1. para makatipid ang gobyerno at medyo lumawak ang mga kulungan natin dito sa bansa natin eh piliin nila yung mga bilanggong mga halang talaga ang mga kaluluwa at ilagay sa isang saradong kwarto na may mga nakalagay na sangkatutak na lamok,, kahit sabihin nyong walang death penalty dito sa pilipinas eh pwede ito,, immune system nalang nila ang magsasagip sa kanila hindi ba? di naman sila ni-lethal injection ng kung sinong tao.... injection lang ng mga lamok hehe
2. kung kelangan mong mag overtime or kung may kelangan kang tapusing trabaho sa bahay,,,, mag pakawala ka ng isang katutak na lamok sa kwarto mo (kung ayaw mo naman pinagtutu-tusok ka ng mga lamok eh tanggalan mo muna sila one by one ng pang turok nila hehe) malamang di ka na aantukin sa trabaho mo dahil m'yat maya ay may bumubulong sa tenga mo na parang tunog ng cellphone na nagvivibrate habang nakapatong sa la mesa,..
3. kung wala kayong pulutan...... (ahehe alam kong iniisip mo,, hindi ko naman sasabihin na "ipulutan" yung lamok) edi bumili na lang kayo...
4. kung gagawa ang pilipinas ng "biological weapon" eh wag ng mag isip isip pa ng kung anu-anong klase, meron naman tayong lamok,.. anong sinabi ng anthrax?
5. umuunlad ba ang industriya ng katol pag dumadami ang cases ng dengue? hmmm....
6. bakit hindi kaya gumawa ng breed ng lamok na kulay dilaw or kulay green,.. para hindi ka talaga mag mimintis pag papaluin mo yung lamok na kumagat sayo.. hindi sya makakapagtago agad dahil sa matingkad nyang kulay at makakaganti ka pa sa lamok na yun...
7. anu kaya kung mag breed din ng lamok na medyo pag lumalapit sayo ay hindi puro "bzzzzzzz!! bzzz!" ang maririnig mo? maganda siguro kung ang maririnig mo eh mga music na pang mp3 ang dating or parang "ringback" tone ang maririnig mo,,, hehe ayus yun
8. eto matagal ko ng naiisip eh,, bakit ba "lamok" ang ipinangalan sa lamok at hindi yung "tutubing karayom"
ahehe,,,
ang mga ilan sa nabasa nyo ay hango lang sa walang kakwenta kwenta kong utak,, ganan lang talaga tong utak ko, pag pasensyahan nyo nalang po,, salamat po ulit sa inyong pagbabasa, sana wag po kayong ma-dengue.... malaria nalang po,, hehe jok jok lang po :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento