"eto ang laging iniisip ng karamihan sa atin, siyempre walang aamin na ganto sila hindi ba?" |
-
Gusto ko lang pag usapan ang
mga bagay na kumakabit sa salitang “Ako Muna”, Anong meron sa salitang iyon at
bakit ko ito gustong talakayin? Dahil araw araw nalang ay may nakikita akong
ganito, hindi ko na nga mawari kung talagang ganito tayong mga Pilipino o sadya
lang talaga na makasarili lang talaga
ang lahat ng tao sa mundong ito. Marami ka naman talagang makikita na
pangyayari sa pang araw araw na umaayon dun sa salitang “Ako Muna” na nabanggit
ko, may ilang halimbawa ako na bibigyang buhay ko sa pamamagitan ng paglalagay
ko sa sarili ko sa sitwasyon na “Ako Muna”
-
Sa pagsakay sa pampasaherong
dyip at kung anu pang transportasyong pang-masa, eh hindi ako iipod para lamang
maging komportable ang katabi ko, hindi ko naman yun kakilala eh at ano bang
pakelam ko dun? siyempre, bakit ko iisipin ang sitwasyon nya kung ako naman
yung masisikipan, hindi ba?
-
Ipapahamak ko yung katrabaho ko
para malihis ang atensyon ng mga kinauukulan sa mga pagkakamali na ako naman
talaga ang may kasalanan. Edi safe na safe ako diba?
-
Bakit ako magbibigay kung wala
naman akong makukuhang kapalit o pampalubag loob man lamang, wais to! Uutusan
ako tapos hindi man lang ako mabigyan ng pang sigarilyo?
-
Bakit ako pipila ng maayos?
Pwede naman akong magpanggap na “senior citizen” diba? Matanda na rin naman ako
kahit wala pa ako sa pagiging senior citizen, medyo may puti narin naman ang
buhok ko diba? Hindi na ako masisita at mahahalta kahit mag-cut ako sa pila o
pumila ako sa hindi ko naman talaga pila.
-
Kelangan makakuuha ako ng mga
papremyo sa pa-contest ng kumpanya, konting daya lang naman at sabagay.....laru-laro lang
din naman yun eh.
-
Siguro mas mabuti na kumuha
muna ako ng konti dun sa pinaghirapan ng iba, may kinikita pa naman yung
kaibigan ko eh, mapapagtrabahuan pa nya yung pera na kukuhanin ko, total hindi
naman nya bilang eh.
Nakakalungkot isipin at mahirap din
talagang lunukin, hindi maitatanggi pero nagkalat parin talaga ang ganyang mga
tao at sa totoo lang,, hindi ko alam kung paano din sila mapagbabago,,,
kailangan ba na mabasa muna nila ang post kong ito? Kelangan bang pangaralan
lang at kausapin sila? ipa-pray over ba o ipapa-bendisyunan? Kung anu man ang solusyon eh
hindi ko talaga alam,,, hindi rin naman sa nagmamalinis ako…kasi minsan madamot
talaga ako sa yosi lalo na pag iisang piraso nalang ang natitirang laman ng
kaha ko, kaya sinosolo ko na talaga, Hindi ko kasi trip yung "Ako Muna" mas gusto ko yung salitang "Paano Na Ko? :p .......
………..salamat po at magandang araw