mga naligaw ng landas

Linggo, Hulyo 17, 2011

new hairstyle ko

napasubo yata ako nitong nakaraang gabi,, nag iinuman kasi kami ng mga oras ng yun tapos naisipan kong magpagupit ng buhok, napag iisip-isip ko na rin naman yun nung mga nakaraang araw,,, pero siyempre eh kasalukuyan kaming nag iinom nun,,, ng biglang may nagsalita sa utak ko na  ""ako ang iyong kunsensya-sya-sya-sya... magpagupit ka na..-na-na-na"" dahil may kunsensya akong tao eh pinakinggan ko yung nag sasalita sa utak ko,, di ko na na-alintana kung anghel ba yun o demonyo.... sabay nag tanong ako sa gelpren ko... "hmmm anu kaya ang magandang gupit na babagay sa'kin?" sinagot ako ng gelpren ko.."hahanap ako sa internet,, tingin tayo ng kung ano ang babagay sayo"......sa madaling salita,, nakahanap kami at eto ang nakita namen...
kamukang kamuka ko ito.... ayaw nyo maniwala?  ok whatever hehe
medyo ok naman yung hairstyle na napag pilian namin ng gelpren ko,, yun nga lang sana pati yung muka nung lalake sa  picture eh humawa na rin sa muka ko habang ginugupitan ako, anyway oneway,, edi naging ready na nga ako para magupitan,, pinatawag ko dun sa kaibigan ko yung kapitbahay naming hairstylist na kasalukuyang nagluluto ng hapunan (oo tama gabi na yun pero go parin ako hehe) ...mga ilang saglit pa dumating na yung maggugupit sakin,,,, tapos pinakita namin yung picture na nakuha namin sa internet,,, "ok kuya kayang kaya ko yan" sabi nung manggugupit,,, tapos isinalang nako at pinagtatabas na ang buhok ko,, (medyo hanggang ilalim na ng batok yung buhok ko sa likod ko,,, layered yung dati kong gupit eh.. gets mo?) ...pagkalipas ng ilang minuto,, parang mag iisang oras nga yung itinagal ng gupitan.... tiningnan nung gelpren ko yung buhok ko,,, (ako kasi di ko agad tinignan para may suspense) "waw ampogi naman ng asawa ko" ...yun ang sabi nya,,, naisip ko... totoo kaya?...tapos tumingin ako sa salamin,,,, at ito ang nakita ko....
it's the new me! thumbs up everybody! bwahaha!
.........na shock ako sa nakita ko..... parang malayo yung itsura ko dun sa picture na kinuha namin sa internet ah.... at least napatunayan ko,,,,, love na love talaga ako ng gelpren ko ahehe.....


isa po ito sa mga entry ko para sa pa-contest ni gillboard 
--------------------------------------------------------

4 (na) komento:

  1. uy di nmn ganan kinalabasan ng itsura mo..malayong malayo sa pix na yan...ahahhahhha..tawa ako sa pix na nkuha mo..ang swanget nan...

    TumugonBurahin
  2. ahahaha,,,, kamuka ko talaga yung last pic,, alam mu yun hehe

    TumugonBurahin
  3. nyahahhha...malayong malayo noh..alam mo din yun:)

    TumugonBurahin