"ano kayang season ito?"
kahit malamig hindi parin ako masyado makatulog kasi ihi naman ako ng ihi miya't miya kaya kelangan mo pang gumising at tumayo para magpalit ng shorts dahil basang basa na,, (ikaw naman,, yus yor hed....para umihi sa CR siyempre),, well anyway thursday,, iba naman talaga ang antas ng lamig na nararamdaman ko ngayong summer na to,, yung pag nagbubuhos ka ng tubig sa banyo pag ikaw ay maliligo eh tipong uurong lahat ng pwedeng umurong eh,, yung pag natapatan ka ng bentilador sa madaling araw eh para ka namang makahiyang nasagi at bigla nalang yumuyupyop.. ah ewan,, basta ang mahalaga lang para sa akin eh dahil sa lamig na ito ay nakatipid ako dahil di ko na masyado naiisip ang pag bili ng aircon na isasalpak sa kwarto ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento