mga naligaw ng landas

Biyernes, Hulyo 15, 2011

musika at pera

 tuyot na tuyot ang aking patubuan ng buhok nitong nakaraan isang linggo,, sukat akalain mo ba naman na walang pumapasok na ideya para sa isang bagong post dito sa kukote kong walang laman (kung maraming laman ang utak mo,,, hala matakot ka na... wala ng ibang papasok jan hehe)

ahem,, ahem... sisimulan ko nalang itong usapang ito sa ganto.... kahapon kasi pauwi na ako ng bahay,,  ang dami kong mga naririnig na tunog o musika...habang naglalakad ako eh may sira-ulong kumakanta...nung medyo lumampas ako,,,, napansin ko na 'di pala siya sira ulo,, makapal lang pala talaga ang muka... napagpasyahan ko tuloy na sisimulan ko itong post na ito na may patungkol sa musika
"parang ganto yung sinasabi kong sira-ulo hehe"

  napaisip 2loy ako,,,, teka teka.... may pagkakakilanlan pa ba tayo sa ganung bagay? yung mga hiphop gustong maging rapper, ginagaya yung mga damit, kilos at pananalita ng mga African-American,, pero wag ka,, meron akong nakikita mga gumagamit ng pulbos sa muka, ahehe alam nyo na siguro ibig kong sabihin (gustong maging rapper ayaw namang umitim),,,yung iba tuwang tuwa dun sa mga tunog sa mga bar.(yung toogs! toogs! toogs) na yung tipong pag nakainom na ng marami ang isang babae eh magtatanggal na ng damit habang na-partey-partey... yung iba naman gustong maging rockstar na yung iba eh mga muka namang katutubo pero nagpupumilit na maging kamuka nung mga amerkano o briton na idol nila,,, ahehe,,, ako kasi napagdaanan ko na rin lahat yan,, nahilig na rin ako sa iba't ibang klaseng musika kaya naitanong ko sa sarili ko na "anu ba tayo pag dating sa music?" siguro di narin naman masasagot iyang tanong na yan dahil lahat ng Pilipino music ay may bahid na ng Amerika, meron na nga rin impluwensya ang Japan at Korea......Ano ba ang solusyon dito para medyo maging "Pilipino" ang style? pano ba tayo mag kakaroon ng tatak?....

                         kumanta ng kudiman habang nagti-tinikling...tapos naka-bahag,,, ayun ahehe.

anyway kamatsile,... moving on.... kundi nyo po maitatanong eh nag swelduhan po kahapon,, kaya mag she-share narin ako ng mga konteng katangahan ko nung mga oras na yun....

pag kakuhang pag kakuha ko nung sahod ko kahapon eh nangangatal na kong umawas sa trabaho,,, nakaugalian ko na kasi na ibili ng pasalubong ang akin gelpren pag ganung klaseng araw,,,, nag go-grocery narin ako para isang lakad na lang,,, isang beses kasi nag grocery ako tapos 600pesos ang nagastos ko,, medyo malaki yung kahon na pinag lagyan nung ipinamili ko, naisip ko tuloy "waw,, sulit ang 600pesos ko,,, dami ko napamili",,, tapos nung namili nga ako kahapon lang,,, sa medyo maliit na kahon inilagay yung mga pinamili ko,,, medyo na patigil ako at parang nag-init ang ulo ko..gusto ko sana mag reklamo eh,, kasi pakiramdam ko nadaya ako,,, mas masarap sa pakiramdam pag malaking kahon ang ginagamit kasi kunwari ang dami kong napamili,, parang nadaya tuloy ako dahil sa maliit na kahon nilagay yung pinamili ko eh! naaalala ko tuloy na 600 pesos lang ang ginastos ko....

              pano po? next time nalang ako babawi ng mas mahaba-habang kwento,,, mag titimpla pa ko ng kape dahil medyo hilo-hilo pa ko dahil nga swelduhan kahapon siyempre may kasamang inuman yun... sige mga pre salamat sa pag aaksaya nyo ng oras para basahin ang blog ko. katulad nga nung matagal ko ng naiisip na sabihin pag may napuntang mga bisita sa opisina "thank you mam, thank you sir, go to hell :)" *may smiling face pa yun haha




         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento