mga naligaw ng landas

Martes, Marso 13, 2012

Wala Na (hingang malalim)

"oh? laseng na? meme ka na..."
alam ko madalas ako magkuwento tungkol sa mga karanasan ko sa mga inuman,, anu ba ang gusto kong ipahiwatig tungkol sa mga pinagsasasabi ko ngayon? hulaan nyo... ehehe anu pa nga ba? edi magkukwento nanaman ulit ako tungkol doon...hehe di ko na matiis eh... medyo nanibago kasi ako ng konti dun sa ilang tagpo sa inuman na nangyari nitong nakaraang linggo..

madalas kasi pag nagkakainuman sa bahay ko, madalas apat lang kami o kung hindi naman ay tatlo, pero paminsan inaabot naman ng mga sampu hanggang kinseng katao na sa kinalaunan ng gabi o madaling araw ay isa isa ng malalasing at isa isa ng nagiging makukulit (natural yun siyempre, dalawa lang naman ang pwedeng mangyari, yung isa ka na sa mga makukulit at kundi naman eh yung naaasar ka na dun sa makukulit)...siyempre para sa akin ay isang nakakairitang tanawin nanaman po kapag di ako member ng kulitan brigade...

kung narindi ang utak ko sa sampu o labinlimang tao eh hindi naman ako makapaniwala na mas narindi ako sa isang tao lamang (tama po, sa isa lang), di ko alam kung anu ba ang trip nya o anu ba talaga ang gusto nyang gawin sa buhay nya,, pero malamang kami ng mga kaibigan ko eh gusto lamang namin mag inom at malasing (nag inom ka pa kung ayaw mo namang malasing, hindi ba? sana nag tubig ka nalang, healthy pa) ...sa pagpapatuloy ng aking kwento,,, madalas kapag dadating itong tao na ito at nagpaparamdam na sa amin na trip pa niyang uminom ay ganto... "medyo nakarami na kami sa beer nung kaibigan ko, " (na malamang ay sa tingin ko naman ay exaggerated lang,, sigurado akong konti lang yun),,, tapos sasabihin pa .."magwawashing tayo ng konti" (ang tinutukoy nya ay yung iniinom naming brandy, ok lang naman sumali, walang problema yun, sabihin mo lang na tatagay ka at sa kadalasan naman ay nang-aalok talaga kami, eh pero parang mali yung entrada nya sa pakikisali,, kelan naging pangwashing ang brandy? )

minsan may mga inuman na sa umpisa pa lang eh kasali na kagad siya, medyo mag kukwento siya ng konti tungkol sa isang bagay.... tapos pagkatapos ng ilang tagay,,, yun parin yung sinasabi nya, masakit sa ulo kasi paulit ulit lang naman,,, tapos kadalasan din eh nagbubukas ako ng telebisyon kapag nagkakasawaan na sa kwentuhan (na iba-iba at hindi paulit ulit) o kung tapos na ako maglaro sa kompyuter,, kaso naman.... lahat yata ng pinapanood namin, may komento siya katulad ng..."ayan babarilin na yan" (kahit barilian naman talaga yung eksena) ..."nako ni-rape na yung babae" (kahit pare-pareho naman kami ng tinitingnan at pinapanood)... ang masama pa nito eh nagti-trivia pa siya tungkol dun sa mga bida..,.."yang si Rustom Padilla, puro macho-hin ang ganap niyan dati katulad nung sa pelikulang "mistah" etc. blah blah blah, muntik na nga raw malaglag si Robin Padilla sa kinauupuang silya niya nung marinig na ganun na daw si Rustom ngayon..."(ayjuskopo..alam na ng buong Pilipinas yun eh)...kahit pag balita ang natripan kong paglipatan ng channel eh,,wala pa rin,, may nagbabalita na sa TV tapos may sarili pa siyang report bukod dun sa pinapanood namin,,narinig nanamin yung balita pero parang ibinabalita nya lang ulit sa amin,,,

hay buhay.. 

gusto ko lang namang mag inom eh,,

----salamat po sa pagbabasa, hanggang sa muli at magandang araw...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento