mga naligaw ng landas

Linggo, Mayo 27, 2012

....wala na

tamang tama po ang aking title dahil walang wala na talaga.., wala na talagang sumasagi sa isip ko para maisulat dito sa blog ko sa nakalipas na ilang buwan, kumbaga sa isang halaman eh tuyot na, kumbaga sa ulam eh panis na, kumbaga sa bote ay taob na, at kumbaga sa utak ay nasupsop na ang lahat... well anyway hi-way, sa maniwala po kayo o sa hindi....(singhot..hikbi...tulo ang sipon,... este ang luha........) AY HINDI pa po patay at hindi ko parin po iiwan ang blog na ito (yehey! palakpakan! tambling!),sino pa nga bang sira-ulo ang magtitiyaga dito kundi ako..(ako gumawa nito e,,malamang ako nga) dahil kung tutuusin eh yung mga usaping may kwenta nga at may katuturan eh hindi naman gaanong karami pero ang daming nalalathala eh pano pa kaya yung mga non-sense (waw english) at walang kakwenta kwentang usapin na hindi hamak na napakarami na inihahatid at ibinabahagi po sa inyo at sa buong mundo ng ng inyong napaka cute at napakawalang kenta at walang katuturang lingkod na walang iba kundi....AKO (tantararan!)

eheeeeeeeeem,.... wag po kayo mabibitin dahil puputulin ko po muna hanggang dito ang pang...hmm di ko na mabilang kung pang-ilang "come back" ko na ito pero basta, kahit anu ikekwento ko sa inyo kahit pag utot ng kasama ko sa trabaho ay ibabalita ko sa inyo in "REAL TIME" po at in High Definition pa! ok panu po? katulad ng aking madalas sabihin....Magandang araw po at madapa ka sana! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento