mga naligaw ng landas

Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Panatag Pala ha!

"Ipapaliwanag ko pa ba naman ito?"
Isa sa mga isyu na kapuna-puna sa ngayon ay ang nagaganap na patatagan ng mukha sa may Panatag Shoal. Marami ang paliwanag na nagsasabing sa Pilipinas ito at marami ring paliwanag ang sinasabi ng Tsina na sa kanila din ang naturang lugar, pero kahit anu pang usapan ang mangyari, eh sa aking sarilimg opinyon eh mukhang dadaanin tayo malamang sa palakihan ng katawan ng Tsina, kahit anu pang prinsipyo at malamang kahit anu pang tapang nating mga Pilipino at kahit gaano pa kalakas ang ating ebisensya na sa atin ang "Panatag" eh pag pinagusapan ang palakasan ng sandatahan eh siguradong utot lang ang maigaganti natin, kakabahan pa siguro yang mga yan kung may pangtapat tayo na barko na maisasalpak dun sa lugar ng tensyon kaso meron nga tayong barko eh lagi namang umuuwi at nagpapagasolina pa yata at baka tumirik pa dun sa gitna ng karagatan, meron nga tayong mga helicopter pero hindi naman para sa ganung klaseng mga misyon dahil kailangan din ng bayan natin ng pang-rescue pag may kalamidad.. hindi naman sa hinahamak ko ang mga kagamitan at mga armas natin pero sa totoo lang kahit kayo alam nyo naman ang problema hindi ba? kesa ipambili ng mga armas o pandigmang mga sasakyan eh sa mga SUV o mga luxury cars ng mga matataas na opisyal sa militar o sa kung saan pa mang sangay ng gobyerno ito napupunta at kung anu anu pa,  hindi ko lubos maisip na baka mga stealth jet fighter na tumitira pa ng laser beam na ang gamit ng China tapos tayo yung de-elesi pa ang gamit tapos puro tansan pa ang bala natin, masakit pero totoo kaya malamang ba-brasuhin na tayo ng mga yun, ganun lang naman daw talaga ang sistema sa mundo, kakainin ng mga malalakas at malalaking bansa ang mga maliliit at mahihinang bansa na makaka-alitan nito.

2 komento:

  1. Tama ka, kung talagang atin yung panatag shoal dapat may kakayahan din tayong ipagtanggol ito napakalawak nang mundo hindi lahat ng bagay ay hindi nagbabago kung malaman ng ibang bansa na napakahina natin sa sandatahan baka malamang mangyari rin sa atin yung nangyari sa China noong mangyari ang Opium War mamanipulahin tayo ng iba-ibang bansa lalo tayong hihina, lalo tayong mawawalan ng pag-asa.

    TumugonBurahin