mga naligaw ng landas

Miyerkules, Abril 11, 2012

sub propesyonal


ako ito.... the day before... ng kahit anong exam
maikwento ko lang, nitong nakaraang linggo ay nagbukas nanaman ang pinto para sa mga katulad kong mangmang at hampaslupang indibidwal na nangangarap makapasa sa Civil Service Examination para maging isang "sub professional" ...para sa mga katulad ko na hindi gumradweyt at maagang tumalandi sa buhay ay ito yung isang uri ng exam na kahit papaano ay makakapagbigay samin ng konting laban at tibay ng mukha para sa pagkaregular sa trabaho (lalo na sa government service)..eh ano nga ba ang pagkakaiba ng subprofessional sa professional? --- (ayoko na palawigin pa dahil magkaiba naman talaga ang dalawa kong nabanggit, yung isa ay may "sub" at yung isa ay wala, aw ang korni) well moving on pancit canton, nag file ako sa kapitolyo ng laguna para sa inaasam asam kong exam na malamang ay ibabagsak ko rin naman, noong nakaraang Martes ng super nakaraang linggo pa (April 3, 2012) at ang last day of filing nito ay noong April 4, 2012, iba talaga ako sa timing, kumbaga sa gyera ay mas gusto ko munang ubos na yung mga kalaban o kaya ay konti nalang bago ako lumabas para mas masaya, mas naging masaya pa nga ito dahil kasama ko ang ilan sa aking mga pinsan at ang natatangi at nag-iisa kong gelpren/asawa, parang ekskarsyon (ipag-paumanhin nyo, mangmang ako kaya hindi ko alam ang ispeling ng Excursion,,*whew.. salamat! google!) lang ang nangyari, medyo late na kami sa filing, kaya minabuti na rin namin na ma-late sa mismong oras ng pag-pa-file, yung tipong nagkakalansingan pa yung mga kutsara nung mga empleyado ng opisina ng civil service dahil pag dating namin dun ay lunch break na nila, minabuti nalang tuloy naming tumambay sa labas ng kapitolyo (andun na rin kasi mismo yung CSC office).....ganun pala talaga pag wala kang magawa at nasa ibang lugar ka, isang oras pa halos ang inintay namin kaya halos lahat ng posibleng pagkaabalahan ay pinagkaabalahan na, may nanigarilyo, may naghanap ng wi-fi spot, may naghanap ng softdrinks, may naghanap ng mais con yelo, pati pagtaya sa lotto eh pinatulan na rin namin, ewwww..24 million jackpot? ... kung anu ano pa siguro ang pagchachagaan naming gawin pero sa kasawiang palad ay pumunta na pala sa ala-una ng hapon ang orasan, dahil dito ay mapipilitan  (ahehe) na kaming magpasa ng aming mga "form" doon sa opisina ng CSC, habang nagbabayad ako ng limang daan para sa eksaminasyon na iyon ay parang may impaktong bumubulong sa akin na "ilang taon ka kayang bubunot ng limang daan para jan sa pagsusulit na yan na hindi mo naman maipapasa EVER?" pero paglingon ko ay wala naman nagsasalita...nung una ay natakot at kinilabutan ako.. ngunit unti-unti ay nainis ako kasi kung nakita ko sana yung nagsasalita eh ang sasabihin ko "kalalaki mong tao eh bakit ka nag e-EVER sa huli ng sinasabi mo?!"...at ayun na nga, natapos na kami ng lahat sa pagbabayad at nakangiti na kami at kumakandirit habang nag-su-sway-sway pa ang mga kamay palabas ng kapitolyo, sabay tanong nung pinsan ko? san ba sakayan pa Sta.Cruz? yun lang.... (nasa Sta. Cruz kaya kami nun....)


nagpawala lang po ako ng antok, salamat sa pagbabasa!

3 komento:

  1. ayusin mo lng exam mo, self review ka. mahirap nga ang CSC exam lalo na ang prof. ni hindi nga umaabot ng 10% ang nakakapasa jan. luckily, nakapass ako ng prof nong 2001 at hindi ko maubos maisip na ako ang top1 that year. tiyaga lang.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. @ka-swak -- waw ser hindi kita ma-reach hehe, sa tibay ng muka ko na nga lang idinadaan yung kaba ko sa pag pass ng exam, sabi ko sa tropa ko waw chiken lang men, 98% malamang ako hehe joke, subpro lang po ang kinuha ko, wla pa kasi ako diploma eh, pero salamat po at ipopost ko parin dito kung nakapasa na ako o kasama sa mga mag te-take ng exam sa October ahehe, salamat at magandang araw :)

      Burahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin