mga naligaw ng landas

Lunes, Hunyo 4, 2012

English pa rin wala na ngang makain

"Balinguyngoy dahil nakinig sa matatalinhagang Tagalog (wapak!)"
Minsan natatawa nalang ako sa mga nakikita ko na status updates ng mga tao sa facebook o kung saan saan pang mga sosyalan networking sites na meh paingles ingles pa na halatang pilit na pilit naman, meron din naman talagang mga bihasa sa ingles at magno-nosebleed ka nalang bigla pag nabasa mo mga updates nila, pero di ko talaga maintindihan,,, mahirap ba talagang magsalita ng Filipino o ng dialektong Tagalog? Kayang kaya naman talaga natin magsalita ng sarili nating wika dahil sa abot ng aking naaalala eh yun naman ang ginagamit natin sa pang araw-araw, eh bakit pag dating sa internet eh parang umuurong na yung iba sa atin? dahil ba mas sikat ka o dahil magmumukang mayamanin pag spokening dollars ka o di kaya eh maipapakita na mataas talaga ang pinag-aralan kaya ganun? Pwede namang maging maalam ng Ingles pero wag naman sana na yun na mismo ang salitang isasabuhay at yung sariling wika ang ginagawang panglawang linggwahe. Naiinggit tuloy ako sa ibang lahi, yung mga Amerkano nag aamerkanuhan, yung mga Instik nag Iintsikan, yung mga Indian nag Iindyanan, buti pa nga yung mga baby may sariling pag uusap eh! Ang lumalabas tuloy (lalo na dun sa mga nagpupumilit um-ingles) eh mas ok lang magmukang tanga habang gumagamit ng ibang wika o magpa-ingles ingles dahil ayaw o ikinahihiyang gamitin ang sariling wika dahil nahihiya/baduy/korni/no class ito? Kawawa pala talaga tayo, lalo na yung mga napapanood ko sa telebisyon na may kakapanayamin yung reporter na mga tao sa lansangan tapos ang mga unang linya ng isasagot nung mga iniinterview ay "actually, supposedly, you know, at ang walang kamatayang uuuhmmmm...." walangya talaga, hindi naman tinanong ng ingles pero dinadalihan parin ng ingles, eh tungkol sa esterong barado at tungkol sa pagtawid sa mga bawal na tawiran lang naman yung itinatanong! ewan ko nga bahala na sila sa buhay nila, nakikialam pa kasi ako eh.

Have a nice day ha, and you go dapa dapa face first on the floor ha, echus me, i'm just gonna go ebaks lang ha, ok? olrayt?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento