mga naligaw ng landas

Biyernes, Setyembre 23, 2011

eksampol ng mga ewan

"WALA AKONG MASABI"


marami talagang mga bagay na sadyang di na kelangang gawin, punahin at pekailaman pero ginagawa, pinupuna at pinakealaman parin natin (dahil siguro sa pagiging "predictable" ng mga mangyayari at pagiging paulit ulit ng mga nagaganap)... masakit sabihin pero sa tingin ko... at malamang ay parehas din kayo ng iniisip na "ganyan lang talaga tayong mga Pilipino"

- pag puna sa mga bagay na "obvious" naman

 eksampol:
--- "kadiri naka-apak ka ng tae, am-baho nan..."
--- "wag mo ng kainin yang panis, sira na yan eh"

- pangengealam sa buhay ng may buhay na parang buhay nila iyon pero hindi naman

eksampol:
--- "napaka pakelamero talaga nung pamilyang iyon"
--- "alam mo kung ako sayo, di na ako makikipag balikan doon"

- (eto medyo klasik na) may mag tatanong pero kakaiba yung isasagot nung mga tinatanong
 
eksampol:
--- Nagtatanong: Kain ka....   Tinatanong: Sige, busog pa
     Nagtatanong: San ka pupunta?   Tinatanong: Babalik din ako mamaya
     Nagtatanong: Anong oras ka nakabalik?   Tinatanong: Saglit lang kami doon 

- ang pag sang ayon sa isang tao pag kausap tapos pag iba na ang kausap ay hindi na sumasang ayon

  eksampol:
 --- ikaw: nakow ambobo talaga nung si victor ortiz,, nag sorry sorry pa kasi siya kay mayweather kaya natalo siya eh"
      si ano: oo nga pare, kung ginamit nya utak nya ay hindi ganun ang mangyayari sa kanya (umalis si "ikaw" at dumating "siya")
      siya: ok lang siguro na natalo si victor ortiz,, napaka tindi ng pinakita niyang sportsmanship
      si ano: oo nga pare, kahit natalo siya eh napakita nya na isa siyang tunay na lalake at maginoo

- ang pag alipusta sa mga panget pero panget din naman pala

eksampol:
--- Boy Pimpols: "nakakatawa talaga muka nung kaklase ko,,, baku-bako,,, parang si "jose" ng eat bulaga
--- Petrang Maitim:  "grabe yung nakasabay ko sa jip kanina,, ang itim eh! mata at ngipin nalang ang kita!
--- Selyang Taba:  "Grabe ang taba nya, bakit kaya hindi siya mag diet"? (sabay kagat sa potato chips)

 - ang pagiging magugulatin sa mga pinoy horror movies 

   eksampol:
--- chick-na-magugulatin:  ayan na.....mya mya biglang dudungaw yan sa may bintana...(kaba),,(toog....toog...)
(sabay dungaw nung aswang) 
--- chicknamagugulatin: eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeek!

 - ang mga dahilan natin sa mga teachers kung bakit ba ayaw nating pumasok sa iskul

   eksampol:
---  family matters po
(at ang pinaka klasik na dahilan...)
--- may sakit po ako

 - pati sa pagsakay sa jip meron din

   eksampol:
 --- driver: o sakay na! dalawa pa yan, kaliwa't kanan...
 --- mayaman-na-sumasakay-ng-jip:   hindi po, hindi po, (sabay bulong ng: yoko nga dun ang sikip sikip)

 - pagiging malilimutin pag bayaran na ng utang

   eksampol:
--- meh-utang: oy pre musta na tagal nating di nagkita, minsan punta ako sa inyo inuman tayo ha, cge...
--- ako: what da?

 - mga sinasabi natin pag may nababalitaan tayo na may bagyong parating

   eksampol:
--- "anung signal kaya yun? sana walang pasok"
---"kakainis na low pressure area naman yan,,, kelan ba magiging bagyo yun"
     (eto pina grabe)
---"maihanda na nga goggles at swimming trunks ko.. may baha daw sa may kanto"

 - pag may bagong gelpren: "i love you"

 - pag may bago ulit na gelpren na kasabay nung isang gelpren: "i love you too"

 - pag nagka bistuhan na: "if you really love me you must set me free"

 - pag may birthday:  (hindi happy birthday ang sinasabi) inuman na! 
                                
 - pag may ikakasal: (hindi muna itatanong kung sino ang ikakasal) anong handa? saan ang reception?

 - pag may binyagan: magkano kaya ang pakimkim?

 - pag may kasiyahan: may chicks ba dun?

 at ang pinakahuli:

pag may namatay: (hindi tinatanong kung anong nangyari sa namatay) may saklaan ba?


------------------medyo matagal nga pala po ulit akong nawala,, ang dami ko pa po kasing trabaho tinapos,,, regular na ulit po ako mag papaskil ng mga post dito sa aking blog,, salamat po sa matiyagang pag iintay sakin,,, salamat po at madapa po kayo sana :)

4 (na) komento:

  1. Hmp! dahil sayo nada- na tapilok ako at tumapon ang nagbabagang mainit na tsaa sa talampakan ko!

    Welcome back! :)

    TumugonBurahin
  2. @harvey ---salamat po sa pagbati,, at salamat sa pagbabasa

    TumugonBurahin
  3. ginagamit ko rin yang family matters po dati for excuses. un pala ang family matters ko ay may birthday or may outing pala hehehe

    TumugonBurahin
  4. @Ka-Swak ---hehe ganun po talaga yun,, kahit family matters or may sakit pa ang reason kung bakit umabsent eh malamang iba pa rin talaga sa katotohanan :) salamat sa pagbisita :)

    TumugonBurahin