mga naligaw ng landas

Huwebes, Enero 12, 2012

boom! pahabol na post para sa nakalipasna nuyir

"waw! ang laki ng paputok! pero bakit naka salamin sa mata?" (ehe ehe ehe)
eto nanaman ako...bakit ngayon lang ako??? bakit hindi ako nagpapaalam at basta nalang ako naglalaho??? mawawala ng matagal tapos kung anu-ano nanaman ang idadahilan ko kung bakit ang tagal ko na namang walang blogpost??? at kung gaano ako ka "sorry" dahil busy ako sa trabaho, at kung anu-ano pa??? eh ako naman kasi eh, bakit ayaw ko bang maglaan ng iskedyul sa paggawa ng mga kaaliw-aliw, kalibang-libang at kaaya-ayang (kaaya-aya?) mga paksa para dito sa napaka-walang kwentang blog na ito??? ako kasing p!@#%^&$#!!@#%^& ako! bakit ayaw kong ayusin ang buhay ko!?

o ayan,, pinagalitan ko na ha,, hehe moving on... kahit medyo lipas na ang panahon ng kapaskuhan at ng bagong-taon, (pwera nalang dun sa isyu sa end of the world hehe) ay nararamdaman parin natin ang simoy ng hangin, bakit ko nasabi? laging urong yung "angry bird" at mga "kwek kwek" ko eh,, malamig po kasi... (humihingi po ako ng paumanhin sa MTRCB dahil sa green joke na aking itinuran,, ngunit ang kyut naman sa tenga diba,, "angry bird" at "kwek kwek") ..dahil nga sa lamig ng panahon at dahil na rin dun sa angry bird at kwek-kwek eh parang may naaalala ako na pinag-aralan namin noon sa "Harvard", pag daw may nalamigan eh nageexpand ang isang bagay at pag nalamigan daw nag didikit  (Harvard? eh bakit taglish? <---sira-ulo) pero bakit ganun?......kahit anung init naman ng panahon eh hindi "yun" nag-eexpand? (yung ano!?) ah ewan,, next topic! (bastus na bata ito...)

tayo ay magbalik tanaw sa nakalipas na bagong taon (yung dun sa mga paputok)... sa totoo lang natawa ako dun sa mga pangalan ng paputok na lumabas nung isang taon,, yung "goodbye philippines",, ahehe,, tapos ngayong taon naman eh yung "goodbye universe" naman? hindi ba dapat "goodbye earth" muna? ah paputok nga pala ang pinaguusapan at hindi "pageant" hehe,,, pero bilib din naman ako sa mga kababayan natin, ambilis mag  upgrade ng paputok, parang yung goodbye philippines pag pinalakas at naging "new and improved" eh ang kalalabasan ay "goodbye universe"... eh kung yung "watusi" kaya eh nag-upgrade din? edi ang magiging pangalan nun "watusi ver. 02"? tapos yung "piccolo" eh magiging "flute"?, yung "Five Star" magiging "Mega Star"? yung "Boga" magiging "Joga"?, yung "Bawang" magiging "Granada"? yung "Super Lolo" magiging "Patay na"? .... ah ewan kahit anu pa yatang ipangalan eh basta malakas ang putok (malakas ang putok? hmm...pag mas malakas ang putok di ba pwedeng term yung "ikaw"? ahehe jokjokjok) eh bibilhin at tatangkilikin parin ng mga "henyo" nating kababayan, sabagay.... mas malakas ang putok mas marami ang matatanggal,. kumbaga sa piccolo eh isang daliri, sa five star naman eh tatlong daliri,....ahehe pero pag may nagtanong sakin ng kung ano ang irerekomenda ko na paputok eh ang ipapayo ko nalang next year dun sa mga mahilig mag paputok eh bumili na lang sila ng goodbye universe...baket? safe kaya yun... walang matatanggal na daliri pero yung ULO nung magpapaputok eh malamang ang tanggal, o diba? walang disgrasya sa daliri pero yung lang,, wala ka nga lang ulo hehe,,

ahem,, aheeeemm,,, (in english *cough *couuuughh)

pero may malaking pagtataka talaga ang nag ta-tumbling sa utak ko pag naiisip ko yung mga insidente ng mga paputok pag bagong taon.... bakit ba bumibili pa ng paputok? kesyo raw para masagana at maganda ang pag salubong sa bagong taon.... eh pano pag naputukan? masagana at maganda parin ba? kesyo raw para masaya?....eh pano pag nakalas yung mga binti at na pisak ang mga mata dahil nasabugan? edi iyak, pighati at pagtitiis sa matinding sakit?  masaya pa rin ba yun? ewan,,, ang weird din talaga ng mga dahilan nating mga magka-kababayan pag dating sa mga pag iisip ng paliwangag para sa mga bagay na ating ginagawa, parang yung mga ganung dahilan eh hawig sa "ayokong mag-payong, mababasa yung payong eh" o kaya, "penge namang jaket, binabanas ako eh" ,,,ah ewan ko,, kaya naging "deadliest new year" itong taon na to eh, dahil din sa mga ka-engotan eh, hindi pa maantay yung "end of the world", malapit na daw ah,, mas malakas yata ang pasabog nun hehe (tok tok,, knock on wood hehe)




3 komento:

  1. baka nxt year gumawa na sila ng Good bye Universe.. hehe!

    TumugonBurahin
  2. @mommy-razz - ahehe sorry po, medyo mali po yung nai-type ko,, (correction) naimbento na po kc yung goodbye universe,, yung goodbye world ang hindi pa,,, (correction) po ulit, yung mga naiinitan ang nag eexpand at yung mga nalalamigan ang umuurong,, sorry po,, masyado po ako excited mag post kaya di ko na na review ahehe

    TumugonBurahin
  3. Ok ah..bgo mag end Of the world need ko ng malakas na paputok ng masabugan ako at my umusbong..,gets?la sa topic naisingit lng:)

    TumugonBurahin