"pisngi ko nalang ang tatakpan ko tutal wala naman akong tenga eh!" |
- bakit ba pag kumakain na ko ng hapunan eh sabay magbabalita ng mga pugot-ulo, mga binaril, mga sinaksak, mga naaksidente at mga nag sisiritan ang mga ketchap sa katawan? magpapasintabi nga yung nagbabalita pero anu bang magagawa nun? alangan namang itigil ko ang pag subo ko sa kinakain ko para lang magbigay daan sa pagbabalita nung news anchor? (malamang may magtatanong sakin.. "eh bakit hindi mo ilipat ang channel? tanga ka pala eh) eto sagot ko... "pano ko ililipat yung channel eh malayo yung remote control?" hek hek...
- na aaning ako pag may naririnig akong "balitang showbiz" kapag weekends.... (minsan kasi kahit ayaw mong manood eh mapapakinggan mo pa rin yung tunog na nagmumula sa TV ng kapitbahay mo eh) bakit ba kamo? nag buntis daw si ganto .... eh ano? di naman ako mag ni-ninong eh.... magpapakasal na daw si ano... eh ano? di naman ako magiging asawa eh..... nanganak daw si ano.... eh ano? hindi naman ako ang tumira dun eh.... naaksidente daw si ano?.... eh ano? ako ba bumangga? :D
- etong mga pang healthy living at mga pampaganda ng pang labas na kaanyuan na mga show... nakaka asar din tong mga show na ito... baket? maalala mong ampanget panget na ng itsura mu :(
- at ang pinakahuli... weather report,,,, baket? di mo alam? sang planeta ka ba galing? hehe
salamat po sa inyong pagbabasa at hanggang sa muli......... pis pis pis pis
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento