mga naligaw ng landas

Biyernes, Pebrero 21, 2014

Itaga mo daw sa bato

At katulad nga po ng dati, ito na po yata ang pinaka "record breaking" sa pinakamatagal na nabakante ako sa pagpopost sa KWENTOKOTO,,, malamang yung iba baka ang akala ay naging busy lang ako (na sa totoo lang ay oo), yung iba naman baka ang akala naman eh iiwan ko na talaga itong blog (manalig ka lang kaibigan, ngunit iyon ay hindi mangyayari) kahit sabihin pa ng iba na napaka random at napaka out of the nowhere ang mga pinagsasa-sabi ko dito eh.... wala parin silang magagawa... bakit nga ba ginawa ko pang KWENTOKOTO (dahil hindi mo ito kwento) ang title ng blog na ito at hindi KWENTOMOTO? gets?

Mapunta na ako sa paksa na aking gustong talakayin ngayon, ang katagang "ITAGA MO SA BATO", marami kasi ngayon (lalo na nung unang panahon pa) eh ginagamit ang salitang yan para magbigay TIGAS sa pangako, pero sa mga nasasaksihan ko ay hindi naman natutupad (depende na rin siguro sa nag bitaw nung mga salitang yun), gusto ko lang sanang huyagin ng kaunti ang "itaga mo sa bato", pag literal eh mukang delikado ito,,, ano ba ang itataga mo sa bato? kung itak eh kundi mabubungi yun eh pwedeng tumalbog yun at tumusok sa mukha mo, imposible naman na kahoy, "ITAGA" nga daw at hindi "HAMBALUSIN" diba? maraming wais dyan na ang sasabihin ay "ang tanga naman nito ni xinoko, edi-iuukit o kaya i-eengrave sa bato" ....aba teka, "ITAGA" kasi yung ginamit na salita at hindi i-ukit or i-engrave eh, ah ewan, paltan nalang siguro natin, dapat siguro "I-PRESSURIZED WATER CANON MO SA BATO o di kaya I-HYDROLIC PRESS MO SA BATO (kung pa swear swear ka pang nalalaman eh i-hightech mo na) yung bago nalang siguro ang gamitin natin.. yung luma kasi malabo na kasi sa literal, malabo pa sa nilalaman, kumbaga hindi na dapat ito ginagamit sa pangako, dapat isinasama na ito sa kategorya ng mga sumusunod katulad ng:

- Mas malabo pa sa sabaw ng pusit.
- Mas madalang pa sa snow sa Pilipinas
- Makunat pa sa Doris
- Isulat mo sa tubig
- Ma-Lobster yan
- Suntok sa buwan, sampal sa stars

Well anyway everyday, hanggang diyan nalang muna ulit ako dahil alam myo na, weekend kasi (ng ginawa ko itong post) eh nakakatamad ngayon, hilata moves muna ako, salamat sa pag bisita at hindi pag iwan sa blog na ito, hanggang sa muli, (subukan ko pang maging mas aktibo, wawa naman tong blog) SALAMAT!

May hangover na nga, tapos ganto pa mababasa ko! aguy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento