mga naligaw ng landas

Biyernes, Setyembre 9, 2011

mabilis na balik-tanaw sa kabataan

"haaaay,, ang sarap alalahanin ng nakaraan,, makikipaglaro sa mga kalaro kahit na tulo ang sipon, na hindi pa naliligo, na hindi pa kumakain kahit galit na ang magulang sa katatawag para kumain na, na magtatakbo ng butas ang short at walang brip na kahit pa-kale-kalmebang ang pototoy at ang betlogs ay tuloy parin sa pag lalaro,,,,"

naalala nyo pa ba yung mga naging karanasan nyo nung bata pa kayo? yung mga asaran, mga kalokohan at kung anu anu pa,,, bigla kasing pumasok sa isip ko yung mga isinisigaw namin nung mga kalaro ko nung mga bata pa kami (yung salita na "bata" nalang po at hindi yung "maliit" ang ginamit ko,, mukang di naman ako lumaki eh)..kasi yung isa habang natakbo at nauuna eh biglang sisigaw ng... "Mahuli may tae sa puwet!!!" sabay sasagot yung isa na medyo nahuhuli sa takbuhan ng..."Maniwala Tanga!" hehe oo kahit bata pa kami ng mga kalaro ko noon ay puro walangya na kami nun (wasak ang sinabi ni Rizal na "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan,,sorry kuya pepe) uso na ang mga salitang pang-asar na tanga, bobo, gago, engot, at kung anu anu pang pang-alipustang mga salita kahit kamiy mga bata pa,, pero iwas kami sa salitang "putang ina" noon,, masama daw kasi yun eh,,, kaya hindi namin yun sinasabi,,, anyway gateway (hehe pasama ng pasama ang "magkasing tunog" ng "anyway" ko ah) eh yung mga laro ba naalala nyo pa? halimbawa ay yung larong moro-moro,, ewan ko kung may iba pang katawagan sa larong iyon sa ibang lugar.., ganto kasi yung larong moro-moro, yung parang mataya taya tapos pag nataya ka eh magiging bihag ka nung kabilang team tapos kelangan sagipin yung na-taya na kakampi, kung hindi at nataya na kayong lahat ay syempre eh kayo yung talo, at syempre kailangan ding bumawi sa dami ng bihag para kayo naman ang manalo.. (parang ubusan ng lahi ang dating anu po?),, yung isa naman ay yung "Langit Lupa",,, may kanta pa yun eh,,, panu nga ba yun?.. ganto yata,,,, (*sings---langit lupa impyerno, im-im-impyerno,..san ka ba-babaaaa sa lupa.. san ka aakyaaaaat sa langit, a-boom aboom- aliissss!",) di ko alam kung yun talaga yung eksatong mga salita pero watdahel,,, anyway kabutey .. ganto yan... parang magpapahabol lang kayo dun sa kaawa awang "taya".., tapos may patakaran dito na hindi ka ma-tataya kapag tumungtong ka sa kahit na anong bagay na mas mataas kaysa sa level lang ng lupa,,, naalala ko nga noon parang nagdala ako ng isang lata (walang laman siyempre... duh?) na "meat loaf",, dala dala ko yung latang yun para pag tatayain na ko nung nanghahabol eh tutungtungan ko lang yung lata na dala-dala ko, o diba? parang may "immunity" na rin ako nun (madaya lang talaga)....moving on kariton....meron pang ibang laro eh yung kung tawagin namin sa lugar namin ay "Finsih" napaka simple lang ng larong ito, meron ka lang dapat isang pares ng tsinelas at good to go ka na,,,,, ang paglalaro nito ay simple lang din,,,, nakalagay sa isang hilera ang mga tsinelas at halinghinan ang bawat isa sa mga manlalaro sa pag palo sa mga tsinelas (parang tatching),, kung sino ang mahuli sa finish line sa pagpalo ng kanyang sariling tsinelas ay makakatikim ng lumalagapak na hampas sa kamay (may "padding" naman,,, yung tsinelas na ginamit na panlaro nung natalo ay ang gagamtin na pang protekta sa kamay para hindi naman mawasak yung kamay pag pinapalo na...)..... Marami pa ang mga laro na naaalala ko na naging bahagi din nung bata pa ako,, katulad nung all-time favorite na tagu-taguan, yung simpleng mataya-taya, patintero, luksong tinik, luksong baka,,,um,, inihaw na isda,,, sinigang na baboy,, adobong manok....? teka napapahalo na sa mga halimbawa ko ang mga pagkain,, maka-tigil na nga muna pansamantala sa pagkukwento...gutom lang siguro to....


isa po ito sa mga entry ko para sa pa-contest ni gillboard 
--------------------------------------------------------

10 komento:

  1. salamat sa pagdaan sa blog ko.

    di ko mahanap ang follow me widget mo para ma follow kita...

    wala ka ring chatbox para makapagmessage sayo...

    TumugonBurahin
  2. yung follow me thingy po ay nasa baba po ng blog, follow nyo na po ako :) thanks po

    TumugonBurahin
  3. hello po.. magandang istorya mga post mo.

    TumugonBurahin
  4. @mikexplorer, salamat brad, read lang kayo palagi, salamat ulet

    TumugonBurahin
  5. masarap maging bata.. puro laro na lang

    TumugonBurahin
  6. @mommy-razz , tama po kayo, ganyan po talaga buhay naming mga "bata" hehe

    TumugonBurahin
  7. ganda ng mga sounds trip m sa blog at ang sarap tlga blikan un pagiging bata... same tayo frustrated musician din ako tpos one na kick out pa sa pinasukan universidad

    TumugonBurahin
  8. @palakanton --salamat po sir at nutuwa kayo sa mga tunog ko,, anyway pag balik tanaw nalang talaga ang magagawa natin tungkol sa ating kabataan kasi di na tayo makakabalik dun kahit kelan (pwera na lang pag nag 2nd childhood na tau hehehe)

    salamat po sa pag dalaw,

    TumugonBurahin
  9. Napadpad ako dito dahil sa Makina ni Monik blog, sa mga sandaling sulyap at pagbabasa nakakatuwa ang blog mo.

    Nung bata ako hindi ako yung basta-basta nakikipaglaro sa mga ibang bata, may pagkamahiyain kasi ako mas pinipili kong mapag-isa.

    Nether less ipag-patuloy mo lang ang pagsulat sa blog mo :)

    TumugonBurahin
  10. @Sen --- salamat naman po at natutuwa ka sa blog ko, susubukan ko pang gumawa ng mas mga nakaktuwang mga post kaya lagi ka rin magbasa dito.. salamat ulit.

    yung tungkol naman sa pagka-bata... siguro kaniya kaniya lang talagang trip yan,... nagkataon nalang siguro na nung bata ka pa dati eh yun ang naging trip mo..

    salamat at magandang araw

    TumugonBurahin