mga naligaw ng landas

Biyernes, Pebrero 10, 2012

isang post na para sa makukulit

huwaw! ang kyuuut kyuut naman nung yosi :)
mahilig ba kayo sa mga bata?

--- teka teka hindi kabastusan tong tanong na ito (hehe) hindi yung tipong ---hmmmm! batang bata! dalhin na yan sa kwarto! (hindi po yung ganun)  ...ang ibig kong sabihin ay yung mga batang nakakagigil sa ka-kyuuutan at yung mga makukulit, yung mga tipong pag tinanong ka at nasagot mo eh puro bakit parin ang itatanong sayo, ahehe ako dati eh medyo may pagka-irita at nakukulitan talaga ako sa mga bata-batuta na yung tipong puputok na ugat ko sa utak dahil sa kulet.... pero nung naglaon at medyo nasanay na ko eh medyo nakatuwaan ko na rin sila,, yung tipong pini-pisil pisil ang pisngi ko habang nakatusok ang kanilang mga kuko dito, yung sundut-sundutin ako ng bolpen na may tinta sa pantalon ko o di kaya ay papahidan ako ng laway nila sa ilong ko eh ok nalang sa akin ngayon, siyempre, ang isang dahilan dito ay ang sa kadahilanang "bata" naman sila, siyempre pinapaalalahanan ko parin yung bata pag ganun ang mga ginagawa,, parang ganto "uy bebi wag na uulitin yun ha, masama yun".. yun nga lang, pagkasabi ko eh susundutin nanaman ako ng bolpen sabay pahid ng laway sa ilong ko haha,,  dapat kasi ay hindi tayo talaga napipikon o nababad-trip dahil malamang eh kahit sino naman sa atin ay dumaan sa pagkabata,, ako nga naaalala ko pa mga kawalang hiyaan ko nun, sisinga ako sa face towel tapos itatapon ko sa tao o sa mga kasama ko sa bahay, minsan pa nga eh nag-iintay ako ng dadaan sa may tapat ng bintana namin (naka-screen kasi kaya hindi ako kita) tapos pasisiritan ko ng tubig mula sa water gun yung mga nadaan ,, tapos isang beses pa nga sa sobrang kakulitan ko na talaga noong maliit pa ko (hehe maliit parin ata ako ngayon) eh humuhukay ako ng lupa dun sa isang parte ng daanan dun sa amin tapos lalagyan ko ng mga dahon at malilit na sanga tapos tatakpan ko ng papel tapos lalagyan ko ng konting lupa para pag may dumaan eh mabubuslot yung paa,, hehe ang kulit anu po? kaya dapat ay maging ma-pasensya tayo dahil hindi naman lahat ng oras ay malilikot at makukulit ang mga chikiting, may mga panahong mababait naman talaga sila at kapag titingnan mo ay parang mga angel na naligaw sa lupa,,pero pag nag transform nanaman sa pagiging mga "tiyanak" at nangulit nanaman at medyo di nyo na kaya eh ganto ang sabihin nyo.....

---PU!@#%!% I!@!!!!!! ASAN BA YUNG SINTURON KO!? ahaha joke lang :)

salamat po sa pagbabasa, magandang araw sa lahat ,,, humayo kayo't magpakarami  :p

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento