mga naligaw ng landas

Huwebes, Marso 22, 2012

isang balik tanaw sa aking simula

kawawa naman yung gumawa ng image na to, kinalas nya pa yung apat na letrang ito sa keyboard nya para lang makuhanan ng litrato ang salitang BLOG (di nalang isinulat ahehe)

masarap din pala talaga mag blog anu po? akala ko nung una mga intelehenteng tao lang ang kayang gumawa nito kaya siguro natagalan ako bago gumawa ng sarili kong blog (parang kumbinsido lang talaga siguro ako dati na mahina lang talaga ang kuryente na dumadaloy sa utak ko, buti ngayon 110Volts na) hanggang sa dumating ang araw na napansin ko na medyo may pagka mahina pala talaga ako sa pagsasalita kaya naisipan ko na gumawa ng kung anu-anong kwento para mahasa na rin ako kahit papaano,, at dun na nga po nagsimulang dumungaw sa mundong ibabaw ang "kwentokoto" isang blog na nabuo dahil sa mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko (nanghihinayang kasi ako dun sa mga bagay na mga naiisip ko na basta mawawala na lang sa hangin kaya mas ok ito dahil naiitabi ko kahit papano yung mga naisip ko sa pamamagitan ng letra) well anyway shokey,, simula ng nakahiligan ko ito mga ilang taon palang ang nakakalipas ay medyo nahigop na pala talaga ako sa gawaing ito ng hindi ko namamalayan. kwento dito, kwento doon,, wento ako ng wento kahit wala namang wenta ahehe, "di bali na" sabi ko sa sarili ko,(sabay tipa sa keyboard).. naaalala ko pa noon, akala ko habambuhay na girlfriend ko lang ang magiging follower ko eh akalain mo na naging twenty na ito makalipas ang sampung dekada? (ahehe, ok lang, marami na rin naman ang twenty) pero sa totoo lang nakakatuwa talaga ang nakahiligan kong ito, kahit ano kasing maisipan ko ay naibabahagi ko sa lahat ng klase ng mambabasa (reader  yun at hindi "wet-er"), dun sa mga napadaan lang, dun sa mga nagkaroon na gabuhok na interes lang para magbasa, dun din sa mga interesado talaga sa pinagsasa-sabi ko (na lubhang kataka-taka), at yung mga simpleng "stalkers" ko lang talaga (iba na talaga pag-sikat anu? 20 followers ba naman....waw),, medyo nagpapasalamat din ako dun sa mga kahit papaano ay nagtitiyaga pa rin na magbasa dito, kundi dahil sa inyo, eh malamang andito parin ako, hehe biro lang pero sa totoo lang salamat ha....

P.S. --- hindi ko pa po tatanggalin ang "kwentokoto" baka kung anung isipin nyo eh

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento