mga naligaw ng landas

Huwebes, Pebrero 23, 2012

Natatakan sa Wakas Part II

parang totoo pala yung kasabihan na, "pag nag pa-tattoo ka eh malamang maaadik ka na" umm, ewan kung kaadikan na yung nangyayari sakin dahil pagkatapos ko ng isang session eh parang nakukulangan ako kaya ayun,, nagpalagay narin ako ulit (siguro pag nag-pangatlo pako eh medyo makukumbinsi na ako na malamang  eh adik na nga talaga ako) ..pero ewan ba, siguro dahil na din sa iniisip ko na  "siguro hindi na masakit pag pangalawa na"  pero ahehe,, medyo masakit parin pala.....aray parin ako sa tadyak ng mga nag-aamok at nag-wawalang mga karayom.. ang pakiramdam ko nun eh parang nadoble pa ang sakit kesa dun sa una,,, sabagay kahit anu pang pag balik tanaw sa kirot na nadama ko eh ang mahalaga ay tapos na yun (at looking forward na rin ako sa mga susunod pa ahehe,, patay.... na adik na nga)  eto na nga pala yung kinalabasan ...........................


oo alam ko na medyo hindi naman ganung kalaki ang pinagawa ko,, itinuring ko na rin na dalawang session kasi parehas naman silang tig-limang baybayin script eh, sabagay ok na muna rin siguro ngayon na gantong kalaki muna ang tinta sa katawan ko, kumbaga sa isang pananalita ay "mas malaki ang makikita, mas madaling mahuhuli" ehehehe...

teka...

 maiba ako ng konti, maikwento ko lang, mas madalas kong marinig sa mga kinakausap ko patungkol sa pagpapalagay ng tinta eh ang isa sa karaniwang dahilan daw kaya ayaw pa nilang magpalagay (bukod sa kadahilanan na mapapagalitan ni Inay at ni Itay ay) dahil sa baka daw hindi sila makahanap ng trabaho o baka  daw hindi matanggap sa trabaho,, napag-isip isip ko tuloy..."ganun parin ba hanggang ngayon ang kalakaran?" di pa ba bukas ang isip ng lahat tungkol dito? di ko rin kasi matiyak ang sagot kung ok na ba sa lahat ang pagkakaroon ng tattoo, lalo na dun sa mga tao na mismong tumatanggap sa mga tao para magkaroon ng trabaho,,, pero siguro dahil sa nagpapalit na henerasyon ay malamang eh nababawasan na yung lumang kaisipan na masama ang magkaroon ng tattoo,, na kung meron ka nito ay masama kang tao, o di kaya ay adik o di kaya ay galing ka sa bilibid.... at malamang na resulta ay pagiging tagilid na matanggap sa trabaho,,, pero di na rin siguro nalalayo na maging bukas ang tao sa mga medyo kakaibang mga bagay,, malay natin sa dadating na panahon eh yung mga prinsipal sa school ay may hikaw na sa ilong, yung bossing mo sa trabaho eh may tattoo na sa braso,, di naman siguro masama yun dahil sabi nga,, "wala sa panlabas na itsura kung paano ba umasal, maki-bagay at mag-isip ang isang tao"

--salamat po at magandang araw

2 komento:

  1. nice tattoo pre!
    pero sabi nga masakit magpatattoo pero worth it nman ang result!

    TumugonBurahin
  2. @palkanton --- tama po kayo jan, worth it na worth it,, patattoo ka na rin :D

    TumugonBurahin