mga naligaw ng landas

Linggo, Hunyo 19, 2011

waw partey partey

alam nating lahat na marami-rami din namang mga nagaganap na masasabi nating mga "good times" pag panahon na ng buwan ng May-June, andiyan ang karamihan sa bertdeyan, pyestahan, swiming-an, binyagan, at kung anu pang an-an, syempre and2 nanaman ako para ibigay ang aking "walang kwenta at nakaka-iritang mga opinyon tungkol sa mga nagaganap na mga masasabi nating "hapi-hapi" sa  panahong aking nabanggit...

- malamang marami din naman ang nakakapansin na pag patak ng buwan ng May o di kaya ay mga unang linggo ng June ay sangdimakmak ang may mga bertdey kaya kaliwa't kanan ang mga inuman,, bakit ba kamo? ganto yan,,, marami kasi sa mga "bagets" noon na malamang ay mga parents mo na ngayon ang naglalambutchingan sa panahon ng mahigit kumulang ay "September" siyempre naman alangan namang mag "pitik-bulag" lang sila sa kwarto sa medyo malamig na simoy ng hangin sa mga panahong iyon, hindi ba? siyempre may mabubuo, bibilang ka ng 9 months at tadaaaaaa! may lumabas na naman na perwisyo sa mundo at ipinanganak siya ng buwan ng Mayo, (medyo gets nyo nanaman siguro ang ibig sabihin ko hindi ba? sabi ko nga dun sa last na post ko "itaktak ang ulong walang laman" ha? ha?)

- at isa pa, marami din mga nagaganap na binyagan pag buwan ng May, bakit ba kamo? siguro yung iba isinabay na sa birthday nung iba nilang mga anak, yung iba naman ay nakikisabay na sa mga "binyagang bayan" para makatipid para yung ihahanda na lang sa pa-reception ang babayaran, yung iba naman ay "trip lang",,,, wala lang,,, madaming nagpapabinyag pag ganoong time eh,,, makiuso ba? ahehe

- marami ding nag-a-outing pag ganung panahon, siyempre hagip ng "summer season" at sasabihin na mainit daw kaya kelangan mag tampisaw sa mga beach, swimming pools at kung anu-anu pang destinasyon na makakapag palamig daw sa kanila,,,,, alam ko iba-iba ang opinyon ng mga tao pero siyempre...ipipilit ko parin yung akin dahil blog ko to hehe, mainit ba? mag electric fan ka o kaya bumili ka sa tindahan ng softdrink tapos sabuyan mo ng yelo, mahigit kumulang trenta pesos lang magagastos mo (wag ng mag feeling kung di ka naman mayaman katulad ko, sinasabi mo lang na mainit para maka-gimik ka lang or makagala sa resort o sa mga beach sa ibang malalayong lugar,) kung mayaman ka naman eh sabagay pera nyo yan,,, penge ako! ahehe pero sa totoo lang, kayo naman,, can afford nyo naman ang "aircon" tapos pupunta pa ng mga beach... tapos pag dating nyo sa beach at pumalya ang mga sunblock nyo eh magagalit kayo,,, tapos kung sa "baguio" naman kayo pupunta eh sasabihin nyo,, "wala din pala kwenta sa baguio, hindi naman ganung kalamig" (eh anu po ba talaga?) *hehe nagsermon nanaman ako...
      hay....buhay,,, mga tao nga naman.......teka.......(sabay tingin sa braso) nanggaling kasi ako nung isang araw sa isang resort.. tsk! bad-trip! sunog na nga ako, natusta pa lalo! :p

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento