mga naligaw ng landas

Sabado, Hulyo 21, 2012

Rain or shine, sure ba talaga?


Rain or shine...Umulan o umaraw ang pagsasalin  nito sa tagalog pero pag inisip mo dapat "Ulan at Kintab" o diba ang bright bright ko ? 


Well anyway kamatchiley...Hindi kupunan sa basketbol ang gusto kong ikwento sa inyo ngayon, at lalong hind tungkol sa pintura na ang tatak ay Rain or shine (kung pintura nga ba yung lintek na yun),ang gusto ko na ibahagi ay tungkol sa mga weather forecast na napapakinggan ko, natatanga na rin kasi ako minsan (kahit alam ko naman na tanga nga rin pala ako palagi) pag naririnig ko ang mga forecast na ibinabahagi ng PAGASA sa radyo at telebisyon, magtatanong si broadcaster ng ganito....

Broadcaster: "Naging maulan po kanina, dahilan po ba ito ng low pressure area na naumumuo malapit sa Pilipinas? 

Weather man: "Opo, naging maulan po kanina sa katimugang bahagi ng luzon at nagdulot ng pagbaha sa ilang bayan doon dahil sa namumuong sama ng panahon" 

......wala akong masabi, hindi na kasi forecast ang tawag dun kundi "stating the obvious" na talaga, tapos sasabihin pa na "magiging maulan din po bukas o sa mga susunod pa na araw at maaari din maging maaraw sa umaga at makulimlim at maulan sa hapon” ..... papayag ba naman ako na wala akong maging reaksyon tungkol sa stament na yun? Siyempre hindi…..ahehe, pwede namang sabihin na "baka umulan o umaraw bukas, wait nalang kayo at mag abang", at OW-MAHAY-GAHD….malamang MAARAW sa umaga, at MAKULIMLIM sa gabi, ipapaliwanag ko pa ba naman ito?...ahehe huy PAGASA joke lang yun ha, alam ko naman na under equipped kayo at sa ngayon ay nagkukulang pa sa tao,, pero dahil sa isa akong "concerned" na citizen ay may suggestion ako,, mag dodonate ako ng ganito para makatulong naman ako .... eto

hindi hamak na mas mura ito sa doppler radar hehe



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento