement" na talaga siguro na dapat eh matakot sa isang kwento o sa isang dokumentaryo tungkol sa mga "mumu",, parang nawala na yung mga inaasahan ko na pag inuman eh mga kwentuhan na puro jokes, katangahan at ka-ewanan ang mga pinaguusapan,,, imbis na ganun nga eh ganto ang nangyayari...
---laseng1: alam nyo pre,, marami talagang nagpapakita sa mga lumang bahay katulad nitong sa inyo...
---ako: ah talaga... oo nga eh,, minsan talaga parang meron dito,,,,
---laseng2: pero alam nyo... marami talaga sa mga lumang bahay... mga ospital, hotel at sa mga kalsadang lagi nalang na nagkakaroon ng aksidente...
---ako: (hingang malalim)-------*katahimikan........
anak ng pucha,,, nasa "season" talaga siguro kung ano ang mapapagusapan sa inuman pag mga laseng na kayo,,, pag Pebrero malamang tungkol sa pag-ibig,,, pag Marso hanggang Mayo eh puro summer happenings, pag March or October eh puro tungkol sa graduation,, kapag December puro tungkol sa christmas season at vacation.....bakit ba naman kasi humahantong pa sa November na puro katatakutan????? kainis... bago pa ko kilabutan at hindi makapag isa sa kubeta ay mag papaalam nako,, happy halloween sa lahat..... mag iingat kayo at baka may katabi na kayo sa pagtulog nyo,,,,,
-----malamang mga chicks or boylets nyo yun ahaha!