mga naligaw ng landas

Martes, Mayo 10, 2011

listahan ng kabwisitan sa loob ng jip


malamang halos lahat naman sa atin ay nakasakay na ng jip, napakaraming mararanasan sa simpleng pagsakay mo lng kahit mapa short distance pa yan o di kaya ay oras pa man ang abutin, may nakakairita, may nakakatawa at meron din syempre entertaining na mangyayari.

sa sarili kong karanasan sa loob ng 18 yrs ko dito sa mundo,, (hehe nagpapabata ako nuh?) eh may mga expreience nako na masasabi ko..... puro nakakairita,,,,,


  •  Pag sasakay ka tapos medyo sikip na pero may bakante pa eh hindi parin uusod ang mga ilan sa may kagaguhang kababayan natin..



  •  pag sasakay ka eh imbis na i-iwas ang mga naglawitang tuhod at paa... parang wala lang,, kahit matalisod  ka pa o magpatumbling tumbling ka na eh hindi sila gagalaw



  • yung mga naguusap ng pagkalakas lakas tapos puro chismisan ang maririnig mo, minsan mga hindi na dapat marinig ng iba yung pinaguusapan kasi medyo personal (may nababanggit ng pangalan, anu yung mga ginawa nung taong yun,,, etc.) pero sige parin.



  • yung mga nagpapaabot ng bayad na parang utang na loob mo pa at kulang na lang ay lumuhod ka pa dahil inabot mo yung nga bayad nila? minsan kasi, may naramdaman akong dumudutdot sa braso ko,, idinudutdot na pala sakin nung katabi ko yung bayad nya, napatingin ako...tapos parang ganto yung ginagawa nya eh, dutdot sa akin ng pera sabay nguso sa direksyon nung driver,, walangya nuh? pero siyempre mabait ako,, inabot ko nalang sabay "tiger look" na may halong pag-iling nalang ang isinukli ko sa kanya hehe.



  • meron pa jan eh matutuwa ka sa asar eh,, magpapatugtog gamit ang mga cellphone, mp3, mp4 at kung anu-anu pang empi,,, buti hindi natunog ang empi-light haha,,, pero siyempre maiirita ka, ayaw mo naman marinig yung pinaptugtog nila pero parang naka todo pa volume nila, baka siguro pinagyayabang na may mga gadget sila,,, pero mga pre,,, remember,,, hindi na sikat ang may kung anu-anung gadget ngayun,, yung magbobote samin mas maganda pa cellphone sakin,, parang may nakita nrin akong pulubi na naka ipod shuffle ehehe, kaya di na status symbol yan, lagay nyo nalang sa bulsa nyo o di kaya ay bumili nalang kayo nung isang malupit na imbensyon na tinatawag na headphones or earphones, ok? naimbento na po yung mga yun.



  • etong isang to eh may kaugnayan din dun sa mga lumulikha ng kakaibang ingay sa jip,,, medyo tanggap ko pa yung ingay na lumalabas sa cellphone at music player nung iba,, pero "ito" ,,, tsk,, nakow,, sobra,, naknampota,,, yung KUMAKANTA,,,, tangna,,,, ok lang po na-kumanta,,, pero my gad naman men.... naman, wala po tau sa videoke bar,,, hindi ba yan makakaintay hanggang sa pagbaba nyo? mas mabbwisit ka dun sa iba eh,, na-hum nga lang pero wag ka,, malakas na hum yung ginagawa, hhhhhhhoooooo,, ang genius!



  • Eto naman po para sa mga babae: ipipilit tumagilid (medyo naka side yung pagkakaupo) alam na ngang siksikan eh gumaganon pa, di ko malaman ang reason sa likod ng pag-upo ng "ilan" sa mga dalagang pilipina natin pero naknampucha naman,.....napansin ko puro mga may edad na babae ang gumagawa nito (senior citizen na yata) or medyo bata ng konti sa ganun.

'

  •  Eto sa mga lalake: mapa-gurang, mapa-angasing kabataan pa man na lalake eh ganto naman ang ginagawa,,, siksikan na, siyempre medyo aayos ka ng pagkakaupo medyo maglalapat dapat diba ang mga hita natin para mas makagawa ng space para dun sa ibang uupo? yung ibang mga ungas nating "macho man" eh pilit paring ibunubukaka yung mga binti, tuhod at hita nila, para ba astiging tingnan? baket mga pre? naiipit ba mga itlog nyo kaya kau gumaganan? pa opera nyo para mabawasan ang laki at taba ng mga itlog nyo para matuto kayong umupo ng ayos at di kayo makaabala sa iba....

marami pa sana akong mailalagay dito sa listahan ng kabwisitan pag nasa jip pero,,, siyempre,, ma-re-recall ko nalang siguro yung iba pag sumakay nanaman ulit ako sa jip (yung tipong mararanasan ko nanaman) at maalalang, syet men,, di ko to naisama sa listahan ah! ahehehe,,, basta isa lang po maipapayo sa mga pasaway na mga pasahero,,,, bumili nalang po kayo ng kotse!

2 komento:

  1. hahaha.....nakakainis nga naman yung inaabot mo na nga yung bayad eh nakasimangot pa..di na nga nag thank you eh nuh?salbahe!

    TumugonBurahin
  2. tsk tsk,,, wala ng mgagawa kundi tanggapin ang katotohanan,,, araw araw maraming taong ganun,,,

    TumugonBurahin