mga naligaw ng landas

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

pano kung wala sila?

"Paano na ang milyun-milyong mga pwet kung wala ka?"

may mga "simple things" sa ingles, "simpleng bagay" sa tagalog o "simpreng bagay" sa japanese ang mga hindi natin pinapansin pero napaka importante pala sa atin,,, mga bagay na parte ng ating buhay,, ng ating pagkilos, mga tao sa paligid at mga bagay na nandiyan lang na hindi natin masyadong napapansin ang importansya pero paano na kaya ang buhay kung wala ang mga ito o sila....

Paghinga - ang paghinga ay isang paraan para ikaw ay mabuhay (ang engot naman ng di mkaintindi nito) paano na kung hindi ka humihinga? malamang wala ka dito ngayon at binabasa ang post kong ito,, kaya dapat thankful ka ahehe

Orasan - malamang may mga piloso na magsasabi sa akin na "eh ano kung hindi naimbento ang orasan? pwede namang gumawa ng "Sun Dial" o kaya eh pwede naman tumingin sa kalangitan"... eto lang masasabi ko... subukan mong maglagay ng sun dial sa gabi,, at tingnan ko kung machambahan mo ang oras simula alas nuwebe ng gabi hanggang alas tres ng umaga,, o di naman kaya ay na trap ka sa isang gumuhong gusali o kaya kuweba na walang liwanag na pumapasok kahit saan ka tumingin,, batuhin kita jan ng Rolex eh ehehe jokjok

Ina - tingnan ko lang kung magawa kang mag-isa ng nanay mo..

Ama - tingnan ko lang kung magawa kang mag isa ng tatay mo,, kung sa iba yan gagawin ng mga erpats natin eh hindi tayo ang mga naging anak ng bawat magulang natin,, tapos nagkataong tayo pa yung mga "weakest sperm" ng panahon na iyon, nakow na lintikan na...

Toothpaste - salamat sa toothpaste, dahil sa kanila ay hindi nagiging kadiri ang mundo pag naghahalikan ang mga tao pwera na lang kung ganto ang bunganga mo  
                                                                                -------------------->
                                                                         
sabi nga doon sa commercial "no toothdecay" sabi ko naman sa image na to.. "langya,,, konte lang ang toothdecay kasi konti nalang ngipin hekhek"

pasensya na dun sa taong ito,,, natutuwa lang talaga ako sa picture nya dahil mukang kahit anung problema eh kaya nyang mag "smile"... :)


Padlock - sige try mong lumabas ng bahay tapos walang kandado bahay mo,, lagyan mo nalang ng karatula ang bahay mo na "Steal All You Can"...

Utot - eto wala ng pagtatalunan dito,,, buti merong "utot" kung walang utot... isipin mo nalang...ang panget naman siguro kung sa bunganga mo lalabas yung mabahong (same as jerbacks) na amoy.. ew...

Posporo at lighter -  napakasaklap pag nawala ang dalawang ito,,, kung nagyoyosi kayo eh sasang ayon kayo sakin... bakit po? try mong magpaningas na parang doon sa TV show na survivor.. kada magyoyosi ka makikiskis ka pa ng kung anu ano makasindi ka lang,, tapos may mga pilosopo jan eh sasabihing "eh may LPG naman at kidlat,, nakakagawa din naman ng apoy ang mga yun eh!" ....eto lang masasabi ko,,, try mong ilagay sa bulsa mo ang LPG pag aalis ka ng bahay ha,, yung 11kgs. ha.. yung sa kidlat naman sige suminde ka sa kidlat, kasama ka sa magiging upos, ahehe,,kung ang sasabihin naman eh "edi intayin tumama ang kidlat sa puno para mag karoon ng apoy".... tulo na laway mo di ka pa nakaka sindi.. ehehe

Ka-trabaho - Sige subukan mong maging boss, janitor, messenger, encoder at officer ng kung anu-ano pa, tingnan ko kung di ka umayaw sa kumpanya mo na malamang eh ikaw lang din mag isa ang nagtayo


Daliri at Kuko - wala ng mas sasarap pa sa pangungulangot gamit ang daliri at ispesyali yung meron kang konting kuko na naka usli sa dulo ng iyong mga daliri (san pa nga ba uusli ang kuko?hehe) try mong mangulangot gamit ang kamao, braso, kutchara o di kaya sandok... masa-satisfy ka ba ng ganun? pwera nalang kung ga-kweba ang ilong mo at kakasya ang mga nabanggit ko...

Pag-Hikab - isipin mo nalang..."anu kaya kung hindi tayo nahikab"? kunwari ang pag-hikab natin ay napaltan ng, ....Dighay.... paano kung pag-dighay ang naging ekspresyon o paraan pag tayo ay inaantok... parang ganto....
"BURP! nakakaanotok naammaaaan BURP!.....zzzzzz."      di ba ampanget?

Sabong Pampaligo - salamat at sa palagian ay meron tayong mabibiling sabon para sa ating paliligo...kung sasabihin nyo naman na.."may shampoo naman diba? pwede rin naman yun gamitin para ipang-sabon sa katawan"  ...pero ewan ko lang din,, oo pwede nga yun,, pero,,, ayoko namang mapansin ako ng iba na mabango ako pero ganto naman ang sasabihin sayo... "waw ambango mo naman ngayon,, anti-dandruff ba yan?", "waw ambango mo naman, with milk extract ba ang ginamit mo"? ahehe

kung may naiisip po kayo na mga bagay o tao na hindi natin masyadong iniintindi dahil nga sa pagiging "available" nito kahit anong oras eh pwede po kayong maglagay sa koment seksyon,,kung gusto nyo lang,,,,baka lang naman,,, baka sakali lang naman,, alam ko may mga silent readers dito, paramdam naman kayo harmless naman ako,, o kaya mag register kayo sa followers ko para makita ko naman kayo,,, salamat po sa inyong pagchachaga sa pag babasa ng blog ko,,

o pano po?,, hanggang sa susunod nalang, magandang araw at madapa ka sana

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento