mga naligaw ng landas

Biyernes, Setyembre 2, 2011

sabadooo bidooo

" pag tinatamad kang maglaba, imagine mo nalang na ice cream na lang tong larawan na to "
ni-ne-nerbiyos nanaman ako pag sumasapit ang sabado at mapapalingon ako sa aming mumunting marumihan (more or less equivalent sa anim hanggang pitong pa-ikot sa washing machine),, biglang parang may announcer sa utak ko na nagsasabing (leeeetttsss geeettt reaady to ruuuummmbblllleee!!) sabay isang matinding katahimikan..... sabay bigkas ko ng "oh my gaaahhhd,,, labadami mode na"... di naman ako nag rereklamo, masarap lang magpahilahilata kahit sabado, sabay iintayin mo na dumating mga tropa mo at mag-iinom na lang kayo,,, pero sabagay ok din naman ang maglaba, kahit papano eh namamaster mo ang isang discipline hindi ito "martial arts" ang tawag ko dito ay "marital arts" hehe,, kung may mabuting magagawa ang paglalaba sa ating buhay eh ito ay daan para mapaligaya natin ang ating gelpren o kaya ay mga asawa,, este asawa lang pala, para makita nila na kahit mga macho gwapito tayo eh maalam parin tayong magbigay ng tulong sa kanila kahit sa larangan ng paglalaba,,, eto pa isa,,, ang lakas kaya ng dating sa mga babae pag nakikita nilang ipinaglalaba sila,, dagdag pogi points kaya yun,, kaya ikaw... kung "paaahnggeeet" ka, eh umpisahan mo ng maglaba,, ako kasi kaya ako naglalaba eh nagdadagdag lang ako ng pogi points,, haha joke lang po,,, oh hanggang dito nalang muna ako at gulagulanit na yata yung damit na iniwiwan ko sa washing machine namen, mag dadalawang oras na yatang umiikot yun,, hehe... salamat at magandang araw,

2 komento:

  1. kay inam, masipag.. sana lahat ng lalaki ay tulad mo. naks

    TumugonBurahin
  2. @nene --- kahit sinong lalake pa yan,, turuan naman kaming lahat eh (ginawang aso eh hehe),., tsalamat sa pagbabasa :)

    TumugonBurahin