mga naligaw ng landas

Sabado, Hulyo 23, 2011

oo nga ano?

"sinong magsasabi na hindi mabigat ang papel? hehe"
hooo buhay,,, lalo yatang tumatagal ang mga araw na lumipas bago ako makapag post ng bago dito sa blog ko,, ang hirap kasi magkaroon ng ideya kapag marami kang ginagawa,,, na break na yata ng opisinang pinagtatrabahuan ko ang world record sa padamihan ng papers na dumadating (as usual,,, exaggerated na naman ang banat ko ehe ehe) di naman sa nagdadahilan ako o nag bibigay ng mga palusot dahil medyo tumatagal na naman ang mga bagong post dito sa blog na to ...... wag ka na magalit....nag papaliwanag lang naman ako,,,, kung ayaw mong tanggapin ang paliwanag ko eh 'di cge... palit tayo,,,mag uupdate ako ng blog araw araw tapos ikaw ang magtrabaho tapos ako kukuha ng sweldo, o? db? ayaw mo rin? hehe..... anywey hapibertdey (o bakit? magkatunog db? hehe) punta na ko sa dalawang issue na gusto kong pag usapan ngayon,,,, may mga ilang katanungan kasi ako sa sarili ko na malamang na sa iba ay kataka-taka rin...

- bakit ba nagpapatibayan ang mga tao sa inuman? hindi ba dapat mas ok pag maaga kang nalasing dahil na "accomplish" mo yung pinaka punto ng pag-iinom ---- ang malasing? .... tapos sasabihan ka ng mga kainuman mo na (waw pare tinamaan ka na kaagad? ambilis mo namang tamaan,, ang konte konte palang ng naiinom natin") ....mahina? dahil tinamaan ka at nalasing ka kaagad? pero, pero, pero sa totoo lang yung mga nalalasing ng mabilis o yung mga nag iinom na mabilis tamaan ang panalo sa inuman lalo na kapag yung mahinang yun ang bumubunot ng pambili, baket? nalasing ka na tapos hindi pa masyadong butas ang bulsa mo,. hindi ka na makakarinig ng pangangantyaw sa mga kainuman mo na bumili pa ng ilang bote ng alak dahil parang gulay ka ng nakahiga sa lapag.... 

- bakit ba pag may mga bagong mga pelikula sa mga sinehan eh yun pa yung mga madalas pagkwentuhan ng mga taong nakapanood nito,,, pare-parehas na naman nila napanood tapos magkkwentuhan pa tungkol sa mga nangyari dun sa pelikula,,, parang ganto...

gago#1:  "waw pare nakita mo yung nangyari dun sa babae nung hinabol siya ng maraming zombie?"
 
gago#2: "ah oo pare nakita ko, matindi yung nangyari,, kinaladkad siya nung mga zombie nung inabutan siya,,, tapos pinagpira-piraso na yung katawan nya...nakita mo yun?"

...yung panghuling sinabi na yun nung isa sa mga nagkkwentuhan ang pinaka nakaka-asar,,,, malamang "nakita" nung isa yun dahil mga pre...."napanood" na nga rin nya hindi ba? pwera na lang kung iba ang inaasikaso nya sa sinehan katulad ng pag dukot ng popcorn sa butas na lalagyan hehehe..

o diba kahit linggo ngayon nag effort ako na gumawa ng blogpost para lang sa inyong mga hinyupaks kayo hehe joke lang po yun ,, pero seryoso,, ginawa ko tlga yan para sa inyo para kahit konti naman ay malagyan ko ng guhit ng pag ngiti ang inyong mga mukha ngayong araw (na malamang ay pinagdudusahan nyo dahil sa matinding hang-over dahil malamang lahat kayo ay nag inuman kagabi) ahehe o paano po? salamat at magandang araw sa inyong lahat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento