mga naligaw ng landas

Biyernes, Setyembre 23, 2011

eksampol ng mga ewan

"WALA AKONG MASABI"


marami talagang mga bagay na sadyang di na kelangang gawin, punahin at pekailaman pero ginagawa, pinupuna at pinakealaman parin natin (dahil siguro sa pagiging "predictable" ng mga mangyayari at pagiging paulit ulit ng mga nagaganap)... masakit sabihin pero sa tingin ko... at malamang ay parehas din kayo ng iniisip na "ganyan lang talaga tayong mga Pilipino"

- pag puna sa mga bagay na "obvious" naman

 eksampol:
--- "kadiri naka-apak ka ng tae, am-baho nan..."
--- "wag mo ng kainin yang panis, sira na yan eh"

- pangengealam sa buhay ng may buhay na parang buhay nila iyon pero hindi naman

eksampol:
--- "napaka pakelamero talaga nung pamilyang iyon"
--- "alam mo kung ako sayo, di na ako makikipag balikan doon"

- (eto medyo klasik na) may mag tatanong pero kakaiba yung isasagot nung mga tinatanong
 
eksampol:
--- Nagtatanong: Kain ka....   Tinatanong: Sige, busog pa
     Nagtatanong: San ka pupunta?   Tinatanong: Babalik din ako mamaya
     Nagtatanong: Anong oras ka nakabalik?   Tinatanong: Saglit lang kami doon 

- ang pag sang ayon sa isang tao pag kausap tapos pag iba na ang kausap ay hindi na sumasang ayon

  eksampol:
 --- ikaw: nakow ambobo talaga nung si victor ortiz,, nag sorry sorry pa kasi siya kay mayweather kaya natalo siya eh"
      si ano: oo nga pare, kung ginamit nya utak nya ay hindi ganun ang mangyayari sa kanya (umalis si "ikaw" at dumating "siya")
      siya: ok lang siguro na natalo si victor ortiz,, napaka tindi ng pinakita niyang sportsmanship
      si ano: oo nga pare, kahit natalo siya eh napakita nya na isa siyang tunay na lalake at maginoo

- ang pag alipusta sa mga panget pero panget din naman pala

eksampol:
--- Boy Pimpols: "nakakatawa talaga muka nung kaklase ko,,, baku-bako,,, parang si "jose" ng eat bulaga
--- Petrang Maitim:  "grabe yung nakasabay ko sa jip kanina,, ang itim eh! mata at ngipin nalang ang kita!
--- Selyang Taba:  "Grabe ang taba nya, bakit kaya hindi siya mag diet"? (sabay kagat sa potato chips)

 - ang pagiging magugulatin sa mga pinoy horror movies 

   eksampol:
--- chick-na-magugulatin:  ayan na.....mya mya biglang dudungaw yan sa may bintana...(kaba),,(toog....toog...)
(sabay dungaw nung aswang) 
--- chicknamagugulatin: eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeek!

 - ang mga dahilan natin sa mga teachers kung bakit ba ayaw nating pumasok sa iskul

   eksampol:
---  family matters po
(at ang pinaka klasik na dahilan...)
--- may sakit po ako

 - pati sa pagsakay sa jip meron din

   eksampol:
 --- driver: o sakay na! dalawa pa yan, kaliwa't kanan...
 --- mayaman-na-sumasakay-ng-jip:   hindi po, hindi po, (sabay bulong ng: yoko nga dun ang sikip sikip)

 - pagiging malilimutin pag bayaran na ng utang

   eksampol:
--- meh-utang: oy pre musta na tagal nating di nagkita, minsan punta ako sa inyo inuman tayo ha, cge...
--- ako: what da?

 - mga sinasabi natin pag may nababalitaan tayo na may bagyong parating

   eksampol:
--- "anung signal kaya yun? sana walang pasok"
---"kakainis na low pressure area naman yan,,, kelan ba magiging bagyo yun"
     (eto pina grabe)
---"maihanda na nga goggles at swimming trunks ko.. may baha daw sa may kanto"

 - pag may bagong gelpren: "i love you"

 - pag may bago ulit na gelpren na kasabay nung isang gelpren: "i love you too"

 - pag nagka bistuhan na: "if you really love me you must set me free"

 - pag may birthday:  (hindi happy birthday ang sinasabi) inuman na! 
                                
 - pag may ikakasal: (hindi muna itatanong kung sino ang ikakasal) anong handa? saan ang reception?

 - pag may binyagan: magkano kaya ang pakimkim?

 - pag may kasiyahan: may chicks ba dun?

 at ang pinakahuli:

pag may namatay: (hindi tinatanong kung anong nangyari sa namatay) may saklaan ba?


------------------medyo matagal nga pala po ulit akong nawala,, ang dami ko pa po kasing trabaho tinapos,,, regular na ulit po ako mag papaskil ng mga post dito sa aking blog,, salamat po sa matiyagang pag iintay sakin,,, salamat po at madapa po kayo sana :)

Lunes, Setyembre 12, 2011

teki teki?


"panis ang lahat ng cellphone nyo sa video-call ng camera ko nyahaha"

mabilis talaga ang pag usad ng teknolohiya sa panahong ito,, biruin mo... naimbento na ang "telegrama" ahehe biro lang po, sobrang luma na po kaya ng telegrama, it's so 1950's... basta ako ang alam ko sikat ako ngayon sa lugar namin kasi may bago akong Nokia 3210,, anyway kokey... sa sobra nga po'ng tindi ng teknolohiya ngayon ay buwan buwan ay nagpapalit ng pangalan ng model ang mga unit ng isang kilalang "brand" ng kompyuter,, di ko na papangalanan baka mai-habla pa ako nyehehe, parang ganto yun kunwari ang pangalan nung model nung isang desktop pc ay x1000,, sa isang buwan x1001 na ang pangalan nun,, nadagdagan lang siguro ng kapraso kung saan mang specs,,eh tumaas na agad ang presyo... syempre pag ganun ay magiging bagong release na pangalan edi magiging "brand new" na unit kumbaga,,, matindi na nga ang teknolohiya, pero mukang mas "tumitindi" ang mga tao ehehe,, maiba ako ng eksampol katulad sa mga kagalang galang nating mga "Bosorero"...yes bosorero po at hindi basurero, sa spelling lang po medyo nagkapareho at sa pag-bigkas pero mas may dangal po na hindi hamak ang mga basurero... kaya ko rin po ito nasabi ay sumasabay na rin po sila sa teknolohiya,, dati po kasi ay sa mga butas na maliliit lang po sila nakatingin pero ngayon po iba na,, sa monitor na ng mga PC nila or yung iba sa mga LCD ng mga cellphone nila,, o diba haytek? Hindi naman po palagi na naba-badtrip ako sa mga panget na pamamaraan ng mga tao sa pag gamit ng teknolohiya,, minsan naaasar naman ako dun sa mismong teknologi... bakit po? kasi nung mababa ang "pixel" nung camera ko (cellphone cam po kasi) sabi ko sa sarili ko pag picture ko sarili ko "huwaw, ang kyuuuut,,,,kyuuuut,,,ko talaga),,eh biglang naglabasan itong mga digital camera na ang pinakamababa na ay 3megapixels tapos tinesting ko sa sarili ko,,,pagkakuka ko ng litrato sa sarili ko ay eto naman ang nasabi ko ("ooow may gahhhd, bakit pa ko nabuhay") ahehe. sumasagi nga sa isip ko minsan,, hmm, kung wala sigurong teknologi na malulupet eh walang mga tamad na tao,, yung tipong katulad ng mga "sosyal" at "mayayaman" nating mga kababayan na magbabayad lang ng kung anu-anong bills eh ang gusto pa ay "tru-da-internet" pa,, kahit isang kanto lang naman ang layo nung mga bayad centers sa bahay nila,, katulad din nung mga tao na, tatawagin lang sa may kapitbahay yung kailangan nilang tawagin eh magtetext pa, sigaw nga lang pwede na yun eh,, at katulad nung mga adik sa porn, hilig manood sa kompyuter eh marami namang "beer house" hehe jokjok,, mas ok siguro na "physically fit" tau tapos super pa tayo sa pagka "techy"... katulad ko po... naka Nokia 3210 ako tapos may isang malaking muscle ako sa tiyan,, ahehe

salamat po sa pagbabasa at hanggang sa muli, akoy mag babalik pa po, dahil ako po kasi yung awtor nitong blog, salamat po at madapa po kayu sana :)

Biyernes, Setyembre 9, 2011

mabilis na balik-tanaw sa kabataan

"haaaay,, ang sarap alalahanin ng nakaraan,, makikipaglaro sa mga kalaro kahit na tulo ang sipon, na hindi pa naliligo, na hindi pa kumakain kahit galit na ang magulang sa katatawag para kumain na, na magtatakbo ng butas ang short at walang brip na kahit pa-kale-kalmebang ang pototoy at ang betlogs ay tuloy parin sa pag lalaro,,,,"

naalala nyo pa ba yung mga naging karanasan nyo nung bata pa kayo? yung mga asaran, mga kalokohan at kung anu anu pa,,, bigla kasing pumasok sa isip ko yung mga isinisigaw namin nung mga kalaro ko nung mga bata pa kami (yung salita na "bata" nalang po at hindi yung "maliit" ang ginamit ko,, mukang di naman ako lumaki eh)..kasi yung isa habang natakbo at nauuna eh biglang sisigaw ng... "Mahuli may tae sa puwet!!!" sabay sasagot yung isa na medyo nahuhuli sa takbuhan ng..."Maniwala Tanga!" hehe oo kahit bata pa kami ng mga kalaro ko noon ay puro walangya na kami nun (wasak ang sinabi ni Rizal na "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan,,sorry kuya pepe) uso na ang mga salitang pang-asar na tanga, bobo, gago, engot, at kung anu anu pang pang-alipustang mga salita kahit kamiy mga bata pa,, pero iwas kami sa salitang "putang ina" noon,, masama daw kasi yun eh,,, kaya hindi namin yun sinasabi,,, anyway gateway (hehe pasama ng pasama ang "magkasing tunog" ng "anyway" ko ah) eh yung mga laro ba naalala nyo pa? halimbawa ay yung larong moro-moro,, ewan ko kung may iba pang katawagan sa larong iyon sa ibang lugar.., ganto kasi yung larong moro-moro, yung parang mataya taya tapos pag nataya ka eh magiging bihag ka nung kabilang team tapos kelangan sagipin yung na-taya na kakampi, kung hindi at nataya na kayong lahat ay syempre eh kayo yung talo, at syempre kailangan ding bumawi sa dami ng bihag para kayo naman ang manalo.. (parang ubusan ng lahi ang dating anu po?),, yung isa naman ay yung "Langit Lupa",,, may kanta pa yun eh,,, panu nga ba yun?.. ganto yata,,,, (*sings---langit lupa impyerno, im-im-impyerno,..san ka ba-babaaaa sa lupa.. san ka aakyaaaaat sa langit, a-boom aboom- aliissss!",) di ko alam kung yun talaga yung eksatong mga salita pero watdahel,,, anyway kabutey .. ganto yan... parang magpapahabol lang kayo dun sa kaawa awang "taya".., tapos may patakaran dito na hindi ka ma-tataya kapag tumungtong ka sa kahit na anong bagay na mas mataas kaysa sa level lang ng lupa,,, naalala ko nga noon parang nagdala ako ng isang lata (walang laman siyempre... duh?) na "meat loaf",, dala dala ko yung latang yun para pag tatayain na ko nung nanghahabol eh tutungtungan ko lang yung lata na dala-dala ko, o diba? parang may "immunity" na rin ako nun (madaya lang talaga)....moving on kariton....meron pang ibang laro eh yung kung tawagin namin sa lugar namin ay "Finsih" napaka simple lang ng larong ito, meron ka lang dapat isang pares ng tsinelas at good to go ka na,,,,, ang paglalaro nito ay simple lang din,,,, nakalagay sa isang hilera ang mga tsinelas at halinghinan ang bawat isa sa mga manlalaro sa pag palo sa mga tsinelas (parang tatching),, kung sino ang mahuli sa finish line sa pagpalo ng kanyang sariling tsinelas ay makakatikim ng lumalagapak na hampas sa kamay (may "padding" naman,,, yung tsinelas na ginamit na panlaro nung natalo ay ang gagamtin na pang protekta sa kamay para hindi naman mawasak yung kamay pag pinapalo na...)..... Marami pa ang mga laro na naaalala ko na naging bahagi din nung bata pa ako,, katulad nung all-time favorite na tagu-taguan, yung simpleng mataya-taya, patintero, luksong tinik, luksong baka,,,um,, inihaw na isda,,, sinigang na baboy,, adobong manok....? teka napapahalo na sa mga halimbawa ko ang mga pagkain,, maka-tigil na nga muna pansamantala sa pagkukwento...gutom lang siguro to....


isa po ito sa mga entry ko para sa pa-contest ni gillboard 
--------------------------------------------------------

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

pano kung wala sila?

"Paano na ang milyun-milyong mga pwet kung wala ka?"

may mga "simple things" sa ingles, "simpleng bagay" sa tagalog o "simpreng bagay" sa japanese ang mga hindi natin pinapansin pero napaka importante pala sa atin,,, mga bagay na parte ng ating buhay,, ng ating pagkilos, mga tao sa paligid at mga bagay na nandiyan lang na hindi natin masyadong napapansin ang importansya pero paano na kaya ang buhay kung wala ang mga ito o sila....

Paghinga - ang paghinga ay isang paraan para ikaw ay mabuhay (ang engot naman ng di mkaintindi nito) paano na kung hindi ka humihinga? malamang wala ka dito ngayon at binabasa ang post kong ito,, kaya dapat thankful ka ahehe

Orasan - malamang may mga piloso na magsasabi sa akin na "eh ano kung hindi naimbento ang orasan? pwede namang gumawa ng "Sun Dial" o kaya eh pwede naman tumingin sa kalangitan"... eto lang masasabi ko... subukan mong maglagay ng sun dial sa gabi,, at tingnan ko kung machambahan mo ang oras simula alas nuwebe ng gabi hanggang alas tres ng umaga,, o di naman kaya ay na trap ka sa isang gumuhong gusali o kaya kuweba na walang liwanag na pumapasok kahit saan ka tumingin,, batuhin kita jan ng Rolex eh ehehe jokjok

Ina - tingnan ko lang kung magawa kang mag-isa ng nanay mo..

Ama - tingnan ko lang kung magawa kang mag isa ng tatay mo,, kung sa iba yan gagawin ng mga erpats natin eh hindi tayo ang mga naging anak ng bawat magulang natin,, tapos nagkataong tayo pa yung mga "weakest sperm" ng panahon na iyon, nakow na lintikan na...

Toothpaste - salamat sa toothpaste, dahil sa kanila ay hindi nagiging kadiri ang mundo pag naghahalikan ang mga tao pwera na lang kung ganto ang bunganga mo  
                                                                                -------------------->
                                                                         
sabi nga doon sa commercial "no toothdecay" sabi ko naman sa image na to.. "langya,,, konte lang ang toothdecay kasi konti nalang ngipin hekhek"

pasensya na dun sa taong ito,,, natutuwa lang talaga ako sa picture nya dahil mukang kahit anung problema eh kaya nyang mag "smile"... :)


Padlock - sige try mong lumabas ng bahay tapos walang kandado bahay mo,, lagyan mo nalang ng karatula ang bahay mo na "Steal All You Can"...

Utot - eto wala ng pagtatalunan dito,,, buti merong "utot" kung walang utot... isipin mo nalang...ang panget naman siguro kung sa bunganga mo lalabas yung mabahong (same as jerbacks) na amoy.. ew...

Posporo at lighter -  napakasaklap pag nawala ang dalawang ito,,, kung nagyoyosi kayo eh sasang ayon kayo sakin... bakit po? try mong magpaningas na parang doon sa TV show na survivor.. kada magyoyosi ka makikiskis ka pa ng kung anu ano makasindi ka lang,, tapos may mga pilosopo jan eh sasabihing "eh may LPG naman at kidlat,, nakakagawa din naman ng apoy ang mga yun eh!" ....eto lang masasabi ko,,, try mong ilagay sa bulsa mo ang LPG pag aalis ka ng bahay ha,, yung 11kgs. ha.. yung sa kidlat naman sige suminde ka sa kidlat, kasama ka sa magiging upos, ahehe,,kung ang sasabihin naman eh "edi intayin tumama ang kidlat sa puno para mag karoon ng apoy".... tulo na laway mo di ka pa nakaka sindi.. ehehe

Ka-trabaho - Sige subukan mong maging boss, janitor, messenger, encoder at officer ng kung anu-ano pa, tingnan ko kung di ka umayaw sa kumpanya mo na malamang eh ikaw lang din mag isa ang nagtayo


Daliri at Kuko - wala ng mas sasarap pa sa pangungulangot gamit ang daliri at ispesyali yung meron kang konting kuko na naka usli sa dulo ng iyong mga daliri (san pa nga ba uusli ang kuko?hehe) try mong mangulangot gamit ang kamao, braso, kutchara o di kaya sandok... masa-satisfy ka ba ng ganun? pwera nalang kung ga-kweba ang ilong mo at kakasya ang mga nabanggit ko...

Pag-Hikab - isipin mo nalang..."anu kaya kung hindi tayo nahikab"? kunwari ang pag-hikab natin ay napaltan ng, ....Dighay.... paano kung pag-dighay ang naging ekspresyon o paraan pag tayo ay inaantok... parang ganto....
"BURP! nakakaanotok naammaaaan BURP!.....zzzzzz."      di ba ampanget?

Sabong Pampaligo - salamat at sa palagian ay meron tayong mabibiling sabon para sa ating paliligo...kung sasabihin nyo naman na.."may shampoo naman diba? pwede rin naman yun gamitin para ipang-sabon sa katawan"  ...pero ewan ko lang din,, oo pwede nga yun,, pero,,, ayoko namang mapansin ako ng iba na mabango ako pero ganto naman ang sasabihin sayo... "waw ambango mo naman ngayon,, anti-dandruff ba yan?", "waw ambango mo naman, with milk extract ba ang ginamit mo"? ahehe

kung may naiisip po kayo na mga bagay o tao na hindi natin masyadong iniintindi dahil nga sa pagiging "available" nito kahit anong oras eh pwede po kayong maglagay sa koment seksyon,,kung gusto nyo lang,,,,baka lang naman,,, baka sakali lang naman,, alam ko may mga silent readers dito, paramdam naman kayo harmless naman ako,, o kaya mag register kayo sa followers ko para makita ko naman kayo,,, salamat po sa inyong pagchachaga sa pag babasa ng blog ko,,

o pano po?,, hanggang sa susunod nalang, magandang araw at madapa ka sana

Biyernes, Setyembre 2, 2011

sabadooo bidooo

" pag tinatamad kang maglaba, imagine mo nalang na ice cream na lang tong larawan na to "
ni-ne-nerbiyos nanaman ako pag sumasapit ang sabado at mapapalingon ako sa aming mumunting marumihan (more or less equivalent sa anim hanggang pitong pa-ikot sa washing machine),, biglang parang may announcer sa utak ko na nagsasabing (leeeetttsss geeettt reaady to ruuuummmbblllleee!!) sabay isang matinding katahimikan..... sabay bigkas ko ng "oh my gaaahhhd,,, labadami mode na"... di naman ako nag rereklamo, masarap lang magpahilahilata kahit sabado, sabay iintayin mo na dumating mga tropa mo at mag-iinom na lang kayo,,, pero sabagay ok din naman ang maglaba, kahit papano eh namamaster mo ang isang discipline hindi ito "martial arts" ang tawag ko dito ay "marital arts" hehe,, kung may mabuting magagawa ang paglalaba sa ating buhay eh ito ay daan para mapaligaya natin ang ating gelpren o kaya ay mga asawa,, este asawa lang pala, para makita nila na kahit mga macho gwapito tayo eh maalam parin tayong magbigay ng tulong sa kanila kahit sa larangan ng paglalaba,,, eto pa isa,,, ang lakas kaya ng dating sa mga babae pag nakikita nilang ipinaglalaba sila,, dagdag pogi points kaya yun,, kaya ikaw... kung "paaahnggeeet" ka, eh umpisahan mo ng maglaba,, ako kasi kaya ako naglalaba eh nagdadagdag lang ako ng pogi points,, haha joke lang po,,, oh hanggang dito nalang muna ako at gulagulanit na yata yung damit na iniwiwan ko sa washing machine namen, mag dadalawang oras na yatang umiikot yun,, hehe... salamat at magandang araw,