mga naligaw ng landas

Biyernes, Marso 28, 2014

Minsan mas tao pa ang aso

Mabait pala talaga ang mga alaga kong aso, kahit minsan namumura ko sila kahit papaano pag nagtatatahol habang may pinapanood akong maganda o pag nabubulahaw ako pagnatutulog ako, pero mas madalas nakakatuwa sila dahil sa mga simpleng bagay, katulad ng masaya at super hyper sa pagka excited na pagsalubong sa akin pagka galing ko sa trabaho, o yung habang nakahiga ako eh bigla nalang totopaken at mahihiga nalang din bigla sa may paanan ko o sa may ulunan ko,.. sa hayop yan ha, sila kasi ginagawa nila yung "ginagawa" talga nila, yung mga "tama" nilang gawin, pero sa mga susunod na halimbawa ko ay hindi naman sa ikinukumpara ko ang aso sa tao (alam ko na malayo sa maraming bagay), ang punto ko lang, mas magaling pang magpakahayop ang aso kaysa magpaka-tao ang TAO.

Ibang klase talaga mundo ngayon

May mga nakasabay akong estudyante (itatago ko nalang ang pangalan ng kanilang unibersidad, medyo maypagka balat sibuyas tong mga to),,, eh may matanda (senior citizen moves na siguro) ang umakyat at sumakay ng jeepney... imbis na umipod, itinuro pa yung bakante sa may likod ng driver, palakpakan... PAALALA: yun pong upuan malapit sa tabi ng entrance/exit ng dyip ay para sa mga Senior Citizens at PWD. kasira ng friday-funday eh.

Yung mga makakasalubong sa daan, imbis na mag iwasan kayo, yung ibang walang modo eh talaga namang babanggain ka,,, (madalas mangyari sakin yan),,, ang ipinagtataka ko lang, yung mga nasa estadong pagka-"Nanay" pa yung tipong 40's to 50's ba.. sila yung tipong pag nasagi ka eh,, parang galit pa sayo.

Yung mga nag-moo-moon-walk effect pa habang dumadaan sa harap ng dalwang nag-uusap. mapapamura ka sa sarap.

hehe, wala akong masabi, yan yung tatlong naranasan ko ng madalas nitong nakaraang linggo,. sana maging maayos na sa susunod na linggo, tingin ko hindi na kailangan ng tao ang kahit anu pang pangaral para maging disiplinado, natural na lalabas nalang siguro yun,, pwera nalang kundi ka talaga akma sa maayos na pakikitungo sa kapwa mo, daig ka pa ni doggy nan.






Sabado, Marso 22, 2014

Tinta Mode (Part 6)

Share ko lang po ulit, medyo matagal na ito, kaso naalala ko na ibinabahagi ko talaga sa blog na ito yung mga bago na naidadag na tinta sa katawan ko.. hindi rin naman sa pagyayabang ang pakay ko, sabi kasi maging proud ka kung anu yung meron ka,, at sana mabuksan na rin ang mata ng mga nag-didiscriminate o yung mga taong may negatibong pananaw sa may mga taong may tinta.. salamat


 malamang matatagalan na yung kasunod nito,, pinapagalitan na ko eh, haha





Biyernes, Marso 21, 2014

Balanced Diet, ver. 200000

Siguradong sigurado na talaga ang panahon ng tag-init (pwera na lang dun sa mga palpak na forecast dahil umuulan ulan padin) nag-lipana na naman ang mga nangagarap mag display ng katawan sa beach, sa mga resort at kung saan saan pang katawan ng tubig dahil nauuso nanaman ang pagpapayat at pagpapaganda ng katawan, bakit ko nasabi? dahil isang katutak nanaman ang nag jo-jogging na nakikita ko sa aming lugar at hindi lang iyon dahil isang katutak din ang nagpo-post sa facebook na gutom na gutom na daw sila dahil sa ginagawa nilang diet... bwiset... nag diet ka pa, magrereklamo kalang pala. Hindi naman sa nagmamalinis ako,, dahil ako mismo naki-uso, takbo dito, takbo doon, buhat dito, buhat doon... pero naisip ko lang, pag mabisyo ka, patay ka, pag healthy lifestyle ka naman, zero gimik ka naman, kaya nakaisip ako ng solusyon at binigyan ko ng bagong kahulugan ang salitang "balanced diet" hehe...

una: masama daw ang manigarilyo bago tumako o mag-jogging kaya nagyoyosi ako "pagkatapos"

pangalwa: masama daw ang kain ng kain ng puro karne nalang palagi, dapat gulay at isda daw, edi nag chopsuey ako na karne ang lahok tapos ang sawsawan ko ay PATIS ...fish sauce yun..edi ISDA na rin yun.

pangatlo: yung "third law" ni newton ay isinabuhay ko nalang, ang sabi kasi doon ay "For every action, there is an equal and opposite reaction" kaya pag nagpakalango ako sa alak, babanatan ko ng super workout, pag nag superwork out ako, mas babanatan ko pa ng super alak.. (suicide ba kamo? di naman)


hehe pero seryoso, maganda talaga na isipin din naman natin ang ating katawan at kalusugan, at kahit anu pang panahon, mag pawis pawis naman tayo at gumalaw galaw naman... sabi nga sa kasabihan.... "galaw-galaw at baka ma-stroke"

Sabado, Marso 15, 2014

isang pabigla, sisig daw eh

Isang maikli lang ito,

Sa ngayon ay wala talaga akong maisulat ng masasabi ko na "Pinagplanuhan" ko talaga, kaya nagpadala nalang ako sa daloy ng mga nangyayari sa kasalukuyan,,, katulad ngayong mga sandaling ito habang pinapaltok ko itong mga letra sa keyboard.. biglang may dumungaw na bata dito sa tabing bintana ko sabay tawag ng tawag na paulit ulit sa pangalan ng aso ko... "khasey! khasey! khasey! khasey!" ..paulit ulit siya,, limang segundo nalang eh mabwiwisit na sana talaga ako, kaso natawa nalang ako nung medyo napa tongue twister siya.... sabi nya "khasey! ....khasey! ....sassy!... sisig! ...sisig! sisig! ... waw,, heavy.. pinabayaan ko nalang, natawa naman ako eh.