mga naligaw ng landas

Huwebes, Pebrero 9, 2012

natatakan sa wakas!

ARAY! este... OUCH pala hehe
iba din talaga dito sa bansa natin pag dating sa pagkilatis ng tao, bakit ko ito nasabi? kasi napapansin ko pag yung mga medyo "nakakatanda" at mga medyo "disente" kuno na mga di naman nalalayo sa edad nating mga teen agers (hehe feeling) na ating mga kababayan ang kapag nakakita sa isang tao na medyo iba ang panlabas na itsura, katulad sa mga taong may tattoo, eh agad agad na nilang sinasabi na marumi, adik, masamang tao, walang class at lahat lahat pa ng mga negatibong salita na pwede mong ibansag sa tao na hinuhusgahan eh sinasabi nila,(ewan ko ba,, dapat wala ng ganun ngayon kasi marami na rin ang meron dito sa Pilipinas, mapasimpleng tao o may kaya, may pinag aralan o wala,, pero parang mas ok siyang tingnan para dun sa mga mahilig pumuna kung ikaw ay sikat o napapanood sa TV...sabagay.. minsan parang hindi parin nga)

gusto ko lang ipaliwanag ng maikli na hindi kasi ok yung ganung klaseng sistema,, alam ko makaluma, pero ito ba ay tama? wala namang pag-aaral na nasasabi na lahat ng nakasanayan o nakagisnan ay tama at hindi lahat ng mali sa paningin mo ay mali na sa iba,

minsan may mga naririnig akong mga tao na pag nakakita ng taong may tattoo ang sasabihin nila,, "kakatakot naman yun parang adik" yung iba nga parang nang aasar lang at sasabihin "waw! di na kelangang magbasa ng diyaryo! ayan o! naglalakad na yung mga balita!" nakakalungkot pag ganitong mga reaksyon ang naririnig ko dahil sa pagkaka alam ko kasama talaga sa ating kasaysayan ang pagkakaroon ng tattoo o marka sa pangangatawan, para tuloy ang lumalabas eh mas swerte pa pala ang mga amerikano o ang mga "puti" dahil wala naman sa kanilang kasaysayan ang pagkakaroon ng tattoo pero sila pa ang may pinaka bukas na isipan tungkol sa bagay ng iyon,,,,hmm siguro nga masyado lang na "brain wash" yung mga lelong ng lelong ng mga lelong natin ng mga kastila at itinatak sa isip nila na may sa demonyo o hindi maganda ang ganito sa katawan, para narin burahin sa mga isipan ng mga tao noon na may sarili silang paraan ng pamumuhay at pamamaraan para mabuhay,.. yun lang, ibang klase pala mang brain wash yung mga kastila noon sa ating mga ninuno at napakalakas ng naging impluwensiya nito sa kasalukuyan dahil grabe kung matahin ng iba ngayon ang akala nilang madumi at kadiri.... na yun pala ay noong nakaraan ay isang parte pala ng pagkatao nila,

oy salamat sa pagbabasa, wag kang mag-alala kung sino ka mang "kyuuuuut na kyuuuut na tao ka" (hehe nambola pa) na nakakabasa ng blog na ito, hindi parin ako mawawala, patay sindi pa ang daloy ng mga ideya sa utak ko,, nag iipon pako ng mga bagay bagay na pwede kong talakayin dito,, wag ka mainip, because somewhere down the road, andun lang ako, may akay-akay na mga bagong ideya habang naglalakad pabalik dito,,, wag mo ko masyado intayin,, 
                                                                                                  lagi naman talaga akong late ,,, hehehehe            


2 komento:

  1. ang paghuhusga ay katambal na ata ng lahat ng mga tae sa mundong ito. marami nyan sa paligid ko. kung pera lang sila, mayaman na ako.

    pero ayun nga. nasa sa atin ito, kung magpapaapekto ba tayo o hahayaan nating silang malunod sa sarili nilang panguhusga.

    ang dami kong sinabi, ang nais ko lang naman ay makit ang tats mo. hehe

    maganda ser, maari ko bang malaman kung sino ang artist mo?

    mgandang gabi

    TumugonBurahin
  2. tama din naman po ang inyong itinuran, agree din ako jan,kaya ang solusyon eh "dedma" nalang hehe

    yung sa tattoo eh ang nag kabit sakin ay si John Henderson Tan,

    yun po,

    salamat sa pag bisita

    TumugonBurahin