mga naligaw ng landas

Linggo, Hulyo 15, 2012

Chamba, Swerte, Bwenas atbp.

Hay gulay... tagal ko nanamang walang naipost dito sa blog na ito, spyempre as usual eh magdadahilan nanaman ako, kesyo madami akong trabaho, kesyo marami akong inaasikaso, kesyo.... pumasa ako sa Civil Service Exam!?......... huwaaat!? YES! opo tama po kayo, hindi kayo nagkakamali at lalong hindi pa kayo nililisan ng katinuan,, pati ako naguluhan, hindi pa po nawawala ang himala ng "swerte", ahehe, subpro lang naman, (kala mo naman Board Exam ang naipasa ahehe, mas mahirap naman siguro yun),, pasensya na po at naikwento ko lang sa inyo dahil nung sa nakaraan kong post ay nabanggit ko po na ibabahagi ko sa inyong lahat  kung pumasa man ako o bumagsak sa haharapin kong pagsusulit na iyon, kaya ito na nga po at ikinukwento ko ng ubod wasak sa pagkakangiti sa muka ko habang pinipindot pindot ko itong keyboard ko :-) ....sana pag nagtagal makakuha din ako nung exam para sa professional, (baka mahawa sa swerte eh at katulad kasi nung nasa profile ko eh hindi ko naman itinatago na hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral) kasi kapag, baka, sana at wish ko lang na kung baka sakali (ang kulit eh) na ma-regular ako sa trabaho at pag gumugol ako ng panahon sa serbisyo ay may pagkakataon daw talaga na kumuha ng exam para sa professional, yun ay ayon lamang sa mga kuro-kuro,, pero what the hell bilbel, basta masaya ako ngayon dahil kahit papaano for the first time ay hindi lang sa listahan ng absent, late, noisy at standing lang makikita ang pangalan ko ahehe, salamat po sa pagbisita at magandang araw... wag po ninyong makalimutang madapa ha :D

2 komento:

  1. wow congrats sa pagkapasa mo sa CSC exam.. nagtake din ako dati nyan, second year college pa lang ako noon..ang resulta..failed..hehehe sabi ko magttake ulet ako para makapasok sa BSP kaso tinamad na ko...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. @Pink Line -- ako kasi inisip ko pag bumagsak ako eh mag take lang ng mag take,, wag susuko, kuha lang ulit, sayang kasi

      Burahin