mga naligaw ng landas

Miyerkules, Hunyo 8, 2011

itaktak ang ulong walang laman

 ah ah,,, eh eh,, tagal ko na rin palang hindi nakakapag post dito sa blog ko,,,, halos isang buwan o mahigit na yata... kaya eto ngayon ako,, sa pagkatagal tagal na hindi nakakapagpost ng bago ay muling nagbabalik para kayo ay paligayahin at bwisitin at the same time (kunsensya ni xinoko:--->huh? pwede ba yun?) hoy kunchencha ka! kaya ko yun! ...ahemm... anywey elepantey.... medyo natagalan nga diba kasi ako sa pag uupdate netong blog ko na to,,, di ko nga rin maintindihan kung bakit eh,,, baka siguro dahil lagi na kong napapagod sa trabaho,,,(good boy na po ako,,, di na masyado nag ba-blog sa office, focus ako sa work eh..weh!...., kaya sa bahay nalang) kaso nga lang pag uuwi ako medyo pagod narin at nag aantay nalang ng weekend para makapag isip at makapag sulat/type...kaso may komplikasyon parin pala kapag sa weekends mo nilagay ang iskedyul mo sa pagsusulat/pagtatype,,, siyempre sabado,,, anu ba namang mas pipiliin ko? pindutin ng pindutin ang keyboard ko o ang i-angat ang braso ko para makatagay sa inuman? no-brainer na to ah, xmpre ang magsulat! hehe biro lang,, siyempre ang mag-inom ang pipiliin ko,, pang relax din yun sa napakahabang 5 days na pagttrabaho,,,, yun na nga ang sitwasyon.....ganto yun eh,, analisahin natin:       
   
  SITWASYON:
    1. working days --> hindi makapag asikaso ng blog kasi nagttrabaho
    2. weekends --> hindi makapag asikaso ng blog kasi nagrerelax at nagsi-swimming sa alak
   
  SOLUSYON:
    =  edi mag-gawa ng mga bagong post sa opisina para di maapektuhan ang weekends ko, ahehe sira-ulo no? ayus ba? kaya ayan po mga kababayan, (hayagan na kawalangyaan ko eh)....

sa wakas... na solusyonan ko na ang walang ka-kwenta kwenta kong problema at ang sarili kong katangahan kaya hindi na kayo masyado mag-aantay ng matagal sa pag uupdate ko nitong "kwentokoto"... pansamantagal muna akong magpapaalam dahil tambak na ang papel ko na kelangan trabahuin sa lamesa ko,,, magandang araw at madapa ka sana :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento