mga naligaw ng landas

Huwebes, Hulyo 21, 2011

late nanaman ako (ANUNG BAGO DUN?)

"parang kelangan ko mag strap ng ganto sa damit ko hehe"

yung title na nitong post ko na to ang makakapagsabi  sa inyo kung anung klase akong tao pag dating sa sa pagiging punctual o pagiging "on-time", sabagay... elementary palang ako lagi narin naman akong late sa pagpasok sa iskwela noon,,, magpapatambling tambling pa muna kasi ako sa kama, manonood muna ng konteng cartoons sa high-tech na beta-max namin noon ehehe o  di kaya magkukunwari pa ako na may sakit (baka makalusot sa ermats ko, malay mo maniwala sakin edi hindi ako papasok nun syempre) bago ako makapag ayos ng sarili ko para pumasok... nung nag highschool naman ako eh naglalakad pa lang ako papuntang iskwelahan namin eh makakasalubong ko na agad yung mga bulakbol kong kaklase na yaya-yain ako mag lakwatsa, mambabae at mag inom kung saan saan, ni hindi man lang ako pina-abot sa gate ng iskul hehe ... kung maka pasok man ako eh second or third subject na ako nakakadating sa ikswela medyo amoy alak at sigarilyo pa kadalasan,,,, nung nag-college naman ako eh halos di na ko makilala nung mga kaklase ko sa mga early subjects ko kasi bihira nga lang ako makita, panu ba naman ay  magdamag din ang inom, gimik at kung anu-ano pang kalokohan. siguro nga nakasanayan na ng katawan ko ang pagiging "late" ko palagi sa kahit saang bagay,, (na mas ok pag kasama ko ang gelpren ko kasi di ako nag "e-early ejaculation" bwahaha joke!) kadalasan kasi yung mga pinakasimpleng bagay lang na dapat ay maaga ako eh di ko pa nagagawa,... ngayon naman na nag karoon na ko ng trabaho ganun parin ako,, lagi nga ako napapatawag at nasesermonan ng Division Chief namin dahil sa pagiging late ko sa pagpasok sa opis kaya tenk you tenk you nalang ako kay lord dahil hindi pa naman niya ako tine-terminate pagkatapos ng isang katutak na warning,,.... o? anu ang moral lesson nitong kwento ko?

  - "masaaraaaaaaaaaaaaaaap ang maglakwatsa at mag-inom"
               
  - "panget ang maging late... pero ok yun pag pag nag-lalambuchingan kayo ng gelpren mo,,
      para di ka naman nakakahiya dahil maaga ka laging natatapos"

  - "wag makining sa akin dahil mawawasak ang buhay mo"

  - "makinig ka sakin kung gusto mong mag karoon ng kulay ang walang kwenta mong buhay"
      (hehe joke lang po pis pis pis)

  - "ihiwalay ang puti sa de-kolor"

  - "wag pabayaang naka bukas ang ref"

  - "patayin ang TV kapag hindi ginagamit"

 at ang pinaka importante.........
               
           - "SLOW DOWN
       CHILDREN CROSSING"


----salamat po sa inyong pagbabasa at pagtangkilik sa walang kakwenta-kwenta at walang kadating dating na blog ko,,, salamat sa inyong walang sawang pag subaybay.. magandang araw sa inyo at naway lumabas ang tubig sa ilong nyo habang kayo ay umiinom  :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento