mga naligaw ng landas

Biyernes, Pebrero 28, 2014

Happy Weekend!!!


sa totoo lang.. akala ko naka "dirty finger" itong pusa na ito.. haha kung nagkataon
edi parang "Yeah...Weekend F*ck Y'all" (haha)
Eto na nga at dumating nanaman ang weekend (March 1, Sabado), anu pa nga bang aasahan mo sa mga tao? tatlo lang yan eh, una yung mga tamang super overtime sa trabaho na kahit itong araw ng pahinga eh nagtatrabaho (walang extra pay, serbisyong totoo lang talaga hehe) yung pangalwa naman eh yung mga relax lang, literal na laid back kasi "nakahilata" talaga, at yung pangatlo eh yung mga taong siguradong may hangover sa araw ng linggo.

 Well anyway payday...

Marami nanamang mga bagay ang kumekembot na parang kitikiti dito sa kakapiraso kong utak pag napapagusapan ang "weekend" anu nga ba ang weekend? Nung maliit kasi ako (at alam ko ganun parin ako ngayon) ay natural sabado at linggo talaga yun, diba? siguradong masaya at napakamaaliwalas na araw para sa taong bayan, kahit maging maulan at makulog eh ok lang dahil kung hindi man nakayupyup sa higaan habang nanonood ng pelikula eh pwede rin naman ligo ligo sa ulan yan, kahit pa nga sa Telebisyon eh yung mga magagandang palabas eh pag weekends lahat yan, pag may gala ang mga magkakaklase o kung mag gimik ang magkakaibigan, weekends lahat yan!!!! (hindi ako galit.... nagpapaliwanag lang), pero may isang pangyayari na sumira sa kabataan ko (scarred for life ba?....tsk tsk hehe di naman) nung nakakita ako ng for the first time ng isang kalendaryo.....sabi ko sa sarili ko....may conspiracy ba na nangyayari? isa ba itong patibong ng gobyerno para lituhin ang mamamayan na linggo ang simula ng araw para walang mga establisyimento na mag-sara sa araw na iyon? o di kaya ay para malito ang mga terorista sa eksaktong araw ng pangho-hostage nila?... di ko rin alam pero nalungkot ako dahil isang malaking kasinungalingan pala ang buhay ko, akala ko ba sabado at linggo ang huling dalawang araw ng linggo... t@ngn@..... linggo pala ang una.... tapos sabado ang last.... syet..... tapos lumipas ang maraming maraming taon at naging binata na nga ako at humantong na sa tamang edad para tumawid sa tamang tawiran, umupo ng tama sa dyip ng naayon sa binayarang PAMASAHE (patama lang dun sa mga bwiset na kung makaupo parang bente pesos ang binayad) at akoy nakakapag hanap buhay na at naging isang uliran na mamamayan ng bansang Pilipinas.... makalipas ang maraming sakuna, pagsubok, ligaya at kalungkutan......ay napag isip isip ko na "ah ang tange ko talaga" wala naman kauganayan yung pwesto sa kalendaryo dun sa pinagsasabi ko, di naman nabago yung weekends (tanga lang eh)".


salamat ho sa pag bisita, pasensya na sa pambwisit na post ko, happy weekends sa inyong lahat :)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento