mga naligaw ng landas

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

PILIPINAS

KAYA NATING LAHAT, KANYA KANYANG PARAAN SA PAGTULONG PERO IISA ANG LAYUNIN, GOD BLESS THE PHILIPPINES AND THE WHOLE WORLD!
   Wala na ko ibang maisip na mga salita para sa trahedyang nangyari sa ating mga kababayan sa Visayas, kundi....."trahedya", "habag", "pag-asa".

   Trahedya dahil sa kalunos-lunos na delubyo na inihatid ng lindol at ng pag-alapaw pa na pa-style ng bagyong Yolanda.. Nawala lahat.... tahanan, kabuhayan.. at higit sa lahat ay ang BUHAY..... mayaman, mahirap, babae, lalake, bata, matanda.... walang pinili.... kahit gano pa katigas ang puso mo at kahit gaano ka pa ka hardcore na kriminal o sadistang impakto ka pa... maaawa't maaawa ka,....kababayan natin sila syempre,, at higit sa lahat,,, TAO tayo eh.

   Maraming kumukundena o pumupuna, sari-saring issue sa bagal ng pag-tulong at pag bigay ng suporta,, mga nagbabangayang news organization, mga nagpapataasang ihi na mga NGO's at sangay ng gobyerno.. wala na ko dun,... para dun sa mga nababagalan,, kilos kilos din kayo... baka makatulong kayo sa pag bilis ng pag-usad ng pag-tulong.... yung mga nagbabangayan,, bakit hindi pa kayo ang nilindol at binagyo sa loob ng bahay nyo (ang punto ko, isip isip sa mga naghihikahos at wag na kayong mag away, pwe!), yung mga nagyayabangang mga organization (parang walang ganitong lumalabas na balita pero sa mga narini
g ko na pahayag sa radyo ng ibang mga namumuno,, alam kong may tensyon) ,,, magtulungan nalang, kayo kayo din ang inaasahan ng lahat ng taong na-lugmok sa sitwasyong hindi naman nila HINILING...

   Sanay magkaisa ang lahat, sana stop na kay Yolanda ang lahat ng ito at sana ay siya na ang huling sasagasa sa atin at sa mga kababayan natin... sana bumalik sa normal ang buhay ng mga apektado.. kundi man ganoong kabilis..kahit man laman sa malapit na hinaharap... PAGPALAIN parin sana tayong LAHAT ng Panginoon.