mga naligaw ng landas

Martes, Hunyo 23, 2015

Random Thoughts (Mga munting kaisipan sa paksa na "Debate")

(credits to the owner of this pic - di ko na kailangang ipaliwanag ito :)

May mga sistema o paraan na naisip at ginawa ang sibilisadong tao para maging maayos ang mga paguusap, talakayan o ang mga proseso ng mga bagay-bagay sa lipunan para daw sa ikakabuti ng lahat ng tao, ngunit paano kung iyong mga "pinag-isipan pala ng mabuti" na iyon ay mas higit pa palang nakakasama kapag hindi naisagawa ng tama..

DEBATE - Ang pag de-debate ay walang kasing inam lalo na kung makakapag pahayag ka ng opinyon o kundi naman kaya ay ang maka salungat ka sa opinyon ng iba, ngunit paano ba ito nakakasama sa mga taong idinadaan o ini-aasa ang mga desisyon sa isang debate o sa pakikipag tagisan ng opinyon laban sa opinyon ng iba?

Hindi ko rin alam kung tama ang palagay ko pero syempre katulad ng nakagawian sa Blog na ito eh.... makikialam parin ako :)

Sa Palagay ko lamang ang Debate ay mabuti kung meron lamang nakatakdang oras para pag debate-han ang isang bagay (yun ay kung meron nga na nakatakdang oras ngunit kung wala parin mapagkasunduan? edi "naka-bitin" lang ito at hindi parin na-solusyunan ang isang problema) ngunit sa sandali na ito ay ang naging dahilan para bumagal ang pagkilos ng desisyon o pagpapasya ay parang mas nakakasama pa ito.

"Agree to Disagree" nga daw sabi ng marami, pero dahil sa salitang iyan ay sa tingin ko mas bumabagal ang mga pag papasya lalo na sa panig ng mga nakaupo sa pwesto (kadalasan sa gobyerno,, pwede rin sa pribado ngunit bibihira siguro) syempre magpapataasan ng ihi ang mga nasa ehekotibo, bangayan ng mga yagbols,, kahit mali, hahanapan ng konting tama para mailaban lang ang sariling pahayag.

Katulad ng sinabi ko kanina "hindi ko alam kung tama ba ang mga katwiran ko" pero naiisip ko na rin tuloy minsan,, gaano na ba katalino ang tingin ng tao sa kanyang sarili? hindi naba natin kayang tumanggap ng simpleng mga salita? gawin ito at tsaka nalang magreklamo depende sa magiging resulta nito?

Isa lang po palagay ito. Salamat ulit sa mga bumisita sa Blog na ito,
Magandang Araw sa Lahat :)


Miyerkules, Hunyo 3, 2015

ANG PAGBABALIK ---- NANAMAN......

    Kumusta na kayo mga imaginary friends :) biro lang... sa tinagal-tagal ko na rin kasing nag susulat sa blog na ito ay paminsan lang ako magkaroon ng mga kaututang-dila, kaya ipag paumanhin nyo nalang po kung tinatawag ko po kayong "imaginary friends"

     Eto na nga po pala ulit ako nagbabalik nanaman, pero kahit papaano naman po siguro ngayon ay medyo valid na po ang mga reason ko kung bakit matagal nanaman akong hindi nakapag kwento dito sa KWENTOKOTO, Isa po sa sa unang dahilan ay ... opo.....confirmed na nga po......oy teka hindi po ako naglaladlad... lalakeng lalake po itetch, ang ibig ko pong sabihin ay kumpirmado na po na kinarir ko na talaga ang larangan ng pag momotorsiklo (scooter to be exact), dun siguro sa mga napapaisip na baka ako ay nag re-racing-racing napo ako illegally sa kalsada ay nagkakamali po kayo,, more on safety riding po ang arrive ng inyong lingkod, 'ika nga... "go to the light" .....tama ba yung catch-phrase ko? hehe parang pa dedo lang ang dating.. pero sa seryosong pananalita ay naging mas matimbang po sakin na subukan at sana ay naisasabuahay ko na, ang pagiging responsable at legal sa kakalsadahan.

     Well anyway south expressway.... nai-kwento ko na po kung ano ang ang nangyari sa matagal kong pagkawala at ito na yata ang pinakamahabang bakasyon(pag neglect..hehe) ko sa blog na ito.... so ano ngayon? katulad parin ng dati,....wala ka paring magagawa kundi basahin ang mga kwento ko, bakit? kasi nga KWENTOKOTO .....toink (nagpromote sa sariling blog na hiniram lang sa blogspot,com...booooo)

     Eto po yung mga pinagka balahan ko nga pala...

 

      Last year pa yata itong litratong ito pero isa sa mga "Proud Moments" ko sa mundo ng pagmomotor ay yung naka daupang palad namin si sir Atoy Sta. Cruz ng MCPF (MOTORCYCLE PHILIPPINES FED.) sa Tagaytay Convention Center (yata) yung venue. Kabu-buo palang halos nung Club na nasalihan ko.




    Ito naman yung kuha namin sa may Robinson's Sta. Rosa, Laguna... binubuo pa lamang dito yung Pang Unang Distrito (may apat na distrito ang Laguna - hinati narin namin sa apat yung grupo para mas madaling pamunuan at ibinatay na nga namin sa per district na sistema) ...ang pangalan nga pala nung Club na kinabibilangan ko ay ang Mio Natin Riders Club Inc. (MNRC-Inc) ...naging bukod-bukod lang yung mga chapter at nagkaroon na nga ng "Laguna Chapter". Ang mga nasa litrato ay mga residente ng Biñan, San Pedro at Sta. Rosa



    Ang Pangalawang Distrito ... (kulang nga lang kami sa litratong ito) eto rin yung ride namin sa Kamay ni Hesus (Lucban, Quezon)




    Ang Pangatlong Distrito,,, sana matapos na namin ang pagtatatag ng Distritong ito,, isang beses palang kasi namin sila napuntahan.. pero siguradong babalikan namin sila... sila ay mga residente ng San Pablo at iba pang karatig bayan. ....Yung PANG APAT na distrito ay kasalukuyan paring pinagpaplanuhan kung paano sisimulang buuin.




   Ito pa ang isa sa hindi matatawarang karanasan ko sa nasalihan kong grupo, nung nagsama sama yung Taguig, Cavite, Parañaque at Laguna Chapters. Ang dami :) apat na chapters palang masaya na... pano kung sumama pa yung Muntinlupa, Malabon, Navotas, Quezon City, Caloocan at iba pang chapters sa NCR pati yung mga provincial chapters?



    Isa pa po ito sa mga ride namin sa Lemery, Batangas. 1st Jamboree ng Calabarzon Motoriders Confederation Inc. (CMCI)




   Ito naman po yung naging road trip namin (dalwang motor lang kami) papuntang Bicol...
*sore pwet (10hours ba naman...may dalwang pit-stop naman)




   Sabi nga nung referee na may bigote,,, "hindi lang pang-pamilya,,, pang isports pa" ... iba lang yung version namin,, hindi lang pang motoran... pang community service din. (Clean-up Drive sa Brgy. Anos sa Los Baños)



   Katulad ng nasabi ko na serbisyo sa komunidad... isa pa sa pinaka masaya at napaka sarap sa pakiramdam ay ang makatulong sa mga bata (Balik Iskwela Proj. 2015)




     At syempre.... yung safety na pang sarili at mga paraan para safe sa daan (Safety and Responsible Riding Seminar @Parañaque by the Parañaque Riders Fed. w/ guest speaker Col. Bonifacio Bosita)


...medyo marami pa yung mga litrato at mga istorya simula nung namahinga ako ng panandalian sa mundo ng pagkukuwento... ibinahagi ko lang sa inyo yung iba sa mga naranasan ko...(parang pa-welcome ko narin sa sarili ko)

Ito nga pala yung paborito kong ending sa mga istorya ko...

Wala eh.. anung magagawa nyo? nandito nanaman ako, wala kang pake kasi, KWENTOKOTO