mga naligaw ng landas

Biyernes, Marso 8, 2013

kaisipang nagmula sa espiritu ng lasing


"ahehe makaligo muna bago mag-inom"

May mga kaisipan lalo na pag dinapuan ng isang katerbang litro ng alak,
may mga usapan na naguumpisa sa saya na nagtatapos sa lungkot
at may mga usapang nagsisimula sa lungkot na nagwawakas sa saya,
iba't iba ang mararanasan, mapapakinggan , madarama at makikita
Ngunit pag pinag tagpo mo ang lahat ng iyong pandama at pag-iisip ay may makikita ka parin na kakaiba.

Biglang nagkwento ang tahimik na dati ay malungkot at walang imik,
Biglang sumaya ang may problema dahil yung tama daw nya ay pumanhik,
Nag-wala ang inakala mong masaya dahil ang problema niya ay kumaripas ng sipa
Ang malakas ay natameme at sa pagkalasing ay napatulala.

Naging galante ang kuripot na dati ay siyang kunat,
Ang mayaman at may pera halos itapon na sa mesa pati balat at kaluluwa
Habang ako ay nagmamasid ako ay napangiti
Natutuwa ako dahil di kailangan ilabas ang pera kong naitabi

Marami talaga ang mapapansin kahit maliit na detalye
Lalake at babaeng hindi magkakilala, pag nalasing ay nagpapandali,
wala ng mas sasarap pa pag alam mo pa ang nangyayare,
kaya tama na tong pagsusulat ko, tatagay na ko pare

---salamat sa pagtitiyaga, sa uulitin


Biyernes, Marso 1, 2013

Tinta Mode (Part 5)....

ahehe katulad nga ho ng isinisaad ng aking pamagat ay nagka-PART 5 na po ang serye ng "suddenly it's magic" na addiction ko sa pagpapalapat ng tinta, oh well bowel, hindi na po ako magpapatumpik-tumpik pa at ipakikita ko nalang po ang bagong naidagdag sa akin.....

"Isang masakit na dalwa o tatlong oras din po ito"
Napili ko po ang "bull" hindi dahil sa puno ako ng bullshit pero dahil sa kadahilanan na ako po ay isang Taurus at dahil sa katangian o sinisimbolo nito na kalakasan (physically and mentally) na gusto ko rin na maging katangian ko (physically and mentally weak po kasi ako, in tagalog --> MARUPOK haha) ... ,, pero seryoso, wala talaga akong plano na magpalapat ng mga bagay na wala man lang kaugnayan ni-katiting sa aking buhay.

Salamat po sa pagsilip, sa uulitin!