"patay.... sa pag-ibig" |
Ano nga bang pinakamatamis at pinaka nakaka in-love na
sabihin sa iyong minamahal? Honey? Sweety?
Love? Dear? Sweetheart? At kung anu-ano pang imbentong katawagan na
pwedeng pang maisip at maiisip pa (kahit medyo sadyang korni na),, wala po
akong kontra kung anu pa man ang gusto nyo na itawag sa mga mahal nyong bf, gf,
o asawa, pero para sa akin ay mas masarap paring itawag sa mahal mo ay ang kaniyang tunay o kanya mismong
pangalang, bakit ko po ito nasabi?
Dahil kulang pa
ang honey, sugar, cupcakes o nilupak dahil wala ng mas gaganda at mas tatamis
pa sa pangalan ng mahal mo,
Ahehe ang korni ko ah, wala, ganan talaga, kahit siguro yung
mga lumalaban sa UFC, mga sundalo at mga drug lord eh meron din side na ganun J,
hehe isang mabilis na post lamang poi to, salamat at magandang araw sa inyong
lahat.