mga naligaw ng landas

Huwebes, Hunyo 21, 2012

at nag kampeon na nga....

"wala talaga....ikaw kalbo ka ha....jan ka muna maninirahan sa Miami"

Isa sa gusto kong pag usapan ay ang tungkol sa naganap na NBA Finals sa pagitan ng OKC Thunders at ng Miami Heat, pero dahil natalo ang OKC eh wag nalang pala ahehe...

well anyway putaktey,,

Marami na namang kaganapan ang nangyari sa aking paligid ngayong araw katulad ng isang tambak na papeles sa aking lamesa, maraming pag-pa-follow-up at siyempre ang pagka dismaya ko sa isang teleserye sa telebisyon na pinamagatang "NBA", (di talaga maka move-on ahehe),, pero mas masarap parin yung ginawa namin ng asawa ko kagabi..... (uyy...bash-tush ka ha...) paligsahan kami ng pabahuan ng utot sa loob ng isang kulong na kwarto na de-aircon, wholesome kami o diba?

....kasi naman eh, hindi binantayan si ano eh!... bakit kasi tira ng tira ayaw mag set ng ughh!..... nako pag pasensyahan nyo nalang po ako, di ko matiis eh, salamat nalang po muna sa pag dalaw at maraming salamat, hanggang sa susunod ha! :)

Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Panatag Pala ha!

"Ipapaliwanag ko pa ba naman ito?"
Isa sa mga isyu na kapuna-puna sa ngayon ay ang nagaganap na patatagan ng mukha sa may Panatag Shoal. Marami ang paliwanag na nagsasabing sa Pilipinas ito at marami ring paliwanag ang sinasabi ng Tsina na sa kanila din ang naturang lugar, pero kahit anu pang usapan ang mangyari, eh sa aking sarilimg opinyon eh mukhang dadaanin tayo malamang sa palakihan ng katawan ng Tsina, kahit anu pang prinsipyo at malamang kahit anu pang tapang nating mga Pilipino at kahit gaano pa kalakas ang ating ebisensya na sa atin ang "Panatag" eh pag pinagusapan ang palakasan ng sandatahan eh siguradong utot lang ang maigaganti natin, kakabahan pa siguro yang mga yan kung may pangtapat tayo na barko na maisasalpak dun sa lugar ng tensyon kaso meron nga tayong barko eh lagi namang umuuwi at nagpapagasolina pa yata at baka tumirik pa dun sa gitna ng karagatan, meron nga tayong mga helicopter pero hindi naman para sa ganung klaseng mga misyon dahil kailangan din ng bayan natin ng pang-rescue pag may kalamidad.. hindi naman sa hinahamak ko ang mga kagamitan at mga armas natin pero sa totoo lang kahit kayo alam nyo naman ang problema hindi ba? kesa ipambili ng mga armas o pandigmang mga sasakyan eh sa mga SUV o mga luxury cars ng mga matataas na opisyal sa militar o sa kung saan pa mang sangay ng gobyerno ito napupunta at kung anu anu pa,  hindi ko lubos maisip na baka mga stealth jet fighter na tumitira pa ng laser beam na ang gamit ng China tapos tayo yung de-elesi pa ang gamit tapos puro tansan pa ang bala natin, masakit pero totoo kaya malamang ba-brasuhin na tayo ng mga yun, ganun lang naman daw talaga ang sistema sa mundo, kakainin ng mga malalakas at malalaking bansa ang mga maliliit at mahihinang bansa na makaka-alitan nito.

Biyernes, Hunyo 8, 2012

gusto ko happy cow

"kikilitiin ko kayo, kuchi-kuchi-kuuuw"
Ayus din naman ang gising ko kanina, bumangon ako (na may halong sakit ng ulo dahil sa inuman nung gabing nakalipas) na napapakinig sa interview ni manong Joe Taruc kay Senator Juan Ponce Enrile, sa maniwala po kasi kayo o sa hindi eh medyo mahilig po talaga ako sa istasyong pangbalitaan o yung AM na mga istasyon (mid 20's palang po ako at hindi pa ko gurang, wala eh, kanya kanyang trip lang talaga yan) well anyway putaktey eh nakakatuwa lang kasi yung mga ikinukwento ni "manong johnny" sa naging buhay nya simula nung pagkabata nya hanggang sa kung nasaan na siya ngayon, nalibang ako dahil nakipagbugbugan pa pala siya noon sa mga hapon dahil sumali siya sa guerilla noong giyera, (anung sinabi ng mga ninja kay manong johnny?), hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung mga kwento nya at halos hindi na makasingit yung announcer, pero ok lang, nakakatuwa parin dahil biruin mo panahon pa ni Magsasay eh unti unti na pala siyang hinihigop sa gobyerno (na sinabi nya na wala at hindi nya naisip na gagawin pala niya), hindi ko alam yung tamang mga order nung mga administrasyon pero napakadami nyang nabanggit na presidente, na napagdaanan nya, bilib na sana ako kung mababanggit nya na nadaanan nya pa yung administrasyon ni Emilio Aguinaldo kaso hindi, siguro elementary palang siya nun. Ayus din pala talaga itong si manong johnny, nung tanungin kasi siya kung sang ayon ba siya  patungkol sa pagpapatayo ng nuclear power plant eh sabi nya eh para wala na daw usapan pa sa lugar na pagtatayuan at mga alalahanin para sa kaligtasan ng mga tao sa paligid ng naturang ipapatayong planta eh inialok na lang niya yung kanyang lupa na nasa dulo daw ng pilipinas, wala na daw sigurong magiging problema dun dahil may mga nakaharang na mga natural na "barrier" sa pagligid nung nasabing pagtatayuan nung nuclear power plant na iyon, ok din naman para bumaba narin presyo ng ubod sa mahal na singil sa kuryente dito sa atin, pero kahit anu pa sabihin nya tungkol sa kahit anung isyu, mapa-kontrobersyal o tungkol pa sa mga trabaho nya sa senado eh mas pipillin ko parin ang makinig sa mga kwento nya nung mga nakaraan pang panahon na parang ang pakiramdam ko eh nanonood ako sa history channel,

---yun lang po, salamat at magandang araw

Lunes, Hunyo 4, 2012

English pa rin wala na ngang makain

"Balinguyngoy dahil nakinig sa matatalinhagang Tagalog (wapak!)"
Minsan natatawa nalang ako sa mga nakikita ko na status updates ng mga tao sa facebook o kung saan saan pang mga sosyalan networking sites na meh paingles ingles pa na halatang pilit na pilit naman, meron din naman talagang mga bihasa sa ingles at magno-nosebleed ka nalang bigla pag nabasa mo mga updates nila, pero di ko talaga maintindihan,,, mahirap ba talagang magsalita ng Filipino o ng dialektong Tagalog? Kayang kaya naman talaga natin magsalita ng sarili nating wika dahil sa abot ng aking naaalala eh yun naman ang ginagamit natin sa pang araw-araw, eh bakit pag dating sa internet eh parang umuurong na yung iba sa atin? dahil ba mas sikat ka o dahil magmumukang mayamanin pag spokening dollars ka o di kaya eh maipapakita na mataas talaga ang pinag-aralan kaya ganun? Pwede namang maging maalam ng Ingles pero wag naman sana na yun na mismo ang salitang isasabuhay at yung sariling wika ang ginagawang panglawang linggwahe. Naiinggit tuloy ako sa ibang lahi, yung mga Amerkano nag aamerkanuhan, yung mga Instik nag Iintsikan, yung mga Indian nag Iindyanan, buti pa nga yung mga baby may sariling pag uusap eh! Ang lumalabas tuloy (lalo na dun sa mga nagpupumilit um-ingles) eh mas ok lang magmukang tanga habang gumagamit ng ibang wika o magpa-ingles ingles dahil ayaw o ikinahihiyang gamitin ang sariling wika dahil nahihiya/baduy/korni/no class ito? Kawawa pala talaga tayo, lalo na yung mga napapanood ko sa telebisyon na may kakapanayamin yung reporter na mga tao sa lansangan tapos ang mga unang linya ng isasagot nung mga iniinterview ay "actually, supposedly, you know, at ang walang kamatayang uuuhmmmm...." walangya talaga, hindi naman tinanong ng ingles pero dinadalihan parin ng ingles, eh tungkol sa esterong barado at tungkol sa pagtawid sa mga bawal na tawiran lang naman yung itinatanong! ewan ko nga bahala na sila sa buhay nila, nakikialam pa kasi ako eh.

Have a nice day ha, and you go dapa dapa face first on the floor ha, echus me, i'm just gonna go ebaks lang ha, ok? olrayt?