mga naligaw ng landas

Linggo, Hulyo 31, 2011

walang magawa???

"hay walang magawa... makapag kamot na nga lang ng itlog"

anu bang ginagawa nyo sa mga oras na wala kayong magawa?

napaka simple ng tanong pero,, hindi ba marami tayong mga katangahang naiisipang gawin sa mga oras na wala tayong magawa,,,

anu-anu nga ba ang mga ito? hula ko lang ang mga sumusunod na eksampol pero malamang ginagawa nyo rin ang mga to kahit di nyo pa aminin...

1.) nangunuglangot ng ubod tindi,,, halos madutdot na ang "nasal cavity" sa pagsundot ng ubod tindi sa kaloob looban ng ilong.

2.) tumingin palagi sa orasan kada five minutes.... tapos magtataka ka kung bakit ang bagal ng oras kahit alam mong every five minutes ka nga tumingin sa kada andar ng oras.....

3.) maglakad palabas ng bahay pero di mo alam kung saan ka pupunta..........

4.) na kalikutin ang cellphone kahit sa totoo lang ay empty naman talaga yung inbox mo at wala ka rin namang i-memessage.....

5.) na manood ng tv kahit nakatingin ka lang naman at di mo naman iniintindi yung pinapanood mo...

6.) eto hindi ko na kelangan ipaliwanag... eto yung ginagawa nyong mga lalakeng manyakis kayo hehe...

o? baka may mga naiisip pa kayo na ginagawa ng isang tao pag wala itong magawa,,,, lagay nyo nalang ideya nyo sa comment section at baka may malaman pa tayong mga interesting/katangahan na mga pangyayari pag wala kayo mismong ginagawa... salamat at magandang araw...

Sabado, Hulyo 23, 2011

oo nga ano?

"sinong magsasabi na hindi mabigat ang papel? hehe"
hooo buhay,,, lalo yatang tumatagal ang mga araw na lumipas bago ako makapag post ng bago dito sa blog ko,, ang hirap kasi magkaroon ng ideya kapag marami kang ginagawa,,, na break na yata ng opisinang pinagtatrabahuan ko ang world record sa padamihan ng papers na dumadating (as usual,,, exaggerated na naman ang banat ko ehe ehe) di naman sa nagdadahilan ako o nag bibigay ng mga palusot dahil medyo tumatagal na naman ang mga bagong post dito sa blog na to ...... wag ka na magalit....nag papaliwanag lang naman ako,,,, kung ayaw mong tanggapin ang paliwanag ko eh 'di cge... palit tayo,,,mag uupdate ako ng blog araw araw tapos ikaw ang magtrabaho tapos ako kukuha ng sweldo, o? db? ayaw mo rin? hehe..... anywey hapibertdey (o bakit? magkatunog db? hehe) punta na ko sa dalawang issue na gusto kong pag usapan ngayon,,,, may mga ilang katanungan kasi ako sa sarili ko na malamang na sa iba ay kataka-taka rin...

- bakit ba nagpapatibayan ang mga tao sa inuman? hindi ba dapat mas ok pag maaga kang nalasing dahil na "accomplish" mo yung pinaka punto ng pag-iinom ---- ang malasing? .... tapos sasabihan ka ng mga kainuman mo na (waw pare tinamaan ka na kaagad? ambilis mo namang tamaan,, ang konte konte palang ng naiinom natin") ....mahina? dahil tinamaan ka at nalasing ka kaagad? pero, pero, pero sa totoo lang yung mga nalalasing ng mabilis o yung mga nag iinom na mabilis tamaan ang panalo sa inuman lalo na kapag yung mahinang yun ang bumubunot ng pambili, baket? nalasing ka na tapos hindi pa masyadong butas ang bulsa mo,. hindi ka na makakarinig ng pangangantyaw sa mga kainuman mo na bumili pa ng ilang bote ng alak dahil parang gulay ka ng nakahiga sa lapag.... 

- bakit ba pag may mga bagong mga pelikula sa mga sinehan eh yun pa yung mga madalas pagkwentuhan ng mga taong nakapanood nito,,, pare-parehas na naman nila napanood tapos magkkwentuhan pa tungkol sa mga nangyari dun sa pelikula,,, parang ganto...

gago#1:  "waw pare nakita mo yung nangyari dun sa babae nung hinabol siya ng maraming zombie?"
 
gago#2: "ah oo pare nakita ko, matindi yung nangyari,, kinaladkad siya nung mga zombie nung inabutan siya,,, tapos pinagpira-piraso na yung katawan nya...nakita mo yun?"

...yung panghuling sinabi na yun nung isa sa mga nagkkwentuhan ang pinaka nakaka-asar,,,, malamang "nakita" nung isa yun dahil mga pre...."napanood" na nga rin nya hindi ba? pwera na lang kung iba ang inaasikaso nya sa sinehan katulad ng pag dukot ng popcorn sa butas na lalagyan hehehe..

o diba kahit linggo ngayon nag effort ako na gumawa ng blogpost para lang sa inyong mga hinyupaks kayo hehe joke lang po yun ,, pero seryoso,, ginawa ko tlga yan para sa inyo para kahit konti naman ay malagyan ko ng guhit ng pag ngiti ang inyong mga mukha ngayong araw (na malamang ay pinagdudusahan nyo dahil sa matinding hang-over dahil malamang lahat kayo ay nag inuman kagabi) ahehe o paano po? salamat at magandang araw sa inyong lahat

Huwebes, Hulyo 21, 2011

late nanaman ako (ANUNG BAGO DUN?)

"parang kelangan ko mag strap ng ganto sa damit ko hehe"

yung title na nitong post ko na to ang makakapagsabi  sa inyo kung anung klase akong tao pag dating sa sa pagiging punctual o pagiging "on-time", sabagay... elementary palang ako lagi narin naman akong late sa pagpasok sa iskwela noon,,, magpapatambling tambling pa muna kasi ako sa kama, manonood muna ng konteng cartoons sa high-tech na beta-max namin noon ehehe o  di kaya magkukunwari pa ako na may sakit (baka makalusot sa ermats ko, malay mo maniwala sakin edi hindi ako papasok nun syempre) bago ako makapag ayos ng sarili ko para pumasok... nung nag highschool naman ako eh naglalakad pa lang ako papuntang iskwelahan namin eh makakasalubong ko na agad yung mga bulakbol kong kaklase na yaya-yain ako mag lakwatsa, mambabae at mag inom kung saan saan, ni hindi man lang ako pina-abot sa gate ng iskul hehe ... kung maka pasok man ako eh second or third subject na ako nakakadating sa ikswela medyo amoy alak at sigarilyo pa kadalasan,,,, nung nag-college naman ako eh halos di na ko makilala nung mga kaklase ko sa mga early subjects ko kasi bihira nga lang ako makita, panu ba naman ay  magdamag din ang inom, gimik at kung anu-ano pang kalokohan. siguro nga nakasanayan na ng katawan ko ang pagiging "late" ko palagi sa kahit saang bagay,, (na mas ok pag kasama ko ang gelpren ko kasi di ako nag "e-early ejaculation" bwahaha joke!) kadalasan kasi yung mga pinakasimpleng bagay lang na dapat ay maaga ako eh di ko pa nagagawa,... ngayon naman na nag karoon na ko ng trabaho ganun parin ako,, lagi nga ako napapatawag at nasesermonan ng Division Chief namin dahil sa pagiging late ko sa pagpasok sa opis kaya tenk you tenk you nalang ako kay lord dahil hindi pa naman niya ako tine-terminate pagkatapos ng isang katutak na warning,,.... o? anu ang moral lesson nitong kwento ko?

  - "masaaraaaaaaaaaaaaaaap ang maglakwatsa at mag-inom"
               
  - "panget ang maging late... pero ok yun pag pag nag-lalambuchingan kayo ng gelpren mo,,
      para di ka naman nakakahiya dahil maaga ka laging natatapos"

  - "wag makining sa akin dahil mawawasak ang buhay mo"

  - "makinig ka sakin kung gusto mong mag karoon ng kulay ang walang kwenta mong buhay"
      (hehe joke lang po pis pis pis)

  - "ihiwalay ang puti sa de-kolor"

  - "wag pabayaang naka bukas ang ref"

  - "patayin ang TV kapag hindi ginagamit"

 at ang pinaka importante.........
               
           - "SLOW DOWN
       CHILDREN CROSSING"


----salamat po sa inyong pagbabasa at pagtangkilik sa walang kakwenta-kwenta at walang kadating dating na blog ko,,, salamat sa inyong walang sawang pag subaybay.. magandang araw sa inyo at naway lumabas ang tubig sa ilong nyo habang kayo ay umiinom  :)

Linggo, Hulyo 17, 2011

new hairstyle ko

napasubo yata ako nitong nakaraang gabi,, nag iinuman kasi kami ng mga oras ng yun tapos naisipan kong magpagupit ng buhok, napag iisip-isip ko na rin naman yun nung mga nakaraang araw,,, pero siyempre eh kasalukuyan kaming nag iinom nun,,, ng biglang may nagsalita sa utak ko na  ""ako ang iyong kunsensya-sya-sya-sya... magpagupit ka na..-na-na-na"" dahil may kunsensya akong tao eh pinakinggan ko yung nag sasalita sa utak ko,, di ko na na-alintana kung anghel ba yun o demonyo.... sabay nag tanong ako sa gelpren ko... "hmmm anu kaya ang magandang gupit na babagay sa'kin?" sinagot ako ng gelpren ko.."hahanap ako sa internet,, tingin tayo ng kung ano ang babagay sayo"......sa madaling salita,, nakahanap kami at eto ang nakita namen...
kamukang kamuka ko ito.... ayaw nyo maniwala?  ok whatever hehe
medyo ok naman yung hairstyle na napag pilian namin ng gelpren ko,, yun nga lang sana pati yung muka nung lalake sa  picture eh humawa na rin sa muka ko habang ginugupitan ako, anyway oneway,, edi naging ready na nga ako para magupitan,, pinatawag ko dun sa kaibigan ko yung kapitbahay naming hairstylist na kasalukuyang nagluluto ng hapunan (oo tama gabi na yun pero go parin ako hehe) ...mga ilang saglit pa dumating na yung maggugupit sakin,,,, tapos pinakita namin yung picture na nakuha namin sa internet,,, "ok kuya kayang kaya ko yan" sabi nung manggugupit,,, tapos isinalang nako at pinagtatabas na ang buhok ko,, (medyo hanggang ilalim na ng batok yung buhok ko sa likod ko,,, layered yung dati kong gupit eh.. gets mo?) ...pagkalipas ng ilang minuto,, parang mag iisang oras nga yung itinagal ng gupitan.... tiningnan nung gelpren ko yung buhok ko,,, (ako kasi di ko agad tinignan para may suspense) "waw ampogi naman ng asawa ko" ...yun ang sabi nya,,, naisip ko... totoo kaya?...tapos tumingin ako sa salamin,,,, at ito ang nakita ko....
it's the new me! thumbs up everybody! bwahaha!
.........na shock ako sa nakita ko..... parang malayo yung itsura ko dun sa picture na kinuha namin sa internet ah.... at least napatunayan ko,,,,, love na love talaga ako ng gelpren ko ahehe.....


isa po ito sa mga entry ko para sa pa-contest ni gillboard 
--------------------------------------------------------

Biyernes, Hulyo 15, 2011

musika at pera

 tuyot na tuyot ang aking patubuan ng buhok nitong nakaraan isang linggo,, sukat akalain mo ba naman na walang pumapasok na ideya para sa isang bagong post dito sa kukote kong walang laman (kung maraming laman ang utak mo,,, hala matakot ka na... wala ng ibang papasok jan hehe)

ahem,, ahem... sisimulan ko nalang itong usapang ito sa ganto.... kahapon kasi pauwi na ako ng bahay,,  ang dami kong mga naririnig na tunog o musika...habang naglalakad ako eh may sira-ulong kumakanta...nung medyo lumampas ako,,,, napansin ko na 'di pala siya sira ulo,, makapal lang pala talaga ang muka... napagpasyahan ko tuloy na sisimulan ko itong post na ito na may patungkol sa musika
"parang ganto yung sinasabi kong sira-ulo hehe"

  napaisip 2loy ako,,,, teka teka.... may pagkakakilanlan pa ba tayo sa ganung bagay? yung mga hiphop gustong maging rapper, ginagaya yung mga damit, kilos at pananalita ng mga African-American,, pero wag ka,, meron akong nakikita mga gumagamit ng pulbos sa muka, ahehe alam nyo na siguro ibig kong sabihin (gustong maging rapper ayaw namang umitim),,,yung iba tuwang tuwa dun sa mga tunog sa mga bar.(yung toogs! toogs! toogs) na yung tipong pag nakainom na ng marami ang isang babae eh magtatanggal na ng damit habang na-partey-partey... yung iba naman gustong maging rockstar na yung iba eh mga muka namang katutubo pero nagpupumilit na maging kamuka nung mga amerkano o briton na idol nila,,, ahehe,,, ako kasi napagdaanan ko na rin lahat yan,, nahilig na rin ako sa iba't ibang klaseng musika kaya naitanong ko sa sarili ko na "anu ba tayo pag dating sa music?" siguro di narin naman masasagot iyang tanong na yan dahil lahat ng Pilipino music ay may bahid na ng Amerika, meron na nga rin impluwensya ang Japan at Korea......Ano ba ang solusyon dito para medyo maging "Pilipino" ang style? pano ba tayo mag kakaroon ng tatak?....

                         kumanta ng kudiman habang nagti-tinikling...tapos naka-bahag,,, ayun ahehe.

anyway kamatsile,... moving on.... kundi nyo po maitatanong eh nag swelduhan po kahapon,, kaya mag she-share narin ako ng mga konteng katangahan ko nung mga oras na yun....

pag kakuhang pag kakuha ko nung sahod ko kahapon eh nangangatal na kong umawas sa trabaho,,, nakaugalian ko na kasi na ibili ng pasalubong ang akin gelpren pag ganung klaseng araw,,,, nag go-grocery narin ako para isang lakad na lang,,, isang beses kasi nag grocery ako tapos 600pesos ang nagastos ko,, medyo malaki yung kahon na pinag lagyan nung ipinamili ko, naisip ko tuloy "waw,, sulit ang 600pesos ko,,, dami ko napamili",,, tapos nung namili nga ako kahapon lang,,, sa medyo maliit na kahon inilagay yung mga pinamili ko,,, medyo na patigil ako at parang nag-init ang ulo ko..gusto ko sana mag reklamo eh,, kasi pakiramdam ko nadaya ako,,, mas masarap sa pakiramdam pag malaking kahon ang ginagamit kasi kunwari ang dami kong napamili,, parang nadaya tuloy ako dahil sa maliit na kahon nilagay yung pinamili ko eh! naaalala ko tuloy na 600 pesos lang ang ginastos ko....

              pano po? next time nalang ako babawi ng mas mahaba-habang kwento,,, mag titimpla pa ko ng kape dahil medyo hilo-hilo pa ko dahil nga swelduhan kahapon siyempre may kasamang inuman yun... sige mga pre salamat sa pag aaksaya nyo ng oras para basahin ang blog ko. katulad nga nung matagal ko ng naiisip na sabihin pag may napuntang mga bisita sa opisina "thank you mam, thank you sir, go to hell :)" *may smiling face pa yun haha




         

Lunes, Hulyo 11, 2011

kain kumain kinain kakainin (may magawa nalang title ano po?)

"kakainin mo ko? tuktukan kita luko ka"
tanghalian nanaman,,, bibili nanaman ng ulam sa canteen.... anu nakita ko?

   Apat na klase ng Luto sa Baboy:
            - Pritong Baboy
            - Adobong Baboy
            - Binagoongang Baboy
            - Parang Adobong Baboy

Para maiba naman,,,, tumingin ako sa kabilang mga lalagyanan ng ulam... anu nakita ko?

  Apat na klase ng Luto sa Prayd Tsiken:
            - Pritong Tsiken
            -Adobong Tsiken
            - Tsiken na Parang may Tomato Sauce
            - Pritong Manok (teka.. nasabi ko na ba to?)

  o eto pinaka maraming version pag bibili ka sa mga karinderya.....

  WALO (8) na klase ng luto sa Isda
             - I
             - NI
             - HAW
             - PRI
             - TO
             - SI
             - NI
             - GANG

di ko na isasama yung sa gulay.... alam naman natin na sa kantang "bahay kubo" eh ang mga lagi lang nating nakakain dun eh yung,, sibuyas, kamatis (botanically-->fruit ito pero pag iluluto mo eh accepted na gulay na yan,, wag ng kontrahin dahil isinama na nga to sa bahay kubo eh) bawang at ...luya? anyway norway... ang gusto ko lng namang "bigyan diin" (hmm masarap tong gawin pag kayakap ang gelpren) ahuumm.... balik tayo sa "bigyang diin"... ang gusto ko lang sabihin eh buong buhay nating mga Asyanong nagmula sa (flashback nung elementary: Negrito,....ummmm Indones,,,,, ummm Martians?.. ah basta yun na yun) na in-short ay mga Pilipino eh ang mga kilala na lang na kainin ay Karne ng Baboy,,, Karne ng Manok... Isda,, Gulay,,na paulit ulit nalang,,, na pare-pareho at paulit ulit lang din naman ang mga luto.... siguro dumadami lang ang "variation" (waw syet ingles) ng isang "ulam"kapag ganito

              Prito #1 Maalat ng konte
              Prito #2 Matabang / walang lasa
              Prito #3 Sunog
              Prito #4 Hilaw

.................yun na lang ang nangyayaring pag kakaiba sa mga kakainin nating mga "putahe",, ang masasabi mo nalang eh "puta.....tae",

swerte nung ibang lahi pag dating sa mga lokal o native na "meat" na pwede nilang gawin pagkain,,,halimbawa sa mga australian... pinu-food trip nila ang kangaroo, tumitira din yata sila ng ostrich, tumitira narin minsan ng buwaya,, ewan ko lang kung kinakain nila yung "koala" ahehe,,, yung mga taga Africa kahit medyo mahirap ang buhay doon eh tumitira sila ng elepante...(parang mahirap tirahin ang elepante..palitan ko nga word ko) "kumakain sila ng elepante" yaaan,,,, may mga kung anu anung klaseng hayop ang nandoon,, wag ka mag alala wala ka naman sa africa kaya naman kahit "hayop" ka ligtas ka.. biro lang po pis pis pis....d ko masyado maipag malaki yung sa pinu-food trip natin....kaya nga baboy at manok nalang binabanggit ko.. biruin mo ba naman,, Aso, Daga, Kuliglig, Bayawak, Sapatos, Tsinelas,,, iba talaga buhay dito sa atin,,, Tama!.. siguro dahil na rin sa hirap ng buhay kaya ganun,,, edi ako rin ang sumagot sa tanong ko,,, anak ng pucha, oo nga ano? baka dahil lang talaga sa kahirapan kaya maunti lang talaga ang mapapagpilian para sa pang araw araw na pagkain...kung lahat tayo maraming pera malamang kumakain tayo ng "Gold Plated na Pritong Tilapia".... ahehe,,,

salamat po pala ulit sa mga nagbabasa ng mga insinusulat ko (tina-type?), maraming salamat sa suporta,,, di ko po makukuha ang award na to kung hindi dahil sa inyo,, (hehe praktis lang yan, di naman masamang mangarap wala namang monthly na bayad yun eh)
                       

ito pa ay isa sa aking mga entry para sa pacontest ni gillboard
-------------------------------------------------------------

Linggo, Hulyo 10, 2011

bwiseeeeet

"mainit ulo ko! gusto mong patayin kita sa ka-kyutan ko!??"

(hiniram ko ang litratong ito sa http://fuse711.edublogs.org/2010/11/15/free-writing-being-angry/
baka magalit pag di ko siya nabigyan ng credit eh ehehe)



marami parin talaga sa mga kalahi ko .... ang mga "lahi ng tao" or kapag mayaman at may Bachelors Degree ang magsasalita ay "Human Beings"  (anu kamo? ikaw rin lahi ng tao?....hmmm ok sige na nga kasali ka na) ang mga naiirita o naaasar sa isang bagay o mga bagay at pangyayari na napapansin o nangyayari sa kanyang buhay.... pwede nyo pong i-post ang mga komento nyo sa comment section syepmre,,, san pa nga ba? at dahil sa akin ang blog na to ay ako na po ang magsisimula.... (alam ko walang umaangkin,,, sinabi ko lang naman na  "akin tong blog nato" bakit ang init ng ulo mo? hehe

- papara ka ng jip... tapos medyo malayo ang pinag tigilan sa pwesto mo.... tapos naglakad ka papunta sa pinagtigilan nung jip,,,,, tapos nung medyo malapit ka na eh sabay aandar si gago...

- yung mga nag popost ng status sa facebook na pati yata pag tae at simpleng pag-dapo ng langaw o pagkagat ng langgam sa kanya eh pinaa-alam pa sa mundo.. (ex. waw how ouch naman my skin kasi kinagat ako ng langgam).... di bali sana kung ganto... "how ouch naman my skin kasi kinagat ako ng langgam na kasing laki ng dinosaur" ..o diba? mas ok un

- magtitimpla ng kape tapos hindi kagad maiinom dahil mainit pa.... siyempre papalamigin muna yun ng "konte" hindi ba?... tapos after ilang minutes na pag papahupa ng init ng kape para mainom.... maaasar ka lang dahil napasobra naman yung pagpapalamig at naging maligamgam na yung kape pag iinumin na

- eto pa isang nakakabwiset....... marami ngayon tuwang tuwa sa pagkuha ng mga photos gamit ang kanilang mamahaling super high tech na camera, kahit yata ipis na maganda ang "angle" eh pipicturan,,,,, hindi po dahil may expensive na camera ka eh photographer ka na....

- eto pinaka common.. kapag may bagay kang hinahanp palaging hindi mo makita.... pag hindi mo naman hinahanap lagi mo namang nakikita...

- eto commom na rin.... pag may pasok sa opis o sa iskul gusto na ng bakasyon... pag naka-tambay lang naman sa bahay saka naman gustong pumasok...

- pag may problema sasabihin,,, "gusto kong mag inom kasi malaki ang problema ko,,,," tapos pag masaya ganto naman,, "inom tayo kasi sobrang saya ko ngayon".. ginagawa nalang yatang dahilan ang "extremes" ng emotion para makalaklak.. ahehe

- pupunta ka sa kubeta kasi natatae ka... tapos pag upo mo eh utot lang ang lalabas..... waw

- magsisindi ka ng yosi tapos palpak pa dahil hindi mo na-hithit ng maayos....tapos nalaman mo na yun na pala yung pinaka last na palito ng posporo mo,,, ang masama nun eh na-stranded ka pa sa isang island na hindi mo tiyak kung kelan ka masasagip...

o pano ba yan nakapag bigay na ko ng mga eksampol... kayo naman,,,, ilagay nyo nalang sa comment seksyon,,, sige salamat sa oras at hanggang sa muli,,, magandang araw sa inyong lahat at madapa po kayo sana :)

Linggo, Hulyo 3, 2011

kakatamadtamadtamad na araw

waw men,, dis is da life,,, *hik,,, bakit walang porn dito sa tv?
"naknampota, linggo nanaman..." yan ang madalas sabihin ng mga nagttrabaho ng lunes hanggang byernes o lunes hanggang sabado.. pati narin yung mga kamag anak ni satanas na katulad mo,, hehe joke lang,,kaya ko lang nasabi yun eh diba para sating mga katoliko eh araw ng linggo ang pag simba diba? tapos sasabihin mo nakakatamad at linggo nanaman? (feeling ko naman nagsisimba ako nuh? hehe) balik tayo sa issue,,, bkt nga ba "marami" sa ating mga kababayan eh tamad na tamad kapag linggo? di kaya dahil napa-sobra sa party ng sabado kaya 'sang dimakmak na hang-over ang niyakap buong araw ng linggo? di naman kaya dahil tinotodo lang ang pahinga dahil sa isang linggo na namang pag-sabak sa trabaho? d ko rin alam, kanya kanyang dahilan lang talaga yan eh,, pero kung ako ang tatanungin nyo,, medyo ginagawa kong exciting yung linggo ko,(paminsan lang to ha) mag-laba at maglinis sa first half ng araw tapos pag dating ng hapon mag pe-prepare nako ng pulutan tapos sa bandang hapon bibili ng alak tapos mag-iinuman na,,, bakit kamo exciting? siyempre di ko alam kung makakabangon ako o hindi para sa pag pasok ko kinabukasan hehe... ang gusto ko lang naman sabihin,, wag gawing "lazy sunday" ang sunday... (alangan namang gawing lazy saturday ang sunday anu po?) ahehe,,, mag-relax lang at mag enjoy,, galaw galaw at baka kayo ma-stroke.. salamt po sa inyong oras kung nabasa nyo na ito,, malamang ay buo na ang linggo nyo dahil nakapagbasa na kayo sa "kwentokoto",,, salamat po ulit