mga naligaw ng landas

Lunes, Setyembre 12, 2011

teki teki?


"panis ang lahat ng cellphone nyo sa video-call ng camera ko nyahaha"

mabilis talaga ang pag usad ng teknolohiya sa panahong ito,, biruin mo... naimbento na ang "telegrama" ahehe biro lang po, sobrang luma na po kaya ng telegrama, it's so 1950's... basta ako ang alam ko sikat ako ngayon sa lugar namin kasi may bago akong Nokia 3210,, anyway kokey... sa sobra nga po'ng tindi ng teknolohiya ngayon ay buwan buwan ay nagpapalit ng pangalan ng model ang mga unit ng isang kilalang "brand" ng kompyuter,, di ko na papangalanan baka mai-habla pa ako nyehehe, parang ganto yun kunwari ang pangalan nung model nung isang desktop pc ay x1000,, sa isang buwan x1001 na ang pangalan nun,, nadagdagan lang siguro ng kapraso kung saan mang specs,,eh tumaas na agad ang presyo... syempre pag ganun ay magiging bagong release na pangalan edi magiging "brand new" na unit kumbaga,,, matindi na nga ang teknolohiya, pero mukang mas "tumitindi" ang mga tao ehehe,, maiba ako ng eksampol katulad sa mga kagalang galang nating mga "Bosorero"...yes bosorero po at hindi basurero, sa spelling lang po medyo nagkapareho at sa pag-bigkas pero mas may dangal po na hindi hamak ang mga basurero... kaya ko rin po ito nasabi ay sumasabay na rin po sila sa teknolohiya,, dati po kasi ay sa mga butas na maliliit lang po sila nakatingin pero ngayon po iba na,, sa monitor na ng mga PC nila or yung iba sa mga LCD ng mga cellphone nila,, o diba haytek? Hindi naman po palagi na naba-badtrip ako sa mga panget na pamamaraan ng mga tao sa pag gamit ng teknolohiya,, minsan naaasar naman ako dun sa mismong teknologi... bakit po? kasi nung mababa ang "pixel" nung camera ko (cellphone cam po kasi) sabi ko sa sarili ko pag picture ko sarili ko "huwaw, ang kyuuuut,,,,kyuuuut,,,ko talaga),,eh biglang naglabasan itong mga digital camera na ang pinakamababa na ay 3megapixels tapos tinesting ko sa sarili ko,,,pagkakuka ko ng litrato sa sarili ko ay eto naman ang nasabi ko ("ooow may gahhhd, bakit pa ko nabuhay") ahehe. sumasagi nga sa isip ko minsan,, hmm, kung wala sigurong teknologi na malulupet eh walang mga tamad na tao,, yung tipong katulad ng mga "sosyal" at "mayayaman" nating mga kababayan na magbabayad lang ng kung anu-anong bills eh ang gusto pa ay "tru-da-internet" pa,, kahit isang kanto lang naman ang layo nung mga bayad centers sa bahay nila,, katulad din nung mga tao na, tatawagin lang sa may kapitbahay yung kailangan nilang tawagin eh magtetext pa, sigaw nga lang pwede na yun eh,, at katulad nung mga adik sa porn, hilig manood sa kompyuter eh marami namang "beer house" hehe jokjok,, mas ok siguro na "physically fit" tau tapos super pa tayo sa pagka "techy"... katulad ko po... naka Nokia 3210 ako tapos may isang malaking muscle ako sa tiyan,, ahehe

salamat po sa pagbabasa at hanggang sa muli, akoy mag babalik pa po, dahil ako po kasi yung awtor nitong blog, salamat po at madapa po kayu sana :)

2 komento:

  1. pre sobra tlga bilis ng usad ng panahon un techie gadget mo 1-2 months lang mejo old skul na

    TumugonBurahin
  2. @palakatnon ---tama ka jan,, kaya nga ang ginagawa ng karamihan sa mga consumers ay nag iintay ng ilang buwan o kaya ay taon tapos doon sila bibili pag nag mura na,, yun nga lang, medyo late ka sa uso (na sa tingin ko ay wala namang katuturan)

    salamat sa pag bisita at magandang araw po

    TumugonBurahin