mga naligaw ng landas

Biyernes, Agosto 19, 2011

puyatola

"hindi na siguro halata na tulog ako pag idinikit ko tong mug na to sa kamay ko"

iba rin talaga ang pakiramdam kapag pumapasok ka ng puyat,, kahit muka akong katutubo at super sa pagkatagalog ang itchura ko eh nagmumuka akong singkit, kahit anung klaseng pagka-akitbo ang gawin ko eh nagmumuka parin akong gulay at kahit anong tindi ng gawin kong effort para mag isip eh lumalabas parin akong bobo, ganyan ang araw sa trabaho kapag puyat, hindi man maranasan palagi eh malamang mangyayari yun paminsan minsan... isang beses nga kinausap ako ng boss ko tungkol sa isang bagay, pero dahil nga sa puyat ako nung araw na yun eh halos di ko na maituloy ngayon ang kwento ko tungkol dun sa pinagusapan namin nun mga pangahong iyun, parang ang na-aalala ko lang eh yung sunod sunod na pagtango ko sa kanya na kunwari ay naiintindihan ko yung mga instructions nya sa akin,,, ganung katindi ang mga nagaganap na "short term memory loss" sakin dahil sa puyat,, wala naman akong reklamo,, masarap lang talagang ikwento, sa totoo nga mas ok sakin na mapuyat ako basta ba lagi akong mapupuyat na katabi ko ang gf/chix/asawa ng buhay ko gabi gabi (minsan lang ako maging cheesy kaya pag bigyan nyo na ako ehehe), so anyway skyway,.. isang short post lang po sa ngayon ang iniaalay ko sa inyong mga mambabasa ko, kinukudisyon ko lang muna ang mga daliri ko para sa pagta-type, ang utak ko para sa pag-iisip at ang mata ko para sa pagbabasa,,, bahala na yung pribadong parte ng katawan ko kung paraan siya,, hehe lam nyu na yun kung saan yun,, oh eh paano po,, salamat po sa pagbabasa,, hanggang sa muli,, at madapa ka sana.. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento