mga naligaw ng landas

Linggo, Setyembre 2, 2012

Tinta Mode AGAIN

"Filipino hanggang sa tinta"

Nakow ayan na nga yung matagal ko ng nabanggit,,, NAADIK NA!,,, ahehe,,, hindi naman po gaano pero kasama na rin talaga ito sa mga plano ko,, ahem, sa pagpapahaba ko sa usapang ito eh kung yung tungkol po sa bago kong tinta ay medyo mapapansin nyo lang po na "kasabihan" po ito, tingin ko ok naman to pero medyo nagtaka ako kasi yung mismo ngang artist ko natawa sakin kasi parang slogan daw ng Alaxan FR yung gusto ko na "Ang umaayaw ay di nag wawagi, Ang nagwawagi ay di umaayaw" pero sabi ko lang sa kanya "hehehe Pilipino ako eh, kahit tingnan mo sa libro yan ng panitikan ng wikang Filipino ay andun yan" wala naman problema kahit matawa ang kahit sino dahil malamang di pa talaga sagad sagad sa lipunan natin ang pagtanggap sa wikang Pilipino (o kung susumahin ko para sa katulad ko ay dayalektong tagalog), oo, nauuso ang mga disenyong Pilipino pero HINDI ang totoong kahalagahan ng pag gamit sa wikang ito,,,,hindi ko lang talaga maintindihan, mas "cool" ba talaga ang ibang wika para mas kaadikan ito ng kabataan? yung iba nag kokoreano pa....imbis na tagalugin o kahit anu pang dayalekto ang gamitin sa pag papaliwanag sa mga bagay bagay ay ingles parin ang ginagamit kahit super nose bleed na....tsk,,,di bale,,,para sa akin ay taas noo ako kahit medyo nakakatawa at baduy ito sa paningin ng iba,, mabalik ako... kung tutuusin nga sa katotohanan ay may karapatan  pa akong tumawa lalo na dun sa mga tao na nagpapatattoo ng japanese, chinese or korean characters, mga cartoons, mga demonyo o di kaya ay yung mga walang kwentang abstract lang (mga Pilipino yung mga yun ah), pero di ko naman yun ginagawa (ang manlait sa kagustuha ng iba) dahil alam ko may sarili rin silang dahilan kung bakit nila ipinalagay yun, ang gusto ko lang mangyari talaga ay mamulat tayo na hindi lahat ng makalumang bagay na nagpapahayag na Pilipino tayo na nagmula pa sa mga lolo ng mga lola natin ay hindi naman nagreresulta sa pagka corny or baduy, bagkus ang magiging resulta nito ay ang pagiging tapat o kung hindi man ay ang simpleng pagkilala lang sa ating kultura.